1 - Hiraya

29 3 0
                                    

1 - Hiraya

Tulala kong tinignan ang langit. Malapit ng dumilim at kailangan ko ng umuwi. Ngayon ang uwi nila Auntie galing sa bahay nila sa bayan kaya kailangan kong umuwi agad kung hindi ay mahuhuli niya ako at papagalitan sa paglalakad lakad ko sa gubat.

Kinagat ko na lang ang labi at binilisan ang paglalakad at hindi inalintana kung may ahas man sa paligid. Masyadong malaki ang ang damo sa paligid, pero hindi na ako takot dahil sanay na ako. Mula nang magkamuwang ako at dito na ako sa gitna ng gubat namuhay, kaya hindi na bago sa akin ang paglalakad sa madilim at sa mga naglalakihang damo at punong kahoy.

Natigil ako sa paglalakad nang may marinig mula sa hindi kalayuan, pero ibang direksyon iyon papunta sa bahay. Nagmamadali ako at kung titignan ko kung anong ingay iyon, paniguradong mas matatagalan ako. Hindi ko na sana iyon papansinin, pero hindi ko mapigilang makuryuso kung ano iyon.

Liblib na ang lugar na ito kaya wala ng ibang pumupunta, kung meron man, siguro ay naliligaw lang kaya ang makarinig ng ingay sa ganitong oras ay talagang nakakapagtaka.

Kinagat ko ang labi ko at agad na hinanap ang tugtog na iyon at nang makita ko ay halos umawang ang labi ko sa pagkamangha. May apat na lalake roon. May pahabang bagay sa gilid at doon nanggagaling ang ingay, umiilaw pa nga ito kasabay ng tugtog. Masaya ang ingay na iyon at subrang sarap sa pandinig.

Sinubukan ko ulit sumilip at napatingin ako roon sa pinagsasaluhan nila. Tubig kaya iyon? Siguro. Hindi ko alam. Halos mapabuntong hininga ako dahil alam ko na marami akong hindi alam dahil sa pamamalagi ko rito sa gitna ng kagubatan.

Tuwing umuuwi si Auntie at ang anak niya na pinsan ko ay may mga bagay silang binabanggit na hindi ko alam. Tuwing nagtatanong naman ako ng mga bagay bagay ay pinapagalitan nila ako kaya minsan hinahayaan ko na lang at hindi na nagtatanong.

Muli kong tinignan ang mga lalakeng nandoon, pero hindi ko maiwasang mapatitig sa umiiling at matipid ang ngiti na nasa gilid. Kagat kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa lalakeng iyon. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nakakuha ng attention. May sinasabi ang isa sa kanila at mukhang hindi sinasang ayunan ng lalake. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang titig ko roon, napagtanto ko lang iyon nang tumayo ang isang lalake.

Napatago ako at napasandal sa malaking puno. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang humangin ng malakas. Matagal bago ako sumilip ulit, pero nagulat ako nang makitang nasa harap ko na ang lalakeng kanina ay tinitignan ko. Pareho kaming gulat, siya ay gulat lamang na naka nakatingin sa akin, pero sa gulat ko at hindi ko napigilan ang sumigaw.

"Shit!" Rinig ko mula sa kanya at hindi ko na alam ang gagawin nang makita ko ang pagkahulog niya.

Taranta kong tinignan ang mga kasamahan niya at napansin ko na hindi nila narinig ang sigaw ko dahil hindi man lang sila gumalaw sa kinauupuan, siguro ay dahil sa malakas na tugtog sa gilid nila. Gusto kong lumapit at ipaalam, pero napangunahan ako ng takot.

Naisuklay ko na lang tuloy ang mga daliri ko sa buhok ko dali daling bumaba para tignan kung ayos lang ang lalakeng nahulog. Hindi ko maiwasang magpawisan nang makita kong nakahiga ito at wala ng malay.

"H-Hoi." Hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya o sasabihin. Naupo ako sa tabi niya at gamit ang hintuturo ay pinindot ko ang pisngi niya.

"H-Hoi, lalake. H-Huwag kang mamatay," utal na ani ko at ilang beses na pinindot ang pisngi niya para magising siya. Namangha ako nang mapatitig sa kanya, pero dali akong umiling ng paulit-ulit para bumalik sa katinuan.

Kinagat ko lang ang labi ko nang makita na hindi man lang siya gumalaw. Halos maiyak na ako nang isipin ko na nakapatay ako. Nagulat siya dahil sa pagsigaw ko kaya siya nahulog, ibig sabihin ako ang dahilan kaya siya mamamatay?

Accidentally Meeting HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon