Introduction

4 0 0
                                    


"Jace, ang hirap mong mahalin..."


She's looking down, playing with her nails. Anxious and hurt. Hindi niya kayang tingnan ang galit na mukha ng nobyo. Ito na nga ang may kasalanan, ito pa ang galit. Hindi ba dapat ay siya?


"Sinabi ko na sa'yo, Chiyo and I only talked. Alam mo namang isa siya sa mga supplier ng mga merch diba?!" 


Liar. 



"Jace please wag ka namang sumigaw. Natatakot ako..." She's trying so hard not to cry by biting her lips. 


"I saw you kissing. I was there." Hindi na niya napigilang humikbi. Naiintindihan niya namang hindi maiwasan na may mga babaeng lumalapit at lumalandi sa nobyo niya. Sa gig, tuwing may battle, sa inuman kasama ang barkada, sa shop. Pero ibang usapan kapag si Chiyo na, the ex, na ang pakiramdam niya ay balak na namang maghabol.


She keeps wiping the tears on her face using her palms. She's hurt and mad at herself because she's not confrontational. Dapat ay galit siya. But she's too naive to be. She's too scared na lumayo ang loob ng nobyo sa kanya. She's scared na baka masakal sa kanya si Jace because Jace doesn't like that but is like that... to her.


Pagkatapos ng isang minutong katahimikan ay narinig niya ang buntong hininga nito at unti-unting lumapit sa kanya na nakaupo sa kama sa loob ng kwarto. Lumuhod ito sa kanyang harapan, kinuha ang mga kamay niya at marahang hinalikan. 


"Lou Lou..."  Jace, pleading. Alam talaga nito kung pano siya palambutin. Tanging ito lamang ang tumatawag sa kanya ng Lou Lou at ang iba ay  Lei, short for Lemon.



"I'll go home. I'm tired I want to rest."


"Please, Lou, ayusin muna natin to. Mag-usap muna tayo." 


"You're just gonna lie.  I don't want to hear it." 


Tumayo siya at kinuha ang bag at jacket. 


Kahit malaki ang kasalanan ng nobyo ay hindi niya ito kayang hiwalayan. She's going to turn a blind eye again. Was she really taught to be this forgiving? To love unconditionally? Or she's just a fool when it comes to Jace.


Lalabas na sana siya ng pinigilan siya ni Jace. 


"Tangina naman! Lou! Sabi ko ayusin muna natin to!" Galit na naman ang lalaki.


She gently removed his hand gripping her elbow and looked him in the eye.


"Jace, I said I'm tired I want to go home." She said in her sweet voice. She acted yawning, reached his face and kissed his lips which made Jace unclench his jaw. In times like this, when she knows he's going to be aggressive, ay hindi niya sinasabayan. 



Bago pa man siya magkapag-paalam ay agad nilamon ng nobyo ang kanyang mga labi ng halik. 



"Jace---" Bago pa man siya makapalag ay tuluyan na siyang kinarga at inihiga sa kama. 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AntithesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon