Third Person's POV
Panibagong araw. Ang lahat ay nakatutok sa iisang bagay sa loob ng silid aralan na iyon nina Norn. Isang bagay na lamang din ang kanilang hinihintay ay mapagdedesisyonan na kung matatalo ba sila o hindi. Napakabigat ng paligid dahil duon at mararamdaman ang tensyon sa bawat kampo.
Ang isang babae ay nakangisi habang nakatingin kay Norn. Si Norn naman ay marahan lamang na nagkikiskis ng chalk sa stick sa harap ng isang pool table. They were playing a pool game inside their classroom while waiting for their teacher.
And Pool is a classification of cue sports played on a table with six pockets along the rails, into which balls are deposited. Chalk lets her, a player, add friction to the cue tip, which allows her to make a shot, rather than have the cue slipping off the ball prematurely.
There was a smirk in her opponents face as the red ball stayed two to three inches near the pocket. And her ball was also there. Matapos ang ginagawa ni Norn ay pumusisyon siya at itinutok ang stick sa puting bola. Napataas naman ng kilay ang kaniyang kalaban at nangunot ang noo ng mga nanonood. Pakiramdam nila ay nauunawaan nila ang binabalak ni Norn ngunit hindi naman nila lubos maintindihan kung bakit nito iyon gagawin at paano siya mananalo sa paraang iyon.
Ngunit wala sa paligid o kahit na ano ang isip ni Norn liban sa bola, stick, at sa paraang gagawin niya na magbibigay ng resulta kung siya ba ay matatalo o mananalo. Tanging naruon lamang ang kaniyang atensyon at pokus dahil kung hindi ay paniguradong hindi siya magtatagumpay at sa oras na ito ay nakararamdam siya ng hirap sa sitwasyon.
Ang lahat ay nagbibilang, hindi nila alam ang inisip ng bawat isa ngunit parepareho ito. Nagbilang sila mula sampo pababa. Nang umabot ito sa zero ay duon na kumilos si Norn. She pushed the ball harder enough with stick onto the pocket, everything comes in a slow motion as everyone watched the ball inside the pocket thinking what will happen next.
But in a reality, everything just happened in a blink of an eye. As Norn move and the ball hit the inside of the pocket and that it bounces back on the table beside the red ball to the moment that the red ball roll over inside the pocket. But the white ball stays at were it is, at the place where the red ball was before.
Tumayo ng tuwid si Norn at itinuon ang stick sa sahig habang walang emosyong taas noo na nagbitiw ng isang mabilis na hinga. Tila ay panandalian siyang hindi huminga kanina at nang matapos at magtagumpay siya sa plano ay duon lang niya ito nagawa.
Tila naman ay sinyales yun at unti-unting nanlaki ang mga mata ng mga naruon hanggang sa mapasigaw na ang mga ito. Tumigil din naman kagad sila at nagbigay ng kaniya-kaniyang komento na ang ilan ay ang katabi ang kausap.
"Akala ko talaga talo na tayo." wika ni Arsley Silfhy, ang babaeng may faerie sa balikat.
"Kahit ako pigil hininga kanina." pagsang-ayon naman ng kaniyang kasintahan na tinanguan ng faerie niya at ng dalaga.
"Ow~. Talo tayo. . ." dismayado namang wika ng isa pa sa kanilang kaklase.
"Bunutan kasi ang magiging grupo, wala tayong magagawa." usal naman ng kaniyang katabi.
"That was close. I wasn't expecting that." napahinga ng maluwag na ani Laird, ang kaklase nina Eos na laging nagpapasimuno ng tinatawag niyang Entertainment game. Kanina ay dapat mapupunta siya sa grupo ng kalaban ni Norn ngunit nailipat siya dahil kulang ang grupo nina Norn ng isa pang myembro.
"Ayos lang yan Miss Shauna." wika ni Eos sa babaeng may luha sa gilid ng mga matang lumingon dito.
"Don't you dare say that words when you were also defeated by her before." hindi nawala ang ngiti ni Eos sa kaniyang labi at mga mata kahit pa para siyang tinamaan ng palaso sa katawan dahil sa sinabi nito. Suminghot ang babae.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasyNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...