As I watched my best friend walking down in the aisle hindi ko mapigilang maluha.
Ako dapat yan eh
Ako dapat ang naglalakad diyan
Ako dapat ang ikakasal ngayon
Ako dapat ang na sa situation niya ngayon
Dumako sa akin ang tingin ng bestfriend ko nginitian ko siya finally natupad narin ang pangarap ng best friend ko.
Hanggang sa nakarating na rin siya sa kinaroroonan ko.
"Hey don't cry baka pumangit ka niyan" I joked.
Tinawanan lang niya ako.
Pagkarating namin sa kinaroroonan ng groom ay agad ko siyang binitawan at hinarap ang groom.
"Wag mong sasaktan and bestfriend ko Ryxel ha, baka masapak kita"
He just laughed at me.
"Yes, I promise Aleah" then kinuha niya ang kamay ng bestfriend ko.
Pagdating nila sa altar ay agad nagsalita ang pari.
Ilang minuto lang ang itinagal ay agad kung narinig ang pari na nagsalita.
"Ryxel, do you take Lyn to be your lawfully wedded wife? Do you promise to love and cherish her, in good times and in bad, in sickness and health, for richer and poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live?" tanong ng Pari.
"I do" nakangiting tugon ni Ryxel.
"Lyn, do you take Ryxel to be your lawfully wedded husband? Do you promise to love and cherish him, in good times and in bad, in sickness and health, for richer and poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself only unto him, for so long as you both shall live?" tanong ng Pari.
"I do" tugon ni Lyn.
Agad tumulo ang mga luha ko, bakit ba ganito ang buhay kailangan mo pang magparaya para sa kaligayahan ng iba. Inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone hanggang sa hindi ko namalayan na natapos na pala ang seremonya.
Nilapitan ko agad sila.
"Congrats to the both of you, masaya ako para sa inyo"
"Thank you Aleah, kung hindi dahil sayo baka hindi kami ang nagkatuluyan ni Ryxel" She giggled.
I just smiled.
"Yeah" thanks to me
"So aalis na ako"
"Hindi ka ba pupunta sa reception?" tanong ni Lyn.
Agad akong umiling.
"Hindi na marami pa kasi akong gagawin"
"So, this is a goodbye."
"Goodbye Aleah, mamimiss kita" sabi ni Lyn.
"Goodbye Aleah" nakangiting sabi ni Ryxel.
"Goodbye"
Pagtalikod ko sa kanila ay agad bumuhos ang luha ko agad ko itong pinahid, hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako.
Lalakad na sana ako papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ko pero bago pa ako makarating ay na bangga na ako.
"Aleah!" sabay na sigay nila Ryxel at Lyn.
Bago pa pumikit ang aking mga mata ay naaalala ko pa ang mga pangako sa akin ni Ryxel.
"Papakasalan kita Aleah, ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar"
"Pangako hindi kita iiwan" sabi ni Ryxel.
Masaya ako para sayo Ryxel kasi natupad mo na yung pangako mo kaso nga lang sa ibang babae mo tinupad.
"Sana sa kabilang buhay ay tayo ang magkakatuluyan Ryxel" bulong ko bago pumikit ang aking mga mata.
YOU ARE READING
Scattered Promises
RomanceDo promise really meant to be broken? Aleah Ryne Jao an heiress of Jao Company. No one can make her bend her knees, but when it comes to Ryxel Dev Allejo she is willing to do anything to please his man. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang ipagla...