Chapter 17: Spell Chanting- Barrier

47 37 6
                                    

Third Person's POV

Mabilis na nakapasok sina Norn sa Training Room 1 dahil nasa hallway lamang ito na nakapalibot sa Atrium. Pagkapasok nila sa pinto ay naruruon ang buong Canopus Knights at pati na rin ang ibang mga kaklase nito.

Nagtataka man ay hindi na lamang nila ito pinansin. Nasa kabilang bahagi ng training room ang kanilang sariling kaklase at ang iba sa kanila ay kanya-kanya ng mundo habang ang ilan ay nagkukwentuhan. Umupo si Norn sa isang bench samantalang pumunta naman sa harap niya si Misha.

“Norn,” tawag nito kaya tumingin siya. “Alam mo bang may nakasulat na pangalan ni Neonar Niege sa libro na hiniram mo kahapon sa silid aklatan.” wika nito at medyo kunot ang noo.

“I know. I have read the name on the lower part of it's first page. Ang libro na iyon ay tungkol sa buhay niya. Sa tunay na buhay niya, at malakas ang mahikang nakabalot sa librong iyon. I examine it already and found out that their is a living soul inside. I'll keep an eye on it.” walang emosyon na wika niya.

“Kung ganun ay dapat mong bantayan iyon.” wika ni Misha at umupo sa balikat ni Norn na hindi naunawaan ang ilang sinabi ng dalaga.

Nawala ang tingin ni Norn sa kaniyang unahan at nalipat iyon sa nakatayong si Eos. Nakikipag-usap dito si Cole at mukhang puno lamang naman ng kalokohan ang sinasabi nito dahil sa hindi maipintang mukha ng kaniyang kambal na tila ay naririndi sa sinasabi nito.

Samantalang malawak naman ang ngiti ni Eos na halos mawala na ang pagkakamulat ng kaniyang mga mata. Tila ba ay natutuwa ito hindi sa sinasabi ni Cole kundi sa mismong paraan ng pagkakasabi nito.

Kitang-kita ng mga mata ni Cosima na nasa tabi lamang ng training room at nakatitig kay Norn, ang bahagyang pagkislap ng mga mata ng dalaga habang nakatingin sa kanilang captain.

Wala naman siyang reaksyon dun. Napapatitig lamang siya kay Norn dahil sa ipinapakita nitong kislap ng mata. Hindi man halata ngunit kung tititigan mo ay iyo itong agad na mapapansin.

Hindi mo rin masasabing ikinagulat yun ni Cosima dahil sa walang pagbabago ng kaniyang ekspresyon ngunit siya ay mahinang nagtatanong pa rin sa kaniyang isipan. What. . . was that. . .?

Natigil sa pag-uusap ang lahat ng nasa training room na iyon ng may pumasok. Nakangiti ito habang naglalakad papunta sa unahan. Hangang bewang ang maalon at pale blonde na buhok. Her eyes are deep violet while her lips are in pink lipstick.

Gaya lamang ng suot ng mga guro ang robe nito habang ang kaniyang pang-ilalim ay tila kasuotan ng mga hunters na babae. A corset. Ito yung bagay na kadalasang mahirap isuot dahil sa matigas at malapad na bagay sa kabuuan ng tiyan nito that making her shape visible.

Habang dinig na dinig ang tunog ng takong ng kaniyang bota ay sinabayan din ito ng mga yabag ng mga istudyanteng lumilinya paharap sa isat-isa. Ang klase kung saan naruon ang buong Canopus Knights at ang klase kung saan kabilang ang ilan sa myembro ng Sirius ay magkakaharap.

Lumakad ang bagong dating na guro sa gitna ng dalawang magkaibang klase. Ang klase kung nasaan sina Norn ay tinatawag na Class-1A. Samantalang ang kabilang klase naman ay tinatawag na Class-1B.

Hindi nasusukat sa Class-1 ang lakas ng bawat isa. Hinahati ang ibang grupo at pinadadala sa ibang Class-1 dahil may mga asignatura ang itinuturo para lamang sa kanila na hindi kailangan ituro sa iba. Ito ay tinawag ng mga istudyante na special subject.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon