Chapter - 01

1.5K 23 1
                                    

Kazzlyn POV

Biglang dilat ang mata ko ng may kumalabog sa pintuan ng silid ko dito sa Mansion. Dali dali akong tumayo para tignan kung sino ito, napatingin pa ako sa wall clock dito sa silid.

"Mag 6:30 na." Pakamot ulo kong sabi sa sarili ko. Kailangan bago mag 8 nakabihis na ako at nakaayos. Patay na naman ako sa amo kong madiwara.

Napaigtad ako ng kumalabog na naman, hay pwude naman sana kumatok ng maayos bakit kailangan pang kalabugin? "Ayan na po." Magalang kong sabi.

Pag bukas ko ng pinto bigla akong napayuko. "S-senyorita."

"What took you so long to open the door?" Pasigaw nitong sabi.

"P-pasensya na po, kagigising ko lang po." Sabi ko.

Narinig ko ang pag tawa nito. "Wow ha! Kagigising?" Sabay tango ako. "What do you think of yourself, senyorita?" Dagdag pa na bulyaw niya kaya napapikit na lang ako.

"S-sorry po."

Napahinga ito ng malalim. "Anyway, laban mo tong dress ko. Isusuot ko yan mamaya sa party and make sure na malinis to, ha! And don't use the washing machine, use your hand instead. It's more better."

"Po? M-may pasok po a-ako." Matapang kong sabi dito. Wow ha matapang ba yan? Nauutal ka nga.

"So? I don't care. Basta sundin mo ang inutos ko." Bulyaw nito habang nanlalaki pa ang mata.

Tumango tango na lamang ako. "Yes po, s-senyorita Calandra."

"Kalós." (Good) Another chuchu chuchu na naman ni senyorita. Ba't ba kase ayaw na lang nila na mag tagalog or english ng dire-diretso.

Mabilis akong nag punta sa banyo para gawin ang morning routine ko, pag katapos nun ay pumunta ako sa labahan para laban ang dress ni senyorita. Siguro hindi na lang muna ako papasok ngayon.

Napakamot ako sa ulo ko ng maalala si senyorito Zyon, ako nga pala ang Yaya na yon. Ayaw pa naman nun na nawawala ako sa paningin niya, pano na to? Magagalit din sakin iyong lalake na yon.

Umiling iling na lang ako. Ay bahala sila. Sabi ko sa isip ko. Sabihin ko na lang na inutusan ako ni senyorita. Kinuha ko ang banyera tapos nag lagay dito ng tubig at sabon.

Nag simula na akong kusutin ang dress ni senyorita, red dress ito. Kaso hindi ko alam ang tawag sa gantong dress, hindi naman kase ako maalam sa gantong mga bagay. Hindi pa nga rin ako nakakasuot ng ganto kagandang damit.

"Anak!"

"Nay? Andito po ako sa labahan."

"O, bakit hindi ka pa nakabihis?" Takang tanong ng nanay ko.

"Kase nay ginising po ako ni senyorita Calandra, pinalabhan po sakin itong dress niya."

"Pano naman ang pasok mo?"

Napakamot ako sa ulo ko kahit may bula ang kamay ko. "Ewan ko nay, siguro pag may time pa papasok ako pero pag wala na bukas na lang po."

"O sige, ikaw ang bahala. Mag hahain muna ako ng agahan nila, ha!"

"Sige po, nay!"

Matagal ng na nga tulong si nanay dito sa Mansion ng mga Barlowe, mayaman sila. Hindi pala, sobrang yaman. Ang amo namin na lalaki ang haligi ng tahanan na si sir Zamir ay Greek at si madam Catherine naman ay Filipina. Buti na lang at mabait itong mga amo namin ni nanay, ngunit ang mga anak nito ay ewan.

Wala akong masabi sa kanila dahil sobrang babait lang naman nila, grabe ang babait talaga. Lalo na si senyorita Calandra, kita ninyo naman kanina diba.

Madami silang negosyo, may Empire sila sa Greece, Company yung Empire na yon sabi ni nanay. Ewan ko rin ba kay nanay chismosa rin kase, kaya minsan yung mga kinukuwento sakin mali mali pa. Mahilig kase siyang makipag chismisan kay madam Catherine.

Barlowe Series 1: Zyon Barlowe 'No Escape' (On-Going)Where stories live. Discover now