simula

17 3 0
                                    

PROLOGO

Abala ako sa pinipintang mountain scenery nang makatanggap ng email mula sa aking assistant. Nilapag ko muna ang hawak na round brush at palette saka kinuha ang laptop sa gilid bago iyon binuksan. Ang sabi niya ay may isang malaking offer na ibibigay sa akin si Mr. Ramos. Sabi pa nito ay gusto niya akong kunin bilang pintor ng isa sa mga alaga niyang modelo bilang display portrait sa bahay. Napangiti naman ako sa sobrang saya dahil mayroon na naman akong kumisyon. Dag-dag ipon na naman para ipadala kila mama. This is the only way I can help my parents dahil hindi naman ako nakapag-college. Napawi ang ngiti ko ng mabasa ang sumunod na sinabi ng aking assistant.

‘By the way, he is requesting a naked portrait’

Bumagsak ang balikat ko. Akala ko, larawan ng mukha niya ang ipipinta ko. Turns out, all his body features are included. Nakagat ko ang ibabaw na labi bago nagtipa ng mensahe.

‘I'm sorry Mileth, but I cannot accept Mr. Ramos commission. You know I can’t paint mans anatomy. Ayos lang sana kung babae, ngunit lalake ang magiging kliyente ko. I have to refuse the offer’

Naisarado ko ang laptop at bumuntong hininga saka sumandal sa upuan. Napapikit ako ng mariin at muling nagdilat ng mata. Tinitigan ko ang landscape painting na hindi ko pa natatapos bago malungkot na pinagpatuloy iyon. Akala ko pa naman ay makakadagdag na iyon sa ipon na ipadadala ko kay mama. Bakit ba kasi hindi ko magawa ng maayos ang mans anatomy? I can paint anything, but when it comes to a mans anatomy, palpak talaga. I already tried it many times and I get tired by trying the results of failure. I am hopeless when it comes to that.

Tinigilan ko na muna ang hindi pa natatapos na painting saka lumabas sa maliit kong art room studio na kwarto ko na rin. Dala ang laptop ay nagpunta ako sa maliit kong kusina at nagtimpla ng kape saka gumawa ng dalawang sandwhich bread. Ito lang yung pampatanggal ko ng stress. Umupo ako sa maliit na counter chair saka nilapag ang laptop sa counter bago iyon binuksan. Kinuha ko ang isang sandwhich bread saka kumagat doon bago binuksan ang laptop. Nabitawan ko ang tinapay na hawak sa nabasa.

‘Mr. Ferino, under the care of Mr. Ramos, is offering you a one million for a single portrait. Girl, one million. We are talking about one million here. Will you still not accept the offer?’

Napaubo-ubo ako nang pasukan ng hangin ang bibig kong nakanganga. Nagbara ang tinapay sa lalamunan ko. Tumayo ako at nagmamadaling kumuha ng tubig saka lumagok. Nang malulon ang tinapay ay napahimas ako sa dibdib ko. Ikamamatay ko yata ang one million. One million for just a one portrait? I guess, I have to learn about it. Malaking pera na iyon para sa pamilya ko.

Bumalik ako sa pagkakaupo at nagtipa ng irereply kay Mileth.

‘Wala naman akong sinabing hindi ‘no. Tell Mr. Ramos that I am accepting Mr. Ferino’s offer’

Nagreply ang aking assistant na bukas daw ay isesend ni Mr. Ramos ang kanilang location for meeting regarding the painting.

Nakangiti kong hinablot ang tinapay na muntik ko nang ikamatay at kumagat doon bago sumimsim sa kape. Excited na ako.

Pagkatapos no’n ay nanood ako ng mga tutorials for painting mens anatomy. Nagbasa din ako ng mga body structures ng lalake. Pinag-aralan ko ang mga details of a mens biceps, clavicle, abs, thights, calves and the proportion. I always fail when it comes to it. I don’t know. Maybe I‘m not really an artist.

Pinudpod ko ang utak ko nang gabing iyon. Hindi rin ako makatulog dahil natutuwa ako sa magandang offer. I need to focus myself here. I will do my best for a one million. I already have enough money and my source of commissions are fine but that one million can change our lives. Maipagpapaaral ko na rin si kuya Cloud. I can travel accross the world with my family and with my passion.

Ang mga magulang ko kasi ay ayaw sa sibilisadong lugar dahil magulo raw. Si kuya Cloud naman ay mas gusto na lamang na tulungan sila mama at papa roon. Ang sabi niya ay ayos lang daw siya. Imbis daw na ipampaaral sa akin ay ipunin ko na lamang daw ang pera. Hindi raw kasi tama na ako na bunso niya pang kapatid ang magpapaaral sa kaniya. May trabaho naman siya at suma-sideline rin. Mas gusto nila sa probinsya. Doon daw ay magtanim ka lang ay may makakain ka na. Indeed, that’s true. Kaya heto at magkalayo kaming pamilya. Dumadalaw naman ako madalas sa kanila pero iba pa rin talaga kapag nakakasama mo sila sa iisang tirahan.

Tumawag din ako ng gabing iyon para kumustahin sila. Hindi ko muna sasabihin ang magandang balita dahil balak ko silang surpresahin.

“Oh bunso, kumusta ka riyan?” paos na saad ni kuya Cloud matapos sagutin ang tawag.

Nagising ko yata siya.

“Ayos lang kuya pero namimiss ko na kayo kaagad.” Rinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. Napasimangot naman ako at lumabi.

“Kauuwi mo lang last week ah. Namiss mo na ako kaagad?”

“Kuya Cloud! Si mama at papa lang namiss ko ‘no,” kunwari kong sigaw ngunit napangiti rin.

“Oo na bunso. Pero gabi na ah. Bakit hindi ka pa natutulog?” Rinig ko ang paggalaw niya sa kabilang linya bago ang paghikab.

I think nagising ko nga si kuya. Sinabi kong nangangamusta lang. Pagkatapos ay nagpaalam din ako kaagad. May trabaho pala siya kapag umaga. Mukhang pagod na pagod ang kuya Cloud ko.

Naglinis muna ako ng katawan bago sumalampak sa higaan. Mag aalas dyes na pala. Sinet ko muna ang aking alarm bago natulog.

Kinabukasan ay binuksan ko kaagad ang laptop para tingnan kung nagsend na ba ng email si Mileth para sa meet up namin mamaya. Nang makitang wala pa naman ay kumain muna ako at nag-ayos.

Saktong pagtungtong ng alas syete ay nag-email na si Mileth ng location. Naroon daw siya sa kalapit na coffee shop at papunta na sa aking apartment. Sinuri ko muna ang sarili. Naka-long skirt ako with a color peach cotton jacket and a white rubber shoes. I have glasses too. Hindi malabo ang mata ko pero nakasanayan ko na kasing magsuot ng salamin. Pakiramdam ko kasi, napoprtektahan nito ang mga emosyon na lumalabas sa aking mata. Kinuha ko ang maliit na shoulder bag bago lumabas ng apartment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catching StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon