Third Person's POV
Sa dulo ng hallway na dinadaan nina Norn ay makikita kaagad ang double door na kulay berde. May mga disenyo din itong gumagapang na halaman. Pinto pa lamang ngunit masasabi mo nang ang nasa likod nito ay isang lugar na puro bulaklak at halaman.
Maraming kaklase nila ang nauna kaagad sa pagpasok. Pagbukas pa lamang ng pinto ay liwanag na kaagad ang bumungad sa kanila. Sa pagpasok naman ni na Norn ay unti-unting nawala ang nakasisilaw na liwanag na iyon.
Bumungad kaagad sa kanila ang tila isang pang-isahang pathway. Ang pathway ay gawa sa semento na may disenyong mga maliliit na parehaba. Nagtatakbuhan duon ang ibang mga kaklase nila.
Sa bawat gilid ng daan na iyon ay may mga di kataasang ibat-ibang klase ng puno. Mayroong walang dahon ngunit may lumot o di kaya ay gumagapang na halaman sa katawan.
Meron din namang mga punong madahon at berdeng berde. Hindi rin mawawala ang ilang tumpok ng bushes na dinidilig ng isang caretaker. Sa gilid pa malapit sa kinatatayuan nina Norn ay may pangdalawahang tao na bench.
Nagpatuloy sila sa paglalakad habang minamasdan ang paligid. Hindi naman na bago sa kanila ang magandang lugar na iyon ngunit sadyang hindi lamang nila magawang masanay. Para kasing paganda ng paganda ang lugar na iyon.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang marating nila ang gitnang parte. Duon ay may mahahabang lamesa na may mga halamang nasa paso. Gumagalaw pa ang mga ito.
Ang buong Greenhouse ay gawa sa bubog kaya tumatama ang sikat ng araw sa buong paligid. Napakaliwanag ng lugar kaya kitang-kita ang ganda nito. Pumwesto sina Norn sa lamesang nasa kanan. Malapit sila sa dulo at hile-hilera.
"Ahhhhh!!!" sigaw ng isang babae.
Napatingin sina Norn duon at nakita itong medyo malayo sa lamesa ngunit nakatingin sa ilalim nito. Hindi nila alam kung anong tinitingnan nito kaya nag-abang silang lahat dahil tila nawawalan sila ng lakas ng loob na sumilip.
Maya-maya ay may madilim na aura silang nakita. Lumalabas ito mula sa ilalim. Hindi nagtagal ay tuluyan na nilang nakita ang pinanggagalingan. At duon nakita ng mga Sirius Knights ang sarili nilang kagrupo. Si Cosima.
Lumabas ito ng lamesa at tumayo ng ayos. Ngunit naruon pa rin ang flashlight nitong nakatapat sa mukha niya. Nagbitiw ito ng maikling tawa habang nakangiti.
"Stop scaring and disturbing people, Cosima." nawawalan ng ganang turan ni Eos bago mapabuntong hininga.
Napatingin naman si Norn sa dalawa nitong katabi. Kapwa nakatalikod ang dalawang kambal sa direksyon nila. Siguro ay iniiwasan ng mga ito ang makita si Cosima. Para namang walang nangyaring tumabi kay Norn si Cosima. Saktong dumating na rin ang kanilang guro sa asignaturang Herbalogy.
"Make sure not to get near the plants, class." paunang wika nito bago pumunta sa unahan ng dalawang mahabang lamesa at harapin ang mga istudyante.
Medyo malayo naman ang mga halamang nasa paso dahil nakapatong ang mga ito sa mismong gitna ng dalawang lamesa. Ang halaman ay medyo gumagalaw na tila ay may buhay pero hindi nila alam kung bakit sila bawal lumapit.
"I'm Hitomi, your herbalogy professor." pakilala nito at binigyan ang mga istudyante niya ng isang ngiti. "What's in front of you, for those who doesn't know, is the Venomous Tentacula." dagdag niya.
"So, who among you have an idea about Venomous Tentacula? Anyone?" itinaas nito ang kaniyang kamay na tila ay sinasabing itaas rin ng sinumang may alam ang kanilang mga kamay.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasyNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...