CHAPTER TWO

93 7 0
                                    

Chapter 2

Palinga-linga ako sa mga dumadaan at nagsisidatingan. Seven-twenty ako ng umaga dumating sa school ngunit wala rin siya! Akala ko pa naman mahuhuli ako dahil late ako nagising tapos ang lalaking iyon, wala pa rin hanggang ngayon!

Argh.

Dapat talaga ay nag transfer out na lang ako ng tuluyan! Wala naman siya. Pagkatapos kong hindi pumirma kahapon ay parang nakainom ng vitamin ang lalaki, sa sobrang ligalig.

"Pwede ba?! Doon ka nga sa kabilang hallway!" naiinis na pagtataboy ko sa kaniya.

Paano ba naman wala yatang planong umuwi at sinundan lang ako. Tahimik lang siya pero ramdam kong nagpapakiramdaman lang kami. Mabuti na lang talaga at halos walang dumadaan na estudyante rito sa hallway kaya mas na-engganyo akong tarayan siya.

"Dito na. Parehas lang naman ang daan—"

"I didn't ask." I annoyingly cut him off. Hinarap ko siya at nakahalukipkip na pinagtaasan siya ng kilay. "Hindi porque binigyan mo ako ng tubig, ice cream, panyo, at payong, nang araw na iyon ay pwede ka nang maging feeling close sa'kin." I glared at him, para naman matakot siya.

Nangangagat ako! Subukan niya lang talagang inisin ako.

"Sorry. I just wanna be yours... I mean, your... boy... friend?" he shrugged his shoulders. "Bawal ba? Did I make you uncomfortable? I'm sorry. Don't worry, I won't do it again."

Napakurap-kurap ako. Nakaramdam ako ng pagkadismaya, hindi para sa kaniya, kun'di para sa akin. Wala siyang ginawang mali pero heto siya, humihingi ng kapatawaran. Naalala ko ang sarili ko sa kaniya. Fuck!

Isang buwan na ang nakalipas pero ganito pa rin ang impact ni Xierlo sa akin. Pakiramdam ko tuwing may nagsasabi niyan sa akin ay sasaktan at iiwan lang ako. Matapos akong pakinabangan ay iiwan lang din pala ako.

Bumalik sa akin ang lahat ng nangyari noong isang buwan na 'yon. My Mom and Dad, arguing about something at nalaman ko na lang ang dahilan noong tuluyan na silang maghiwalay. Cheating. My Mommy cheated on her husband, my Dad.

"I'm so sorry, nak, I can't keep my promises to you."

"I'm sorry, darling. Napagod ako sa Daddy mo, e. I tried, I tried so much to fix our relationship but... hindi ko na kinaya. I'm sorry."

Iyan ang huling sinabi nila sa akin bago ako tuluyang iniwan mag-isa sa bahay. Nagmaka-awa ako na huwag na silang umalis. Na huwag nila akong iwan pero hindi e, desidido na talaga silang iwanan ang pamilyang binuo nila, pati ako. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kanila. Damn. Kinalimutan nga yata talaga nila ang pamilya nang hindi man lang naisip ang anak nila.

"Why..." I heaved a deep sigh as I closed my eyes. It's my first time to hear that word since that day. "Stop saying 'sorry'..." nanubig ang mga mata ko hanggang sa mapaupo sa sahig nitong hallway. "I don't want to hear that word, again. It really kills me."

"Hey," pinantayan niya ang mukha ko. Umupo siya sa harapan ko, not minding the dirt on the floor. "Why are you crying? Hmm."

Hindi ako sumagot. Tanging hikbi at pagluha lang ang ginawa ko. Ang sakit.

Narinig ko ang mahihina niyang mura. Siguro nakita niya na ang kalagayan ko ngayon. Mas lalo akong naiyak sa isiping iiwan niya rin ako. Lahat na lang iniwan ako.

"Hey! What the fuck. Sinong tarandadong nagpa-iyak sa'yo? Tell me. Ipakikilala natin 'yan kay San Pedro." Magkasalubong na mga kilay niyang tanong.

Sa gitna ng pag-iyak ay nagawa ko pang matawa sa sinabi niya. Kunot-nuong tiningala ko siya. Titingala talaga dahil sa tangkad niya, kahit nakaupo kami parehas ay hanggang baba niya lang ako.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon