Third Person's POV
"Yeah. For some reason I don't like the vibes coming from him. It was so gloomy. Too much for me to take the dark that surrounds him." turan ni Cosima habang umiinom. Napatingin naman sa kaniya ang kaniya mga kasama na halos kagaya na ng ekspresyon na ibinibigay ni Norn ang nasa mukha nila. "What?" tanong na lamang nito dahil duon.
"Pero tama siya dun. Masyadong hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. May kakaiba sa kaniya at madalas rin siyang tumitingin kay Norn na parang kilala niya ito." pagsang-ayon naman ni Koa at sumabay sa ginagawang pag-inom ni Cosima.
Dahil sa pag-iisip ay hindi maiwasan ng ibang mapahawak sa kanilang mga baso at uminom. Wala ni isa sa kanila ang makaisip ng dahilan kung bakit ganun ang kanilang propesor. Si Eos naman ay iniisip kung bakit tinitigan nito si Norn. Ayaw niyang paghinalaan ito ng masama kaya ang hinahanap niyang dahilan ay isang katanggap-tanggap na rason.
'Hindi kaya ay kamag-anak niya ito na malapit sa kaniya? O baka naman kapatid niya ito na hindi niya maalala? Pero imposible dahil hindi naman nabanggit ni Nevin ang tungkol duon. Ngunit paano kung nakalimutan rin ito ni Nevin?' isip naman ni Cole.
Misha can't help but to look at them boredly. Hindi niya alam kung anong eksaktong iniisip ng mga ito bukod sa kakaibang presenya o dating ng bagong propesor. Pero may ideya siya na napakalalim ng kanya-kanyang katanungan ng mga ito sa isip.
"Pwede naman nilang tanuningin si Norn, nagpapakahirap pa sila." wika na lamang niya at humigop sa maliit na straw. Napatingin sa kaniya ang lahat ilang segundo ang tinagal nun bago ang mga ito lumipat ng tingin sa dalaga.
"What is your relation with him?" sabay-sabay na tanong ng mga ito sa normal na lakas ng boses. Nawala naman ang tingin ni Norn sa kaniyang pagkain at napatigil sa pag kagat ng cookie dahil nalipat ito sa kanila.
"Huh?" halos bulong niyang wika.
❇〰〰〰〰〰〰❇
SAMANTALA nakaupo naman sa sofa si Hairi habang nakapatong sa kaniyang hita ang isang talaan ng mga litrato. Mga larawan ito ni Norn and Nevin mula pagkabata nila.
Meroong larawan na nakatayo si Nevin sa isang mababang sanga at nakahawak sa katawan ng isang puno ang isang kamay habang ang kabila ay nakataas at naka-V ang dalawang daliri. May malaking ngiti ito sa labi. Magulo ang buhok ay may karumihan ang suot na puting sando.
Ang kasunod naman na larawan ay si Norn na nakaupo sa damuhan at napapalibutan ng mga puting bulaklak na ginawang korona. May hawak pa ito sa kamay at mukhang seryoso ito habang may kagat-kagat na bilog na tinapay. Hanggang leeg ang puting buhok at nakasuot ng sumbrerong para sa tag-init. Marumi rin ang puting bistida nito.
Ang sumunod naman na larawan ay ang dalawa na parehong nag-aaral. Meroon rin na kumakain sa makalat na lamesa. May sabay na naliligo at tumutulong sa pagbibilad ng mga labada.
Tuwang-tuwa si Hairi sa kaniyang nakikita. Nagpapasalamat siya at napakaraming litrato ang kaniyang nakuha noon. Hindi niya magawang pagsawaan ang makita ito.
Nang matapos ay ibinaba na niya ito sa lamesa at kinuha naman ang isa pa. Mas mukhang luma ang album na iyon dahil ang ibang bahagi ay tila natatanggal na ang kulay. Binuklat niya ang mga pahina at nakita niya ang mga larawan nung kabataan pa niya.
Naruon din ang kay Noziel dahil regalo ito ng isang kaibigan sa kanila. Pinagsama nito ang kanilang mga litrato at ibinigay sa kanila nuong sila ay ikasal. Nakakatuwang isip na may tiwala ang kaibigan nilang sila ni Noziel ang makakasama sa huli.
Naruon din ang litrato ng ilan sa kanilang mga kaibigan. Ngunit alam niya na may mga kulang ruon. May mga malalapit sa kanila na walang larawan sa album na iyon. Pero hindi mawawala ang ilang malalapit na kakilala nila. Naruon din ang minsan na nilang nakaaway at hindi niya maunawaan kung bakit ito isinama ruon.
Napunta siya sa larawan ng kaibigang babae na iyon at di niya maiwasang matawa. Ang ganda kasi nito sa larawan kaya nasisiguro niyang hinanap pa nito iyon dahil ayaw niyang magmukhang hindi maganda sa alaala ng lahat. Maikli ang buhok nito na hanggang balikat lamang.
Luma ang larawan kaya hindi niya masasabi ang kulay ng buhok nito. Ngunit ang naaalala niya ay dark brown ang kulay ng buhok nito at tuwid na tuwid. Lagi rin itong nakapuyod ng kalahati. Mayruon itong brown na mga mata na siyang may pagkadilaw sa babang parte.
May katabi itong lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay bunsong kapatid nito na limang taon ang bata sa kaniya. Ang larawan naman ng kaibigan ay noong labing pitong taong gulang pa lamang ito. Hindi niya lamang matandaan ang pangalan ng kapatid nito. Alhara naman ang sa kaibigan.
Napatingin na lamang siya sa pinto ng salas nang marinig ang pagbukas ng pinto papasok ng bahay. Maya-maya ay nakita niya ang asawa na tumingin sa loob ng kusina bago sa katapat nitong salas kung nasaan siya.
"Ano iyan?" Tanong nito at pumasok sa loob bago tumayo malapit sa kaniya.
"Dear, tingnan mo nga ito. Natatandaan mo ba siya?" Ipinakita niya ang larawan sa asawa. Ilang saglit naman itong nakatitig duon at tila pilit na inaalala kung sino ang bata sa larawan.
"Ang natatandaan ko lamang ay nagiisang nakababatang kapatid iyan ni Alhara. Madalas kong nakikitang nakabuntot ito sa kaniya. Pero hindi siya masyadong nakikipag-usap at laging nakatitig sa tao. Ni hindi ko rin matandaan kung nakita ko na ba siyang ngumiti. Nanduon rin siya noong araw ng kasal natin. Pero yun na ang huli araw na nakita ko siya. Ang huling balita ko rin ay mukhang hindi na ito umuuwi ng bahay nila. Kahit sina Alhara ay hindi na rin nakakarinig ng balita mula sa kapatid." Paliwanag nito habang nakahawak sa baba at tila ay malalim pa ang iniisip.
"Ang balita ko rin kay Alhara ay nasa malayong lupain na siya dahil sa kaniyang napangasawa. Ni hindi nga tayo nakapunta man lang dahil huli na rin nang mabalitaan natin." Napabuntong hininga na lamang siya.
"Bakit mo nga pala naitanong ngayon iyan?" Ani Noziel.
"Wala naman. Nakita ko lamang. Bakit ang aga mong umuwi ngayon?" Balik niyang tanong.
"Ah-, may dumating kanina sa tindahan. Maaari raw tayong dumalaw bukas kay Nevin bukas hanggang sa sunod na araw ng umaga." Anito at umupo sa tabi ng asawa bago magtanggal ng ilang botones sa suot na damit.
"G-Ganun ba? Sige maghahanda na ako ng dadalhin." Agad ay tumayo siya at nagtungo sa kanilang kwarto upang makapaghanda ng gamit.
Bahagya namang ngumiti si Noziel nang maiwan mag-isa ruon. Napatingin siya sa lamesa at nakita ang larawan sa nakabukas pa ring pahina ng album. Nangunot muli ang kaniyang noo at inisip ang batang iyon. Maya-maya ay napabuntong hininga na lamang siya at isinara ang talaan ng mga larawan bago sumunod sa kaniyang asawa.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasyNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...