𝐂 𝐇 𝐀 𝐏 𝐓 𝐄 𝐑 05

259 7 0
                                    

𝗙𝗥𝗘𝗬𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Balak ko nang umuwi ng bahay kasi ayaw kung mag stay don‚ para kasi akong sinasakal doon sa lugar na yun!

Sobra akong nanghihinayang ngayong araw kasi yung pinasukan kong trabaho na matagal ko pa namang hinihintay ay.

Lubusan talagang nakapanghihinayang sa’kin kasi ang nagmamay ari non ay ang taràntadong lalaking yun!

Kaya pala ganon nalang ako kung kabahan nang husto‚ pahiwatig pala yun na makikita ko ulit s’ya nang harap harapan.

Naglalakad lang ako pauwi nang bahay kasi mas gusto ko pang maglakad pauwi kaysa sa mag commute.

Sa tuwing naglalakad ako nang mag isa‚ nakakapagpagaan kasi ito nang pakiramdam ko.

Lalo na at may problema ako ngayong kinakaharap na mabigat ipasan sa kalooban‚ gustong gusto ko nang ilabas ang mga pighating nararamdaman ko ngayon.

Ang sarap iiyak‚ ang sarap isigaw sa buong mundo ang masakit na pighating nararamdaman ko ngayon sa puso ko ngayon.

Totoo naman talagang sobrang pagod nang mabuhay sa mundo pero kakayanin ko nalang ito.

Alang alang lang sa anak kong nagbibigay nang lakas sa akin na minsan palagi kong iniisip na.

Ang sarap nang màgpàkàmàtay‚ gustong gusto ko nang magpahinga pagod na kasi ako ehh.

Sobrang nakakapagod nang mabuhay sa mundong may pinapasan kang mga problema sa buhay.

Pero hindi muna sa ngayon‚ hindi ko pa oras ngayon na màmàtay sa kalagitnaan nang mahirap na sitwasyon na aking kinakaharap ngayon.

May misyon pa akong kailangang tapusin ngayon‚ ipagkalaban ko pa ang anak ko laban sa ama niyang kasing hayop ng halimaw.

Na sobrang mapanakit‚ mapang abuso‚ sakîm at gahàmang lalaki sana nakulong na s’ya sa kulungan!

Sana nabulok na s’ya sana ngayon sa bilangguan habang buhay! pero hindi ko magawa.

Dahil kontrolado niya ang batas‚ kontrolado din niya ang mga pulisya‚ politiko‚ gobyerno at maging ang mga media kontrolado din n’ya.

Ganyan siya ka makapangyarihang tao‚ kontrolado niya ang lahat ni isa ay walang may lakas na loob.

Na kalabanin ang isang tulad n’ya! paano ko s’ya ngayon kakalabanin‽ kahit na ang presidente ay walang kalaban laban.

Sa kanya ako pa kaya na isang hamak na mahirap lang‚ isang simpleng tao lang gaya ko.

Paano ko s’ya ngayon lalabanan nang patas‽ paano ko s’ya lalabanan at ipabagsak sa lupa.

Kung ang gagamitin kong armas ay tanging pagtangis at pagkamuhi lang‽ hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung papaano ko poprotektahan ang anak ko sa kanya sobra nang naba blangko ang utak ko ngayon‚ hindi ko alam kung ano ang gagawin.

𝗔𝗙𝗧𝗘𝗥 𝗔 𝗠𝗢𝗥𝗘 𝗛𝗢𝗨𝗥 𝗣𝗔𝗦𝗧

Nasa harap na ako ngayon nang apartment na kung saan ay nasa second floor ang apartment ko which is naroon ang anak ko at si rose.

Umakyat ako papunta sa aking apartment at habang humakbang ako nang dalawang hakbang.

Papunta sa tapat nang pintuan nang apartment ay may kung ano ano nalang ang narinig kong tunog na may nabasag na malakas mula sa loob mismo nang apartment na kung saan ay naroon sa loob ang anak ko at si rose sa apartment.

Nang marinig ko ang tunog na yun ay dali dali agad akong tumakbo papunta sa loob nang apartment.

Bubuksan ko na sana ang pintuan pero hindi ito naka lock‚ nang makita ko ito na hindi naka lock ang pintuan ay.

Secretly hiding the daughter of multi trillionaire Where stories live. Discover now