Chapter 25

15 5 0
                                    


Chapter 25

August Gavine

Dalawang araw na ang dumaan simula noong kumalat ang video sa campus. Hindi ako pumasok sa dalawang araw na iyon at nagmukmok lang ako sa aking kwarto. Hindi rin alam ni mama ang tungkol sa nangyari, at sana ay hindi nya malaman pa. Ayokong makita nya ito dahil natatakot ako at baka maniwala siya.

I've been trying to contact Claud for the past two days, pero palagi lang siyang out of reach. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila, natatakot din akong lumabas at baka may nakapanood na sa video na kumakalat at makita ako sa labas. Kahit sa pag open ng account ko sa mga social medias ay takot ako. Honestly, I need her right now. I badly needed her but then I also know that tita Criselda needs her the most. Pero hinihiling ko rin na sana puntahan nya ako rito sa bahay ay kumustahin ako, or maybe she'll call me and ask everything.

Hindi ko alam kung nakita na ba nya ang video o naniwala ba siya sa video. But for sure hindi siya naniniwala ro'n. Para sa isang tao na kilala na ako ay alam na nilang hindi iyon totoo. Iyon lang naman ang pinaghuhugotan ko ng lakas eh. As long as there are people who believe that I'm innocent, then I have reasons to explain myself. Kasi may naniniwala sa akin at alam ko na may karamay ako sa problema na ito. Hindi ako nag-iisa.

Napabalikwas ako ng bangon nang biglang marahas na bumukas ang pinto ng aking kwarto. Si mama ang pumasok na may nag-aalalang mukha. Kinabahan kaagad ako sa reaksyon nya dahil baka nakita nya ang video na kumalat. Lumihis ang paningin ko sa kanyang likod, there I saw Jamila and Tristan.

"Tara sa school mo!"

"Po?"

"Wala kang sinabi sa akin kaya wala akong alam. Kung hindi pa sinabi nang mga kaibigan mo ang nangyayari sa school mo at sa'yo ay hindi ko talaga ito malalaman."

Tumingin ako sa dalawang tao na nasa likod ni mama. Nakatingin sila pareho sa akin ng diretso.

"Tama si tita, August. Kailangan mong harapin ito. 'Wag kang mag-alala sa maririnig mo dahil wala naman silang alam. Ang importante ngayon ay ang malinis mo ang pangalan mo sa school at maka graduate," sabi sa akin ni Tristan na may ngiti sa mga labi.

"Isa pa, nandito naman kami na magtatanggol sa iyo!" Segunda ni Jamila na sobrang lawak pa ng ngiti.

"Papaano? Kakausapin ko sila isa-isa na hindi totoo ang kumakalat?" Kunot-noo kong tanong sa kanila at tumingin kay mama. "How about the person behind this? Paano natin malalaman?"

Umupo si mama sa tabi ko sabay hawak sa kamay kong nasa aking kandungan.

"Huwag mo ng isipin ang bagay na iyon at hayaan mo ako ang mag hahanap ng paraan para ma prove natin na inosente ka. Maraming connection ang mama, nakalimutan mo yata na journalist ako?"

"Paano? May paraan ba talaga?" Namamag-asa kong tanong.

"Yes!" Singit ni Jamila. "All we have to seek is an IT professional para malaman natin kung authentic or fake ba ang video na kumakalat. Tapos si tita Ema, she'll doing her part as your mother and as a journalist. Lahat na sasabihin ng IT professional ay recorded at isasa-publiko natin ito."

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip, not because of their idea but because of the time they will waste just for my own sake. I guess, I'm really blessed to have them in my life. A friend that I can lean on in times of dilemma. A friend who will never leave me when I'm at my worst.

"Don't worry about knowing the person behind this, si Claudelle na ang bahaha ro'n." Singit ni mama na pinagtataka ko.

Nilingon ko si mama na ngayon ay nakangiti.

The Girl I Love  [Completed] (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon