2 | Partner

2 0 0
                                    

"Alam ko na masakit pero kailangan ko pa'rin magfocus at hindi makipagdamdam sa iba o gumawa ng mga bisyo kase nakipagbreak siya or what."

2

Umuulan noon. Wala akong dalang payong kaya't naglakad ako ng basa.

"Bwiset ka talaga Zayne. Bakit ka kase pumayag?" Sinisisi ko ang sarili ko.

Habang naglalakad ako papuntang bahay, nakita ako ni Cedrick at sinabi'y "Zay, ano na? Bakit ka nagpapaulan? Masama 'yan sa'yo ah?"

"Andami mong tanong Ced. Hayaan mo na ako." Pagalit kong sinabi kay Cedrick. Hindi ko namang sinasadya na saktan siya ngunit nabigo lang ako.

"Sige, sabi mo. Chat ka nalang samin. Nandito lang kami para sa'yo." Tinapik niya ang braso ko't umalis.

Kumaway ako kay ced at naglakad.

Maya-maya'y nakapunta na ako sa bahay. Tinanong ng aking ate na, "Oh, bakit ka basang-basa? Wala kang dalang payong 'no?"

I raised my eyebrows para sabihin na oo. Tumaas na ako papunta sa room ko at naligo.

Simula noon, hindi na ako pumasok. Eh... Isang linggo lang talaga.

Dinelete ko lahat ng numbers ng mga kaibigan ko at sa crush ko. Hindi na ako nagparamdam sa kanila. Ayoko na makarinig ng kahit ano sa school.

"Akala ko hindi mo idadamdam Zayne? Bakit ka nagmumukmok?" Tinanong ko ang sarili ko.

Kinatok ako ni Ate matapos ng limang araw. Hindi ko ito sinagot.

"Zayne? Hindi ka na nalabas ng limang araw." Patuloy ng katok.

Binalewala ko nalang si ate kaya't hinayaan nalang ako.

Pinindot ni Cedrick ang doorbell na'min sa gate. Agad itong binukas ni ate.

"Ah, ate Karil, nandyan ba si Zayne?"

"Ang hirap niyang kausapin eh, hindi ko nga alam sa kaniya, may topak ata." Kinamot ni ate karil ang kaniyang ulo pero pinapasok niya si Cedrick.

Agad ni ate pinapunta si cedrick sa room ko. Tinuro pa niya.

"Oh ayan Ced, 'yan yung room niya."

Binukas ni Ced ang pintuan ko.

"Ced? Ikaw nanaman? Hayaan mo na ako." Sabi ko sa kaniya.

"Maasim ka." Niloloko niya ako.

Tumawa kaming dalawa at umupo siya sa upuan ko malapit sa hinihigaan ko.

"Oh? Anong trip mo? Babalik ka na ba? Kailangan mo magtake ng missings. Tinambak nga kami eh. Ikaw pa kaya." Sabi niya.

"Tambak? Paano ko 'yun sasagutan eh wala nga akong notes." Sabi ko.

"May copy ako ng notes ko. Siguro alam mo naman magreview kaya basahin mo agad 'yan. Tsaka pala, kakausapin ka si Fel–"

"Ayoko marinig ang pangalan ng babaeng 'yon." I interrupted him.

"Parang na-high key ka dati sa kaniya ah?" Kinross ni Ced ang kaniyang braso.

"Yun na nga eh. Masama pa ay umasa ako na tatagal kami."

Our Relay | Highschool #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon