CHAPTER 06HEATHER POINT OF VIEW
Pagtapos ko magluto ay agad din akong nagprepare, nilagay ko ang mga niluto ko sa mesa.
Mayamaya pa ay lumabas din ang boss ko na nakasuot na ng damit, nakahawak pa sya sa balikat nya-yung balikat nyang nabali ko ata.
"Bilis mo magluto ah" sabi nya pa atsaka umupo sa harap ko, pinagmasdan nya pa ang mga niluto ko "Mukhang masarap"
"Duh, masarap talaga yan" nilagyan ko ng kanin ang plate nya, maglalagay na sana ako ng malamig na tubig sa baso nya ng magsalita sya
"Ayoko ng malamig na tubig" mahinang sabi nya, tinignan ko naman sya pero hindi na ako nagsalita at kumuha nalang ng water na walang yelo
Pagtapos ko lagyan ang baso nya ay bigla syang nagsalita
"Let's eat" bahagya nya pa akong hinila paupo, hindi na ako tumanggi dahil gutom na rin talaga ako
Naglagay din ako ng pagkain sa plate na gagamitin ko at sisimulan ko na sanang kumain ng makita ko syang nakatitig sakin
"What?" takang tanong ko
Umiwas sya ng tingin at bumuntong hininga "Haaayy, ang sakit ng balikat ko pano kaya ako makakakain nito" halatang nagpaparinig na saad nya, bahagya pa syang nakanguso.
Tumaas tuloy ang sulok ng labi ko.
"Edi gamitin nyo yung kaliwa nyong kamay"
Tumingin sya sakin at sumimangot "Mahihirapan ako dahil kanan ako sanay"
Tinignan kolang sya habang para syang problemadong problemado
"Hays pano na to, hindi lang sa lamig ako mamamatay pati narin sa gutom" tumingin sya sa pagkain nya "Kung hindi lang sana ako binalian ng isa dyan edi sana kumakain ako ngayon" pagpaparinig nya pa.
Inis kong nilapag ang kubyertos na hawak ko, nakakainis tong lalaki na to halatang nagpaparinig eh!
"Haaayy-"
"Fine!susubuan kita" inis na putol ko sa sasabihin nya, napalingon naman sya sakin habang nakangiti "Anong nginingiti-ngiti mo?"
"H-ha? nothing!" umiwas sya ng tingin "Baket mo pala ako susubuan?natamaan kaba sa sinabi ko?"
inirapan ko sya "Sige, wag na!"
"J-joke lang!sige na sige na subuan mo na ako para hindi kana maguilty" ngumisi pa sya sakin, gusto ko tuloy syang sakalin kase halatang nang-aasar talaga sya.
"Bwesit talaga kahit kelan" bulong ko pa
"May sinasabi ka?"
"Wala!" inis na sagot ko atsaka kinuha ang plato nya.
Ngiting ngiti naman syang humarap sakin, gusto ko tuloy mapairap na naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/363323960-288-k487936.jpg)
YOU ARE READING
OBSESSED WITH HER: Lucas Parker
RomanceLucas Parker, a successful businessman who owns one of the most famous company in the world. He's handsome, and he has everything that you could think of. But he has this rare condition where he can't feel any warmth, making his body cold every tim...