Ano ba Itong Nadarama?

1 0 0
                                    

Noon, nang ika'y una kong masilayan,
Tila ako'y wala pang nararamdaman.
Ako'y sa pag-aaral lang nakalaan,
Sa pag-ibig ay wala pang kaalaman

Matapos ang ilang taon sa kawalan,
Muling nasulyapan ng 'di inasahan.
Nang ika'y dumaging muli sa isipan,
Senyales ng puso kong 'yong tinamaan.

Ngayo'y nakahiga, hangad ay himala,
Na mahanap yang lubos mong pagmamahal.
Pagkat may natagpuan sa'yong espesyal,
Di man masabi, ngunit sa iba'y wala.

"Ako'y iyo lang hanggang sa hinaharap"
'Yan ang hiling kaya lahat ay hinanda,
Upang mahalin ka ng buong pagtanggap;
Kasama yang mukha mong lubos ang ganda.

Ba't Parang Mali?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon