January 22, 2016Dear Talaarawan,
Viva Pit Señor! Today I've met this amazing strangers, sumama kasi ako sa grand parade ng Pista ni Santo Niño with my friend Vincent. Nung una kaming dalawa lang magkasama pero noong nagsisimula na ang kasiyahan, sayawan at sigawan sa parade, may mga na-meet kaming tao na ka vibes din namin.
Hindi talaga dapat ako sasama dito kung hindi lang ako pinilit ni Vincent. Worth it naman pangungulit nya sa akin kasi nag enjoy naman ako. Marami akong nakasayawan na random strangers. Kahit sobrang tutok ang araw sayawan pa rin kami kasi super saya naman talaga. May eksena pa nga na binuhat ako ng mga hindi ko kakilala eh.
Alam mo yung feeling na kahit ngayon mo palang nakilala yung tao parang matagal na kayong magkaibigan sa sobrang connected ng vibe? Gano'n ang naramdaman ko sa mga taong 'to.
Medyo nasira nga lang ng kaunti ang kasiyahan namin kasi may papansin na maasim ang bumangga sa akin tapos sya pa ang nagalit, sinigawan pa ako kaya nasampal ko sya. Akala ko nga susuntukin ako eh pero hindi naman nya tinuloy kasi may mga pulis din na nakapaligid sa parade, siguro for safety.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
During the parade.
"Ethan gising na, dalian mo maligo ka na sumama ka sa akin". Umagang-umaga pinaririndi agad ni Vincent buhay ko, sa susunod nga sasabihin ko kay mama na wag na yan papasukin sa bahay, unless gising na ako. Masyado na kasi syang feel at home hindi na ako natutuwa.
"Sandali lang Vincent ano ba 'yon? Naalimpungatan tuloy ako ang ligalig mo eh!"
"Dalian mo maligo ka na dyan samahan moko sa grand parade ng Viva Pit Señor"
"Ih ayoko! Ikaw nalang! O kung gusto mo magsama ka ng iba wag na ako, saka may mga gagawin pa ako ngayong araw."
"Ano ba? Ikaw nga lang alam kong pwedeng sumama sa akin eh, dalian mo na! Samahan mo na kasi ako!"
"Hayst takte naman oh! Pasalamat ka malakas ka sa akin."
"Yown, that's my aport! Osya dalian mo na maligo ka na asim mo eh"
"Namo, anong maasim, bahala ka na nga dyan ayaw mo ata ng kasama eh"
"Hinde syempre biro lang haha, bangon na dali"
"Heka, ito na, sandali."
Bumangon na ako at dumeretso na sa banyo para maligo, kulit kasi talaga nito ni Vincent, kapag di naman sya sinamahan magtatampo pa 'to. Hirap pa naman auyuin nyan, kala mo babae, ang laki-laking tao pero lakas magtampo.
"Dalian mo naman baka magsimula na parade!"
Tingnan mo 'to, wala pa ngang 3 minutes na nakakapasok sa banyo kung makapagpamadali akala mo tatlong oras na akong nasa loob eh.
"Oo na heto na po manager, boss, amo!"
Nakaligo na ako at nagbihihis na. Naririnig kong nakikipag chismisan nanaman si Vincent kay mama. Itong dalawa talaga pag nagsama mga nagiging marites eh. Ayos lang sana sa akin na ganyan chismis buddies sila, kung ibang tao pinaguusapan. Pero hinde, ako na anak ni mama ang chinichismis.
Naririnig ko si mama, tinatanong nya nanaman kung kamusta na love life ko. Hindi kasi ako open kay mama about dyan, pero si Vincent updated yan sa buhay ko, kaya si mama sa kanya sumasagap ng status ko sa buhay.
"Hindi ko ba alam dyan sa anak mo tita kung bakit hindi pa rin naghahanap ng jowa yan si Ethan"
"Totoo! Ilang taon na rin naman ang nakalipas mula nang mawala si Mik-"
Oh diba? Sabi ko na sa inyo, love life ko nanaman pinag-uusapan. Wala na ba talaga silang ibang topic kada magkikita sila, bakit kasi puro nalang ako. Huhuhu mga buyset talaga. Tapos idadamay pa yung past ko, sasabihin masyado na akong na stuck sa nakaraan kaya di ako maka move forward sa present time.
"Oh mama, Vincent, tama na yan. Vincent tara na akala ko ba mahuhuli na tayo? Uunahin mo pa ba yan?"
"Hindi ba muna kayo kakain nak?"
"Sa labas nalang kami kakain ma, uwi din ako later at lunch, dito na rin natin pakainin ng tanghalian si Vincent"
"Oh sya sige, mag-iingat kayo ha, bye nak love you"
"Tara na Vincent, Bye mama i love you more!"
Umalis na kami ng bahay ni Vincent, ba naman kasi binabalikan pa nila yung past ko. Paulit-ulit nalang yan ang topic nila. If nagtataka kayo kung ano pinag-uusapan nila, about yun sa last relationship ko.
My ex-boyfriend's name is Mikko, he's really great, sobrang gentle nya, may emotional intelligence, at higit sa lahat he's stable sa lahat ng bagay, for example; school and on his job, and his career as a dancer. That's why I really adore him, kasi ang galing nya mag manage ng time nya. Sya din ang first boyfriend na inintroduce ko kay mama.
Everything was perfect between our relationship, no fights, no arguements, oo minsan may tampuhan at selosan pero very minimal naman yun' and he's too good kasi kaya naaayos agad namin. Everything is perfect nga, not until. One day...
BINABASA MO ANG
Birds Of A Feather
Short StoryDear Talaarawan, Hinawakan ni Gabriel ang kamay ko kanina, lumapit sa akin, at hinalikan ako. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko, nakapikit lang ako at pinapakiramdaman ang init ng labi nya sa akin. Ito na nga ba ang pagmamahal na matagal ko ng inaasa...