Noon, nang ika'y una kong masilayan,
Tila ako'y wala pang nararamdaman.
Ako'y sa pag-aaral lang nakalaan,
Sa pag-ibig ay wala pang kaalamanMatapos ang ilang taon sa kawalan,
Muling nasulyapan ng 'di inasahan.
Nang ika'y dumaging muli sa isipan,
Senyales ng puso kong 'yong tinamaan.Ngayo'y nakahiga, hangad ay himala,
Na mahanap yang lubos mong pagmamahal.
Pagkat may natagpuan sa'yong espesyal,
Di man masabi, ngunit sa iba'y wala."Ako'y iyo lang hanggang sa hinaharap"
'Yan ang hiling kaya lahat ay hinanda,
Upang mahalin ka ng buong pagtanggap;
Kasama yang mukha mong lubos ang ganda.
BINABASA MO ANG
Ba't Parang Mali?
PoetryMay pag-asa pa bang mabago ang pagtingin ng nagugustuhan mo sa iyo? Maari bang ang "Kaibigan" na ito ay maging "ka Ibigan" kahit para bang halos imposible nang mangyari ito? Isang maikling tula na siyang hinati sa iba't ibang mga kabanata na iainula...