FROM: Cián
I miss you.From: Cián
Kumain ka na ba?From: Cián
Are you busy, baby?From: Cián
I'll call you.From: Cián
I'm calling. Answer it.From: Cián
I know you're not busy!From: Cián
Stop ignoring me, will you?From: Cián
SannaNanlaki ang mga mata ko habang binabasa ang sunod-sunod na mga mensahe mula kay Cián. He's spamming me while I was asleep!
Agad akong napabalikwas ng bumangon mula sa pagkakahiga at pinindot ang kaniyang number para tawagan siya.
Hindi pa man ito nag-ring ay agad na nitong sinagot ang tawag ko.
"Hello? Ano ba'ng kailangan mo?" I spoke first.
I heard his chuckle on the other line.
"Hi, baby. I miss you."
Napairap ako sa kawalan.
"Wala ka naman yatang kailangan. Stop texting and calling me. Bye."
Akmang ibababa ko na ang tawag nang bigla siyang nagsalita.
"Wala ka man lang ba diyang 'I miss you too'?" Tanong niya na ikinainis ko.
"At bakit naman kita mami-miss?"
"Just kidding." He chucked. "Sanna, don't be like that. Remember our deal, hmm? Sige ka, kapag sinungitan mo pa ako at nainis ako nang tuluyan ay bigla akong kumanta." Tila nang-aasar niyang sabi ngunit ang kahulugan nito ay nagbabanta.
His voice were straight and serious.
Matinding kaba ang bumalot sa akin at sinabayan pa ng bilis nang tibok ng puso ko.
"Cián,"
"Why were you not replying and answering my calls, huh?"
I heavily sighed.
"T-tulog ako. Kakagising ko lang at ngayon ko lang nabasa ang messages mo."
"Okay. I thought you were doing something naughty kaya hindi ka nakapagreply sa akin." Aniya bago humalakhak nang mahina sa kabilang linya.
Kumunot ang aking noo dahil hindi maproseso ng utak ko ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi. Ngunit kalaunay na-gets ko ang meaning nito. Napakabastos niya talaga kahit kailan!
"Are you available this afternoon, baby?"
"Hindi." Kaagad kong sagot.
"You sure? Sanna,"
"May p-pupuntahan ako ngayon." Pagsisinungaling ko dahil ayaw ko siyang makita.
Sa t'wing nakikita ko kasi siya ay nilalamon ako ng aking konsensya. Every time we meet, it really disgusts me, I feel so guilty.
It's because, I have a husband and this man I am talking with is an affair of our marriage. I disgust myself for letting him in-in my life-in our marriage.
Sinubukan ko naman siyang layuan pero siya mismo ang lumalapit sa akin at wala akong magawa dahil pinagbabantaan niya ako. Na kapag daw sa oras na nilayuan ko siya, sasabihin niya ang tungkol sa aming dalawa, hindi lang sa asawa ko kundi sa lahat. Sisirain niya ang aking reputasyon.
So in order to keep this secret, I decided to follow his commands.
"Where are you going, baby?"
"Bakit ka ba tanong nang tanong? Hindi mo naman mahalagang malaman." Naiinis kong sagot.