Pa-order ng panga

2.2K 102 14
                                    

Naging ritwal ko na ang pag kain ng cheeseburger malapit sa eskwelahan tuwing biyernes. Walang sinabi ang yum burger ng Jollibee dito.

"Isa ngang cheeseburger deluxe tsaka coke."

Nag lapag ako ng twenty-five pesos sa may counter. Oh diba? Masarap na, mura pa. Hindi ako namumulubi tuwing bibili ako dito.

Pagka abot na pagka abot sakin ng order ko, dumiretso ako sa paborito kong lamesa. Eto lang kasi ang nag iisang lamesa na may upuan na may sandalan.

Miki, asan ka na? Text ko sa bestfriend ko.

Somewhere over the rainbow, reply ng gaga.

Sinimangutan ko ang cellphone ko at inilapag nalang 'to sa plastic na lamesa bago damputin 'yung in-order kong burger.

Halos kumislap ang mga mata ko nang buksan ko 'to. Napaka juicy at amoy palang, heaven na. Kumulo ang tyan ko at halos mag laway na ako. Take note, kakabukas ko palang ng wrapper. Ganun siya kasarap.

Ibinuka ko ng pagka laki laki 'yung bunganga ko sabay kumagat doon sa burger. Napa ungol ako at may kaunti pang sauce na tumulo sa baba ko. Ni hindi ko namalayan na napa pikit na pala ako.

Pagka dilat ko, namilog ang mga mata ko at naramdaman kong shumoot 'yung kinagat ko sa may lalamunan ko at nagsimula na akong mabilaukan.

"Miss!" Gulat na sabi nung adonis na naka upo sa katapat na lamesa ko. Wala na akong nagawa kundi panoorin siya na nagmamadaling maglakad papunta sa likuran ko. "Miss! Okay ka lang ba?"

Punyeta ka mamamatay na ako dito dahil sa'yo ta's tatanungin mo pa kung okay lang ako?! Eh kung bugbugin kaya kita ng halik?!

Hinampas niya 'yung likod ko at naramdaman ko 'yung pagkain na bumalik sa bibig ko. Naduwal ako at may idinikit 'yung lalaki sa bibig ko kaya naman doon ko iniluwa 'yung kinain ko.

"Inom ka oh," ani pa niya bago iabot saakin 'yung coke ko.

Umubo ubo ako at patuloy niya lang na hinimas ang likod ko. May mangilan ngilang mga customer ang nanonood saamin kaya naman naramdaman kong nag init ang mga pisngi ko.

Ininom ko na 'yung coke at hindi nagtagal ay nahimasmasan na din ako. "Thank you," sabi ko dun sa lalaki bago umubo ulit. Panyo niya pa pala ang pinag luwaan ko! Nakakahiya ka Christine!

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa harap ko sabay hinila 'yung bakanteng upuan doon para maka upo siya.

Nakita ko na ng mabuti ang mukha niya. Damn. Waiter, pa-order ng panga, nahulog 'yung akin.

"Okay na ka, miss?" tanong niya bago tumawa. "Sorry kung nabigla kita ah? Ang sarap mo kasing kumain, natulala ako."

"Hala.." napatakip ako sa bibig ko. Nakakahiya talaga!

"Creepy ba?" nahihiyang tanong niya bago nag peace sign, "Sorry."

Chinitoooooooooooooooo!!

"Hindi, okay lang.."

Tumawa siya sabay napatakip sa mukha niya. Napatakip din ako sa mukha ko dahil sa hiya sabay sumilip sa pagitan ng mga daliri ko. Ganun din pala ang ginawa niya kaya naman sabay kaming napatawa.

"Tristan nga pala," pakilala niya maya maya, 'yung isang kamay niya naka abot sakin.

Kinuha ko 'to at nag hand shake kami, "Christine."

✮✮✮✮✮✮✮✮✮✮

Ayun ang storya ng pagkaka kilala namin ng first boyfriend ko na si Tristan Aguinaldo.

Tumagal kami ng tatlong buwan at ika-23 ng September kami naghiwalay. Sa mismong harapan pa ng tindero ng paborito kong cheeseburger.

"Masyado kang control freak! Napaka clingy mo pa, para kang tuko! Sawang sawa na ako sa'yo Christine!"

Ayan ang mahiwagang speech niya bago ako iwan sa bilihan ng cheeseburger, dala dala pa ang pink at bulaklakin kong payong.

Napasalampak ako sa sahig at napa iyak, "Tangina mo Tristan! Pandak ka! Pandak! Tinapon ko lahat ng heels ko para sa'yo!" Nag hysterical ako doon sa sahig, kung ano anong lumalabas sa bibig ko tungkol sa kaliitan ng ex ko. "Yung payong ko!! Huhu! Hindi porket maliit din 'yun sa'yo na bwisit ka!"

Makalipas halos thirty minutes kaka sigaw at iyak, tumayo na ako at pinunasan 'yung sipon at luha ko. Habang humihikbi, naisipan ko pang mag-order. "Pabili nga ng cheeseburー" pag dilat ko, nakita kong sarado na ang tindahan at may isang malaking itim na payong sa counter.

The Cheeseburger EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon