Nang makita ko ang pangalang naka-rehistro sa phone ko ay hindi ko napigilan na magtaas ng kilay.
It was Brysen again. Ayaw talaga ako nitong tigilan. Alam ko kung bakit ito tumatawag. Sinabi kasi ni kuya Dustin na ito ang susundo sa akin ngayon.
Twenty-five missed calls. Iyon na ang nakasulat sa screen ng phone ko pero mukhang hindi parin nababagot si Brysen at patuloy parin ito sa pagtawag. Lalo lang tuloy umiinit ang ulo ko dito. Napaka consistent kasi ng loko.
Nagpaikot na lang ako ng eyeball. Kilala ko si Brysen. Alam ko na hindi siya titigil sa katatawag hangga't hindi ko iyon sinasagot kaya naman walang gana ko na lang na pinindot ang answer button, just to say to him to let me be alone.
[Finally Sammy, nahanap mo rin ang answer button.] masiglang bungad ni Brysen.
Akala ata'y ikinatutuwa kong marinig ang boses niya.
Muli kong pinaikot ang eyeball ko. Even if he was not in front of me ay nai-imagine ko kasing naroon lang siya at nambu-bwesit sa harapan ko. "At ikaw naman, hindi mo yata alam kung nasaan ang off button. Patayin mo kaya 'yang phone mo para hindi nakakabulahaw ng ibang tao."
Mula sa kabilang linya ay narinig ko na bahagyang natawa si Brysen. Kahit kailan talaga ay hindi nito sine-seryoso ang mga sinasabi ko.
[Nasaan ka na ba ha? Kanina pa ako dito sa school mo.] he answered.
"Ano bang pakialam mo kung nasaan ako. Umuwi ka na dahil hindi ako sasabay sa'yo." walang gana kong sagot.
[Na ah. Ibinilin ka sa'kin ni Dustin kaya naman hindi kita pwedeng iwanan, Sammy.]
"Pwede ba Brysen. Tigilan mo nga ang katatawag sa akin ng Sammy. It's Samantha ok. Feeling close ka rin e no."
[Ok. No problem. Sabi mo e. So nasaan ka na nga kasi Sammy?] Brysen laughed again.
Ang tarantado. Napakahilig talagang mang-asar ng loko. Parang halos lahat na lang ng ayaw ko ay iyon ang ginagawa niya. Katulad na lang ng pagbibigay niya sa akin ng nickname. Siya lang ang tumatawag sa akin ng Sammy. Feeling close para bigyan ako ng nickname e.
"Baliw!"
[Ok lang na baliw, pogi naman...] Muling tumawa si Brysen.
Paniwalang-paniwala ata sa sinasabi.
"Sana marunong kang tumingin sa salamin no." pang-aasar ni Samantha.
Sa totoo lang, may itsura naman talaga si Brysen. Kaya nga maraming babae ang umaaligid dito. May lahi itong german ay kulay asul ang mga mata nito. Iyon ang bahagi ng mukha nito na malakas makatawag ng pansin. Tapos mapanga rin ito. Kapag ngumingiti ay para kang matutunaw. Plus points pa, dahil matangkad itong lalaki.
Marami ngang nagkakagusto dito, pero syempre maliban iyon sa akin. Paano naman kasi ako mahuhulog sa mapanlinlang niyang itsura kung alam na alam ko ang karakas niya.
[Sammy, sabihin mo na kasi kung nasaan ka para mapuntahan na kita. I'm tired, please.] Pakiusap na ni Brysen.
Malamang pagod ito. Kagagaling lang kasi nito sa airport. Ang alam ko ay sa amin siya tutuloy. Kaya ako pinasundo ni kuya Dustin dito ay dahil pareho naman daw kami ng uuwian.
Hindi ko tuloy alam kung saan banda iyong hindi naiintindihan ni kuya, na ayaw ko sa kaibigan niyang iyon.
"Pagod ka na? Oh edi Umuwi ka na! Sabing hindi ako sasabay sa'yo e!" inis na sigaw ko. Dahil medyo napalakas ang boses ko ay nagsimula akong makatawag ng pansin. Tuloy nahihiya akong nagbaba ng ulo.
[Dalian mo na, Sammy. Bago pa ako maubusan ng pasensiya. Siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.]
Nanakot pa ang loko. Ano naman kaya ang gagawin nito?
BINABASA MO ANG
PLAY ME, BRYSEN
RomanceIsang malanding aso. Iyan ang tingin ni Samantha kay Brysen. Sa dami ba naman ng babaeng naikama nito, ano pa ang matinong itatawag niya sa lalaki. Lalo pang nadagdagan ang inis niya dito nang tumira ito sa kanila. Paano'y araw-araw siya nitong ina...