04

2 3 0
                                    

"Oh ano? Party na! Mag swimming kaya tayo para makapag celebrate."


Nasa coffee shop nanaman kami dahil nag aaya ito si Jaira na mag kape raw. Nag paplano sila na mag swimming sa sunday para makapag celebrate naman daw ng last exam namin this quarter. Next month ay graduation na namin at college na kami.


"Dun tayo sa aqua boy. Maganda ron malaki pa swimming pool, mag rent nalang tayo ng cottage." suggest ni Jaira.


"My uncle owns a private pool. I think no one has it scheduled today, so I'll just reserve it for Sunday. And don't worry, guys, this is on me." sabi ni Chesca dahilan para naman mag hiyawan sila Jaira at Renz.


"H-Huy, nakakahiya Chesca... sure ka ba dyan? Kaya naman natin 'to pag ambagan, eh. Kahit huwag mo na sarilihin." sabi ko sakaniya.


Nakakahiya dahil kabago bago lang siya sa grupo namin ay makakalibre pa kami sakaniya.


"No, it's okay! Plus, it's free for me from my uncle, so don't worry. I won't be spending anything here either." she chuckled before taking a sip of the coffee she was holding.


"Yun oh! Makakalibre pa!" natutuwang sabi ni Renz.


Hindi ko maiwasang mailang dahil kaharap ko ngayon si Azel. Katabi niya si Chesca at si Renz. Hindi ko siya tinitignan simula nang makarating kami rito sa coffee shop. Kapag tinitignan ko lang siya ay naaalala ko lang ang nangyari sa amin kahapon.


Sunday na ngayon at nag hahanda na ako ng gamit ko para mamaya. Three days daw kasi kami ron sabi ni Chesca. Buti nalang ay makakalibre kami dahil gipit ako ngayon. Hindi ako humihingi ng allowance kay Papa. Siya ang kusang nag bibigay sa akin. Minsan ay 3k para sa isang buwan. Dahil ako ang nag babayad dito sa unit ko ay kulang pa ang 3k para sa isang buwan. Hindi rin naman ako nag rereklamo. Tinitipid ko nalang ang allowance ko para may pangbayad ako rito sa unit ko.


I quickly took a shower, blow-dried my hair, applied makeup, and grabbed my shades, placing them on the bed.


Wala na ba akong nakalimutang dalhin para mamaya?


I went to my wardrobe to choose my outfit. I ended up wearing a white off-shoulder top with a brown leather skirt. I also put on white sandals and accessories that matched my outfit. I grabbed my shades and hung them on my off-shoulder. Before leaving the unit, I sprayed perfume all over my body.


Naka labas na ako ng condo at hinihintay ang kotse ni Renz. Nag pasundo ako sakaniya dahil wala na akong pamasahe papunta sa dorm ni Jaira. Doon daw kami mag kikita lahat at sabay-sabay na sasakay sa van. Van nila Chesca ang gagamitin kaya makakatipid kami sa gasolina. Medyo malayo-layo rin ang pupuntahan namin kaya van ang sasakyan namin.


Maya-maya pa habang hinihintay si Renz ay may pumaradang kotse sa harapan ko dahilan para mapaatras ako. Bumukas ang bintana ng kotse nito at laking gulat ko nalang nang makita si Azel.


"Anong ginagawa mo rito?!" salubong kong kilay na tanong sakaniya.


"Renz forgot to pick you up. He ran out of gas, so I'll be the one to fetch you." binalik niya ang tingin sa harapan niya. "Sakay,"


I sighed heavily before getting into his car. Kaya nga ako nag pasundo kay Renz dahil ayokong mag pasundo kay Azel. Napaka wrong timing naman ng gasolina niya!


Inis kong pinag krus ang braso ko at tumingin sa bintana ng kotse.


Walang nag salita sa amin nang makarating kami sa dorm ni Jaira. Nandun na sila Chesca at hinihintay kami. Ang ganda niya ngayon ah!


Color Me Red ( #1 Series Spotlight )Where stories live. Discover now