Chapter - 03

647 14 1
                                    

Kazzlyn POV

Nandito ako sa kusina nag luluto ng kakainin ng lalake na yon, nakakainis kase. Sabi ko hindi muna ako sasama sa kanya sa company, dito muna ako at aalis kase ako mamaya aattend ako ng reunion ng mga kaklase ko nung highschool ayaw ba naman akong payagan.

Ang gusto sumama ako sa kanya sa company niya, wala naman akong ginagawa dun nakatanga lang ako mag hapon. Katulad na lang kahapon, pag katapos naming kumain sunod sunod na meeting ang ginawa niya naiwan lang ako sa office niya. Nakatulog na nga ako sa sofa, ng magising ako ay gabi na tapos oras na ng uwi namin.

Habang nag fafried ako ng rice nakakita ako ng chili sauce, ibuhos ko kaya yung chili sauce sa niluluto ko ng madala ang bwisit. Napairap na lang ako habang ginigisa ang bawang sibuyas, gusto niya na nilalagyan yan ng ganyan. Pag katapos inilagay ko ang spam na hiniwa ko into small cube kasunod nun ay ang carrots na hiniwa ko rin into small cube.

After I saute the garlic, onion, spam, and carrots inilagay ko na yung rice na kasasaing pa lang tapos medyo malata. Yan ang gusto ng abno na lalake na yan. Habang hinahalo ko ang niluluto ko nilagyan ko ito ng salt and betsin tapos hinalo halo ko lang ulit.

"Kazzlyn." Bigla akong napairap ng marinig ang boses na iyon, speaking of the devil. Hindi ako sumagot bwisit siya hindi ko siya kakausapin.

"Kazzlyn!" Sigaw na naman niya, hindi pa rin ako sumagot.

Maya maya lang naramdaman ko siya na nasa likod ko na, kinuha ko ang isang pan sa lalagyan nito para mag luto ng sunny side-up egg tapos steak. "Dagdagan mo na yang niluluto mo tapos sabay na tayong kumain." Aniya. Pero hindi ko pa rin siya kinakausap.

Pumunta ako sa ref at kumuha ng dalawang itlog tapos dalawang beef chuck for steak, dagdagan ko nga raw diba. Pag isa lang ang kinuha ko dadada na naman ang buwisit na'to. Chineck ko ang rice tapos hinalo ito, nilagyan ko ito ng oyster sauce para naman hindi plain lang ang tingin. After nun nag punta naman ako sa steak, inopen ko ang kalan tapos isinalang ko na ang dalawang steak.

Malaki naman ang pan kaya kasya ang dalawa, after nun ay nilagyan ko na ng salt, pepper, butter, garlic and rosemary. I lower the heat, baka kase masunog maging well done pa. Ang gusto lang naman kase ng lalakeng ito ay medium rare lang. Iniwan ko ang steak saglit para tignan ang fried rice ng makitang okay na ito pinatay kona.

Tinignan ko si Zyon bigla naman itong umayos ng tayo, masyado pala kase ang panunuod niya sa ginagawa ko. "W-what?" Bigla itong umiwas ng tingin.

"Kunin mo tong fried rice mo tapos kumuha ka ng plato ilagay mo na, para bawas sa gawain ko. Nakatayo ka lang naman dyan." Pairap kong sabi sa kanya.

"O-okay." Sagot nito, kumuha muna siya ng dalawang plato tapos kinuha na ang pan na pinag lutuan ko ng fried rice. Akmang ilalagay na niya ang rice sa plato ng may maalala ako.

"Wait." Sabi ko sa kanya, napatingin naman sakin ito.

"Am I doing it wrong?" Takang tanong niya.

Umiling ako tapos lumapit sa kanya, kumuha ako ng maliit na mangkok sa lalagyanan tapos inabot sa kanya. "Sukatin mo ang kanin dito para hindi sabog sabog ang pag lalagay mo." Inabot ko sa kanya ang mangkok kaya kinuha naman niya ito.

Tumango tango ito at kinuha sakin ang mangkok. "Okay."

Ibinalik ko na sa steak ang tingin ko, ng maluto ang steak hindi ko na ito hiniwa buo ko na'to inilagay sa plato tapos nag pirito na ako ng itlog. Yung egg inilagay ko sa ibabaw ng rice tapos steak naman sa gilid lang, may sauce rin ito na inilagay ko sa maliit na sauce gravy boat. Of course meron din ito'ng spoon, fork, and steak knives.

"Is it done?" Tanong ni Zyon sakin.

Tumango ako. "Oo, tapos na " Sagot ko naman.

"Then let's eat in my room." Sabi niya na kinakunot ng noo ko.

"Bakit sa kwarto mo pa? Dito na lang." Sabi ko at kinuha na ang plato namin at inilagay dito sa table sa kusina. Yung kainan dito sa kusina is for maid lang.

Wala na siyang nagawa dahil nag simula na akong kumain kaya kumain na lang din siya, tahimik lang kami habang kumakain. Naisip ko na mag paalam ulit sa kanya kaso baka hindi na naman ito pumayag, ano na ang gagawin ko?

"Ehem." Panimulang pag paparinig ko.

Natingin naman ito sakin habang mag kasalubong ang kilay. "Is there a problem?" Tanong nito.

Huminga ako ng malalim. "Aalis kase ako mamaya, Zyon. Gusto ko sanang mag paalam sayo."

Hindi ito sumagot kaya wala na ako'ng nagawa at binalik sa pag kain ang atensiyon ko. "Who's with you?" Agarang tanong nito.

"H-ha?" Wala sa sariling tanong ko rin sa kanya. Anong who's with you, who's with you ka dyan.

"Who's with you?" Madiin nitong tanong ulit.

"M-mga kaklase ko nung highschool."

"Are you sure?" Paninigurado nito.

"Oo naman."

"Okay, mag iingat ka. Wag ka'ng masyadong mag pa pagabi."

Napangiti naman ako sa sinabi niya, anong hindi mag pa pagabi. Mag pa pagabi ako, mag wawalwal ako, minsan lang ako makawala sayo. Char hahaha.

Nang matapos kaming kumain nag ligpit na ako, akmang aalis na ako para pumunta sa kwarto ko ng bigla siyang mag salita. "Before 10:00 pm dapat nasa bahay ka na." Aniya, at ng lingunin ko siya nakita kong hawak niya ang cellphone ko at may kung anong kinakalikot don.

"Ano?"

"Before 10:00 pm."

Napairap ako at lumapit sa kanya sabay hablot ng cellphone ko sa mga kamay niya. Tinignan niya ako ng seryoso. "Before 10:00 pm, remember that. Don't make me follow you."

Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Napahinga ako ng malalim at inirapan siya tapos nag madaling lumabas sa kusina na masama ang loob. "Sabi na, eh! Ganon na naman ang gagawin niya." Wala sa sariling sabi ko habang pa dabog ako'ng nag lalakad.

"OHMYGOSH!" Natauhan ako sa sigaw na yon.

Dahan dahan kong ibinaba ang tingin ko at nakita si senyorita Cleona na napaupo sa sahig dahil nabunggo ko siya. Dali dali akong lumuhod at tinulungan siyang mag pagpag at tumayo.

"What happened?" Rinig kong tanong ni Zyon.

"Oh, it's nothing kuya." Sagot ni senyorita Cleona.

"Pasensya na po senyorita hindi ko po sinasadya, hindi ko po kayo na pansin." Sabi ko habang nakaluhod pa rin si senyorita naman ay nakatayo na.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko at hinila ako patayo. "Get up!" Nang iangat ko ang tingin ko si Zyon pala. 

Ngumiti sakin si Cleona. "Don't worry, ate Kazz. It's not a big deal."

"Sorry po talaga." Nakayuko kong sabi.

Tumawa ito. "It's fine."

"Sige po, mauna na po ako." Pag pa paalam ko at galit kong binawi ang braso ko kay Zyon tapos nag lakad na papunta sa silid ko.

"Oh, LQ kuya?" Rinig kong tanong ni Cleona sabay tawa.

"Stop it. It's not funny."

lharaxsss

Barlowe Series 1: Zyon Barlowe 'No Escape' (On-Going)Where stories live. Discover now