Jeo POV
Five years akong nasa England at ngayon nakauwi na ako sa Pilipinas. Sana wag nang magtagpo ang landas namin ng babaeng nanakit sa'kin.
Sandy POV
Jeydon: Mama salamat po masayang-masaya po talaga ako sa birthday ko.
Sandy: Walang anuman anak ikaw pa ba mahal na mahal ka ni mama. Happy 5th Birthday baby ko
Kaagad na yumakap sa'kin ang anak ko ang bilis ng panahon five years old na agad siya. Kumusta na kaya si Jeo ang ama niya miss na miss ko na siya ang tagal ko na siyang hinihintay hanggang ngayon hindi pa'rin siya nabalik, malaki na ang anak niya at kamukhang kamukha niya.
Tuwing titingnan ko ang anak namin naiibsan ang pangungulila ko sa kaniya.
After namin kumain ng anak ko agad kaming umuwi sa bahay dahil may part time pa ako mamayang six ng gabi sa isang bar.
Jeo POV
Nakauwi na ako sa bahay na ipinagawa ko para sana samin ni- shit nevermind.
Hindi pa ako nakakaakyat ng kwarto ng biglang pumasok ang mga kaibigan ko at agad na yumakap sa'kin. Ang bading badtrip
Jaycee: Jeo I miss you kiss me pre
Me: gross
Tawang-tawa naman itong sina Dave at Kyle silang tatlo lang naman ang matatalik kong kaibigan. Simula pagkabata kasi ay magkakasama na kaming apat.
Dumadalaw pa nga ang mga yan sa england magkasama-sama lang kami well that's what friends are for.
Nandito kami ngayon sa bar dahil nagkaayaan na mag celebrate. Pagmamay-ari nga pala ito ni Dave
Kyle: Jeo pre wag ka sanang magagalit samin
Napatingin naman ako sa mga ito ng may pagtataka dahil alam kong kapag ganito si Kyle may sasabihin silang hindi ko magugustuhan.
"Ano yun?" seryoso kong tanong rito
Jaycee: Wag ka sanang mabibigla kung makikita mo rito si sandy dito kasi siya nagtatrabaho kinuha siya ni Dave
"Ayos lang wala naman na akong pake sa babaeng yun matagal ko na siyang kinalimutan at isa pa malapit na akong ikasal kay Melissa"
Nagulat naman ang mga ito sa sinabi ko
Dave: Sure kana ba dyan pre ,bakit parang ang bilis naman yata parang kailan lang sukang suka ka sa babaeng yun tapos ngayon magpapakasal na kayo
Sa mukha ng mga kaibigan ko ay na dismaya ang mga ito sa sinabi ko,hindi ko alam pero parang may itinatago sila sa'kin.
Magtatanong pa sana ng biglang may mga pumasok na mga babae. Sinamantala ko ang pagkakataon para lumabas dahil abala rin naman Sila sa kaniya kaniyang babae.
Napatingin ako sa wrist watch ko at 1:45 am na ng madaling araw, habang nakasandal ako sa kotse ko ay may isang pamilyar na babae ang naghihintay ng masasakyan at hindi ako nagkakamali si Sandy
Mas naging matured siya dahil walong taon ang agwat namin pero sobrang ganda niya lalo ngayon.Sa mukha nito ay pagod na pagod at humihikab pa ito antok na siguro dala ng pagod.
Tuwing makikita ko siya nasasaktan ako , nasasaktan ako dahil iniwan ko siya pero mas nasasaktan ako sa ginawa niyang panloloko sa'kin.
Sandy POV
Mukhang maglalakad na ako pauwi wala na akong masasakyan ang malas naman. Di bale lalakadin ko na lang magsisimula pa lang akong maglakad ng "Jeo" bigla akong napako sa kinatatayuan ko hindi ako makahakbang dahil tuloy ang pag-agos ng mga luha ko.