Chapter 10: Another Phase of test

81 51 25
                                    

Third Person's POV

At dahil sa hindi maaaring gamitin ang training room sa magiging laban ng dalawa. Sa isang clearing ito ginanap kung saan sa likod na parte ng Chantara matatagpuan. Nagsimula agad ang laban pagkarating nila duon. Kasalukuyang nasasaksihan ng Sirius Knights, ng professor at ng Headmaster ang labang nagaganap sa himpapawid.

Maririnig ang malalakas na pagsalubong ng kamao sa kamao ng dalawa. It was like your hearing a wave from two big springs that are in the experiment. Ang pagsipa ni Norn gamit ang harap ng kaniyang binti sa tagiliran ni Eos at pagsangga naman ng huli gamit ang braso ay naglikha rin ng napakalakas na dagundong. Hindi lamang iyon dahil para silang dalawang espadang tumatama sa isat-isa at lumilikha ng kakaibang kislap ng liwanag.

Balak gamitan ni Eos ng tuhod si Norn sa baba nito ngunit mabilis na naka-atras ang dalaga subalit agad din itong sumugod at ganun din naman si Eos. Duon ay nagpalitan sila ng malalakas at mabibigat na suntok at sipa sa isat-isa. Halos hindi na ito makita ng mga nanonood sa baba liban na lamang sa Headmaster na si Alaric.

Sa sunod-sunod nilang atake ay isang sipa ang nakatakas sa depensa ni Norn at siya ay tinamaan sa tagiliran niya. Tila naman nagulat duon si Eos na siyang may gawa nito ngunit, pilit niyang ibinalik ang seryoso niyang mukha. Kapag kasi nalaman ng headmaster na pinipigilan ni Eos ang kaniyang sarili ay maaari si Norn ang malagay sa alanganin.

Nang muling makabalik si Norn mula sa pag kakatalsik niya ay nagsimula lamang muli ang palitan nila ng mabibigat na mga atake sa isat-isa. Nagulat pa si Eos dahil hindi humihina ang dalaga kundi ay lumalakas.

Marami ng natamo ang dalaga mula sa nauna nitong pag-subok at idagdag pa ang halos pagkabali ng buto nito dahil sa atakeng iyon kanina ni Eos na hindi nito nailangan o nasanggahan na hindi rin inaasahan ni Eos kaya siya ay kinakabahan.

Sa pagsalubong muli ng kamao nilang dalawa ay duon naman sila parehong tumalsik palayo sa isat-isa. Ngunit napaka-bilis na nakabawi ang mga ito at singbilis ng kidlat na tinawid ang pagitan nilang dalawa habang may magkaibang liwanag sa mga kamay.

Ang nasa kamay ni Norn ay kulay asul at bilog na liwanag habang ang kay Eos naman ay kulay pulang-kahel at bilog na liwanag. Mabilis ang mga pangyayari at nagsalpukan kaagad ang mga kapangyarihan nila.

Sa sobrang lakas nito ay muli silang napalayo sa isat-isa ngunit sa pagkakataong iyon ay huminto na sila habang kapwa lumulutang sa ere. Duon lamang rin naging malinaw at makikita ng ayos ang kanilang itsura dahil kanina ay para lamang siyang guhit sa hinpapawid.

Si Eos ay may pak-pak na dahilan ng kaniyang paglipad. Ang mga balahibo nito ay gawa sa apoy. Ang kaniya ring kanang pisngi ay tila may mga balahibong apoy at ganun din sa ibang parte ng katawan niya. May kung anong mahahabang parte ng pakpak ang sumasayaw sa hangin.

Samantalang ang kay Norn namang pakpak ay kulay asul at ang bawat balahibo nito ay gawa sa tubig. Ngunit kung titingnan mo ng mabuti ay masasabi mong ang asul na iyon ay may halong walang kulay na parte. Tumutulo ito ngunit kaagad ding naglalaho bago pa makalapit sa lupa.

“Sorry miss Norn. But I don't want you to hold back, so I'll give it all my best from now on.” sigaw ni Eos sa kadahilanang magkalayo sila masyado.

Wala namang naging reaksyon duon si Norn. Pinanood niya kung paano itaas ni Eos ang malapad nitong apoy na espada gamit ang dalawang kamay. Normal lamang ang espadang iyon at di mo kakikitaan ng ka-espesyalan sa itsura dahil para lamang itong apoy na hinulma hilang espada. Di naman nagtagal, sa taas ng espada na iyon kung saan ito nakatutok ay may nabuong kulay pulang-kahel na kapangyarihan.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon