PROLOGUE

13 1 0
                                    

"Im sorry."

Yan ang mga unang salitang lumabas sakanyang bibig matapos niya kong papuntahin sa dati naming pasyalan.

"Para saan?"

Ang salitang tanging lumabas sa aking bibig kahit tila napakarami kong gustong itanong kung bakit, ano, kung pano at kung ano ano pa.

"Dahil alam kong masasaktan ka sa mga susunod kong sasabihin."

Sagot niya sakin habang siya'y deretsong nakatingin saaking mga mata. Napasin kong tila wala na ang dating tuwa at ligaya at pagmamahal sa twing tayo'y magkikitang dalawa. Ang mga iyon ay napalitan na ng tingin na walang emosyon na para bang sinasaksak na ang aking puso.

"Ano ba yung sasabihin mo?"

Pilit kong kinakalma ang aking sistema sapagkat alam kong kahit anong oras ngayon ay may mga luhang walang humpay na tutulo sa aking mga mata. Wala ka pang sinasabi, pero sobrang sakit na.

"Mahal kita."

Oo alam kong mahal mo ako, pero bakit parang may mali. Bakit parang iba ang paraan ng pagkakasabi mo. Bakit iba ang aking nararamdaman, imbis na maging masaya at kalmado ang aking sistema lalo lang pumipintig ng malakas ang aking puso. Unti unti, mas nararamdaman ko na malapit ka nang mawala saakin. At nang ako'y magsasasalita na, bigla mong binitawan ang mga salitang hindi ko inakalang sasabihin mo saakin..

"Mahal kita, pero mahal ka rin ng kaibigan ko. Mas mahalaga ang pagkakaibigan para sakin. Kaya pinapalaya na kita. Im sorry."

At sa mga oras na yon, tuluyan nang kumawala ang mga luhang pilit kong pinipigilan simula nung mga oras na ika'y aking tignan. At sa oras na ito, labis ang aking pag sisisi n inuna kita para lamang ako'y masaktan.. at sa mga oras na yon, tuluyan nang nawala ang masiyahin at palangiting ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon