Chapter 8

10 1 0
                                    

Bilis natapos ng bakasyon, mageenroll na kami sa school ngayon. Hindi namin inexpect na lahat kami makakapasa CLSU dahil hindi talaga kami nagreview non. Syempre pasado, si Lord backer namin eh. Kaya naman maaga ako gumising ngayon para gumayak, alam ko maraming tao ngayon sa CLSU. Btw BSAC ang kinuha ko, chumaba sa slot.

" Ewan ko din if sasabay sila, basta bilisan mo na gumayak", sabi ko kay Mika habang nakavideo call kami.
" Papatayin ko na ah. Kita na lang tayo. ", dagdag ko pa.

Nagkita kami sa sakayan ng xlt and saktong papuno na ung sasakyan kaya hindi din kami matagal nagantay.
Pagdating namin doon, nagpunta agad kaming registration at binigay ang mga requirements na hiningi at nagpass ng forms. Atter non nagutom kami HAHA kasi antagal ng pila ate ko 9 kami umalis mag aalas dose na mami natapos. Pabalik na kami, and balak namin kumain muna bago magsiuwian.

******

" Here's your order po, just tap the bell button if magpaparefill po kayo ", sabi ng waitress samin.
" Thank you po ", sagot ni mika.
" Grabe ang gutom, hindi ako nagbreakfast eh. Napaunli wings tuloy bigla ", sabi ni mika bago isubo ang chiken.
" Same, maaga kasi umalis sila kuya at mommy. Si daddy naman nasa business trip so basically im alone there. ", kwento ko.
" Gusto man kita samahan inaantok ako, tutulugan lang kita don ", aww
" Okay lang, matutulog lang din ako ", sabi sabay tawa.

Habang kumakain nakita ko ang message ni Jov sa cellphone ko.
- hi, done na kayo magenroll?
- yes, kababalik lang din sa sjc. Kumakain kami now sa wing buster.
- okayy, ingatt kayo pauwi.
- ikaw din.

Nakangiti ako potek. Parang baliw. Nakangiti ako sa manok? HAHA

" Bye, see you on Saturday i love you. ", paalam ni Mika after ihatid ako sa sakayan ng baryo namin.
" Bye, love you! Mwaa! ", sagot ko with flying kiss.

Hindi din nagtagal may mga dumating na din na pauwi, kaya umalis na din yung sinasakyan ko. Nagpahinto ako at nagbayad. Pagod akong humiga sa sofa.
Today is tiring but it's okay, i can just sleep.

Nakatulog ako ng hindi ko alam kung ilang oras, pagkagising ko kasi 6 pm na ng gabi. Wala akong food huhu.
Nagnote ako sa messenger nang, " no food, not happy " talagang hindi ako masaya kasi kumakalam ang tiyan ko. Hindi pa naman nakakapaggrocery si mommy and mamayang 8 pm pa ata sila uuwi. Nagcecellphone lang ako ng biglang tumunog ang doorbell.

Lumabas ako at tinanong kung sino pero hindi sumagot kaya binuksan ko na agad.
" Kyaaa!! ", napasigaw ako sa gulat nang biglang sumulpot si Jov.
" Really? Pagbubuksan mo ng pintuan kahit hindi mo kilala? Pano kung hindi ako ung nagdoorbell. Mapapahamak ka pa eh. ", eh bat ba kasi siya andito.
" Ano bang ginagawa mo dito? Tyaka bat ka nangugulat kainis ka, wala pa naman ako kasama dito. ", sagot ko.
" Asan sila tita? ", tanong niya.
" Work, si kuya may gig until 12 ata.
Gutom na ako.

" Pasok na tayo sa loob, malamig " aya niya. Tekaaa
" At bakit? Bakit ka muna andito? ", nakakunot ang noo kung tanong.
" Gutom ka na diba? Nagluto ako ng hapunan sa bahay, kinuhanan kita. Lika na at lalamig ang pagkain. ", wow. Thoughtful naman. Napangiti ako habang papasok sa bahay.

Inilapag niya ang pagkain sa dining table at kumuha ng untensils and plate sa kusina.
" Ngayon ko na lang uli matitikman luto simula nu-", oops. Bat ko inungkat yon? Potekk aawkward nanaman. Kainis. Medyo tanga ate ko.

" Kain na ", buti hindi na niya pinansin.
Kumakain ako habang nagccp siya, tapos na kasi kumain. Patapos na ako nang biglang may tumunog na papasok na sasakyan, si mommy ata.

" Hi! Jov ", tumalikod ako para salubungin si mommy.
" Hi mame good evening, dinalhan niya ako food. " sabi ko sabay yakap.
" Thank you dear, hindi pa kasi ako nakapaggrocery so salamat sa pagdala ng food ni Erin. ", sabi niya kay Jov.
" You're welcome tita, alis na din poko. Sinamahan ko lang din po siya at magisa siya. ", sagot niya. Nagaalala siya sakin hihi. Kinilig ako slight.
" Ah sigee ingatt ka sa pagdridrive, ihatid mo an siya anak sa labas ", sabi ni mommy.

Lumabas na kami ni Jov at inihatid ko sa sasakyan niya.
" Aalis na ako kapag pumasok ka na ", sabi niya.
" Jov ", tawag ko sa kanya.
" Thank you sa pagdala ng food, at sa pagbantay sakin. I'm happy that we're back again to old days. Sa totoo lang i missed you. ", there is said it. I wanted to, in the first place.
" You're welcome Erin ", naghintay ako ng iba pang sagot pero tinitigan niya lang ako. Nalungkot ako, pero hindi ko pinahalata. Nagwave ako ng kamay at tumalikod na para pumasok nang hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatigil ako tumingin uli sa kanya.

Nagkatitigan kami, at eto naman ang pamilyar na tunog ng puso ko. Malakas at mabilis. Parang bumagal din ang oras. Ang lahat.

" I missed you. More.. ", bulong niya sabay yakap sakin.

" So much ", dagdag niya pa.

Sapat na para magwala puso ko, at bumilis ang pag tibok nito, alam ko na kung anong dahilan. All this time kailangan pa niyang mawala sa tabi ko bago ko marealize.
Gusto kong itanggi, gusto kong iwasan. Pero alam ko ring huli na. Iniiwasan kong aminin sa sarili ko nung una palang pero hindi ko pala mapipigilan.
Gusto ko na siya.. gustong gusto.

Kaso, bakit ngayon lang?

Ngayon pa na hindi na niya ako gusto?

*******
Note: sad 😭 dapat kasi take the risks, echos lang. Hindi ko din masisisi si Erin. Tyaka lang narealize nung nawala sa kaniya si Jov. Aww ano kayang next na mangyayari. 🤔

Unexpected WillWhere stories live. Discover now