Chapter Thirty Five

28 4 0
                                    

Nicole left. I can't believe she left without saying goodbye. It's like she didn't care. I hate it. It's been years, i’m trying to stalk her social media accounts but she didn't even accept my friend request and it's been years.

“Kuya Lai! Uuwi ngayon si Ate Nicole ‘di ba?” napatayo ako sa tanong ni Janna. “H-ha? Uuwi siya ngayon?” tanong ko.

“Oo, mukhang siya na nga ‘yan oh!” tinuro niya ang kalsada and there i saw Nicole, the woman who never failed to make my heart flutter even after all these years.

She's thin. Hindi ba siya kumakain?

Does she even remember me?

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad. Please look at me... She didn't. I sigh. I miss her.

Nag-abang ako sa labas ng bahay kinabukasan, at nakita ko siyang nagwawalis sa harap ng bahay nila kaya tumayo ako at naglakad at nang makarating malapit sa bahay nila ay tinawag ako ni Mae. She's looking at me!

May sinasabi si Mae but my eyes were on Nicole. She looks so beautiful.

“Aren’t you gonna ask me how I was doing since you left?” tanong ko ng kamustahin niya si Mae. Why is this girl so clingy?

“B-bakit naman gagawin ni N-Nicole ‘yun? eh diba hindi na kayo close bago s’ya umalis?”

As if you know a thing.

“Mae’s right. As far i remember we weren't close. Anyway, good to see you again. Sige, may gagawin pa ako.” my eyes widen slightly. S-she said that? Tumalikod naman siya agad.

Iniwan ko si Mae at umuwi, I’m pissed! Sobra ko siyang na-miss ta's galit siya? What did i do? Siya ang umalis, dapat ako ang galit!

Nakatambay ako sa gate ng bahay ng makita ko siyang papunta sa tindahan kaya lumabas agad ako.

“TAO po?” God, i miss everything about her. I wish i could hug her right now.

“Ano ‘yun? Cole? Nakauwi kana pala?” dinig kong sabi ni Tita Jean.

“Opo. Kahapon lang. Pabili po isang litro ng coke ‘saka fudgee bar po lima.” She likes coke than C2 now?

“Kamusta na, Cole? Pumuti at pumayat ka.” tanong ni Tita sa kanya. 

Yeah, baby. You look thin and whiter than before. What happened to you? Kumakain ka pa ba do'n? Are you even hanging out with your friends in that place?

“Okay naman po. Hindi po kasi ako masyadong lumalabas do'n ‘kay Nanay. Kayo po kamusta na?” but why, baby?

Nalaglag ang kanyang fudgee bar kaya agad ko itong kinuha. “Salamat—”

“I don't need a thank you.” I coldly said. She bit her lip and took the fudgee bar from my hand and left.

She's mad at me. I couldn't help but to pout. Bakit ba siya galit? “Cute niyo.” ani ni Tita. Tumango ako. “Tama ka Tita, kaso ang sungit.” sabi ko.

“Ewan ko lang d’yan Nicholai, eh parang mas masungit ka pa sa kanya kanina.” i sigh. Baka galit siya dahil sa akto ko, pero kasi naiinis parin ako.

NASA basketball court ako ngayon ng in-add ko siya sa facebook. Pero wala pang ilang minuto ay ni-delete niya ang request ko.

What on earth? I added her again, and send her a message before playing basketball.

“HERRERA for three! Basket!” I shoot the ball while looking at her. Damn, she caught my attention in midst of many people the moment she steps inside of the basketball court.

OUR ENDLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon