Third Person's POV
Matapos ng kanilang klase sa Spell chanting ay lumabas muli sa training roon at nakarating sa atrium. Saktong pagtapak nila sa labas ng corridor ay umagaw kaagad sa pansin nila ang bahagyang pagtunog ng kamay ng orasan na tumapat sa gitna. Alas dose na.
Sa pagtapat nito sa alas-dose na naka numerical ay may kakaibang enerhiya kaagad ang kanilang naramdam. Isa itong mahika na laging nararamdam sa tuwing oras na ng tanghalian. Ipinararamdam ng tunog ng kamay nito na oras na upang kumain sa Dinning hall.
Kaagad naman na silang naglakad paalis upang magtungo sa dinning hall na isa sa mga pintong nasa open hallway na nilabasan nila kanina. May ilang guro silang nakakasalubong at nagbibigay bati sila sa isat-isa na may paggalang.
Sa Chantara kasi ang lahat ng istudyante ay malaki ang respeto sa mga guro lalo na sa Headmaster. Samantalang ang mga guro naman ay matataas din ang tingin sa kanilang mga istudyante kaya sa huli ay pare-pareho silang gumagalang sa isat-isa.
Pagkarating nila sa dinning hall ay agad pumila ang mga lalaki sa counter na nasa gilid matapos hingin ang order ng mga babae. Naghanap naman kaagad ng upuan ang mga babae.
Kahit kasi sabihing nasa Rank 1-Sirius Knights sila ay wala namang special treatment na nangyayari. Hindi nila hinihiling ang ganung bagay dahil pakiramdam rin nila ay wala silang kalayaan maging normal.
Samantala, ang pwesto naman na pinili nila ay may lamesang pang panglabing limang tao. Lahat naman ng lamesa ay ganun, at may mga silya na normal lamang na may sandalan.
Ngunit kung sinuswerte nga naman sila. Nabuo kaagad ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo. Sa kasunod kasi ng lamesa nila sa gilid ay na ruon ang mga babaeng Rank 2-Canopus Knights.
Kahit babae sila ay mararamdam mo pa rin ang tensyon. Sa katunayan ay mas malakas at mas nakakapangilabot ang tensyon ng mga babae kumpara sa mga lalaki.
At yun ang dahilan kung bakit napahinto ang mga lalaking taga Rank 1-Sirius Knights sa tapat ng mga kagrupo at ganun din naman ang mga lalaking taga Rank 2-Canopus knights.
Nakatingin sila habang medyo namumutla sa mga babaeng masamang nagtititigan. Pakiramdam nila ay inuubos ng mga ito ang kanilang lakas upang hindi makatagal sa pagtayo. Iba kasing magalit ang mga babae.
Unang nakabawi ay si Eos bago ang captain rin na si Lynx ng makita nilang pareho na nakatingin lang sa lamesa si Norn at tila walang paki-alam o walang alam sa nangyayari sa kaniyang paligid. Hindi mo masasabi.
Agad na naglakad ang dalawa papunta sa kanilang mga napiling upuan. Dahil duon ay natauhan naman kaagad ang mga lalaking kasama nila at umupo rin matapos ilapag ang mga binili nilang pagkain.
Inilapag ni Eos ang pagkain ni Norn sa harap nito dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon ng dalaga. Ngumiti si Eos dito ng tumingin ito sa kaniya.
Nakaupo ang binata sa harap ni Norn samantalang kung hindi naman magkahiwalay at isang metrong layo ang lamesa ng Canopus sa Sirius ay masasabi mong magkatabi sina Norn at Lynx. Bahagya pang sumulyap ang binata sa dalaga bago unti-unting simulan ang pagkain.
“Holy goddess of harvest!”
Kakain na sana sila ngunit kaagad silang napatigil nang may sumigaw. Even the other group members stops when they're about to eat and look at woman who were sitting beside Norn.
“What's wrong, Syria?” tanong ni Koa dito.
“You're disturbing people.” Komento naman Cole.
“No one disturbed people other than me.” sabad naman ni Cosima at duon lamang nagawang mag-reak ng kaniyang mga kasama. Lahat sila ay naningkit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasyNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...