<----Vote
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
si Cindrella may Prince Charming
si Snow White may Prince Charming din
si Beauty may Beast
si Ariel may Eric
si Shrek may Fiona
si Alladin may Jasmine
The Princess and the Frog
Ang kasalang Kate Middleton at Prince William
halos lahat sila fairytale ang buhay, happily ever after, at mayroong "HAPPY ENDING"..
ako?bata pa lang ako, naniniwala na ko sa katagang "AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER", bata pa lang ako mahilig na kong manuod at magbasa ng mga fantasy na love story, mga cartoon at kung ano-ano pa,.hinahangad na sana magkaraoon din ako ng ganoong pangyayari, ganoong love story at PRINCE CHARMING..
akala ko, lahat may HAPPY ENDING,may HAPPILY EVER AFTER, at FOREVER, but i was wrong..
kung sila may partner , ako din mayroon, kaya lang NOON...
let me tell you my story..
LOVE???it happened when i was 15 yrs. old ako , 15 yrs old ako nagkabf, .alam kong bata pa ako para mainlove ng ganitong kaaga, pero hindi ko masisi ang sarili ko, kasi kusa kong naramdaman yun, di ko pinilit, bagkus, ito'y dumating na lang,..,sabi nga nila, EXPECT the UNEXPECTED..
17 yrs.old--,alam niyo bang 2 years na kami?2 years na kami ng bf ko,,NAPAKASAYA ako sa loob ng dalawang taon,siya yung unang lalaking naipakilala ko sa mga magulang ko, pati na rin ako sa side niya,, hindi maiiwasan sa isang relasyon ang tampuhan, kahit kami, ganoon din, madalas magkatampuhan,nangyayari din sa amin yun, kaya lang kasunod naman lagi noon ang lambingan,kuitan, at happy moments, sa loob ng 2 taong yun, nabuo ang mga pangarap ko, kung saan kasama siya sa mga pangarap ko, at kasama ko siyang buuin ito,sobra naming mahal ang isa't isa kaya naman lahat ng pagsubok nalampasan namin,para sa akin siya na ang PRINCE CHARMING KO, at sa mga panahong yon, naniwala ako sa happy ending,na katulad nila CINDERELLA may Prince Charming din ako, at siya yon, at alam niyo bang sa mga panahong yon were engaged,kahit na bata pa kami para maengaged, sa amin kasi, kami na talaga, walang makapag hihiwlay samin pero--- akala ko siya na, akala ko kami na, umaasa ako na sana siya na rin ang lalakeng kasama kong haharap sa altar,--pero
*Sighed*
may isang pangyayaring hindi ko akalaing mangyayari sa buhay ko, sa buhay namin, --at yun ay---
he died on MAY 21, 2010, in a motorcycle accident...
after ng pagkamatay niya, sinubukan kong mag moved on, sa maniwala kayo o sa hindi, sinubukan ko talaga,ito na ata ang PINAKAMAHIRAP na gagawin ko sa buong buhay ko, nagkaroon naman ako ng bf pero hindi seryoso! nawalan na siguro ako ng gana,, siya pa rin yung nasa isip ko, siya pa rin yung mahal ko, at siya pa ring yung buhay ko,--kahit na mismong buhay ko! INIWAN ako...
1 year na rin pala 18 yrs. old na ko ngayon...,MAY 21, 2011 ngayon, may 21...binisita ko siya kani-kanina sa puntod niya,
, *sighed* hindi ko tuloy mapigilang lumuha habang pinupunasan ang puntod niya, halos manginig nginig ang kamay ko,
"musta ka na diyan?-,ako sa tingin mo?kamusta na ko? alam kong nakikita mo ako diyan, binabantayan mo ko, sorry ha, medyo,nadown ang buhay ko, alam mo naman kung bakit diba??--alam mo, miss na miss na kita, bat kasi iniwan mo pa ko?bakit kailangan mong gawin yun ng walang pasabi? eh di sana naghanda ako diba? hindi yung----------bigla bigla mo akong iiwan, tingnan mo ako ngayon, nangungulila pa rin sayo, hinahanap ka lagi, hinahanap ang prescence mo, ang daya mo kasi e, , ang daya daya mo, !!--" hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng luha ko, hinahayaan ko na lang, para mailbas ko lahat ng sakit, lahat lahat, pakiramdam ko kasi bumalik lahat, lahat ng sakit, masayang ala-ala naming dalawa ng magkasama pa kami,,feeling ko sasabog na lahat ng nasa loob ko, pag di ko iniyak at sinabi ang lahat ng nasa loob ko, lahat ng sakit ay iniiyak ko na lang...
"naalala mo yung nahuli tayo ng pulis, dahil wala kang licensya, para tayong tanga nun, di natin alam ang gagawin, sa halip na matakot tayo sa pulis, tinawanan pa natin, tanda mo ba yun?--eh eto tanda mo pa rin---- pilit akong tumawa sa harap ng puntod niya
"eh yung, nagpropose ka ? tanda mo pa ba yon? galing ako sa school nun,ginabi na nga ako ng dating nun e, di mo kasi ako sinundo, inaway away mo pa ko, di mo pa nga ko tinetext e,,,at pagdating ko sa bahay brown out, wala pang katao tao,akala ko nga naputulan kami ng kuryente tapos pagbukas ko ng pinto----
di ko mapigilang muling humagulhol sa pag-iyak...
pinilit ko pa rin magsalita...
"tapos----biglang may lumiwanag na kandila------hawak hawak mo yun diba? napasigaw pa nga ko nun, dahil akala ko multo, -----bigla kang lumuhod at binuksan mo yung ring box--- imbis na will you marry me ang tanong mo,---
.
..
..
.
..
"will you take me forever?"----ang skait sakit,
"bakit ang sakit pa rin? sabihin mo naman sakin oh? bakit kahit anong gawin ko, hindi maalis yung sakit, hindi ko magawang magmahal ng iba....--" lalong lumakas ang pag-iyak ko...
hanggang sa umulan na nga--
"dinadamayan mo na ba ako ngayon???naiintindihan mo ba ako? ---mahal na mahal pa rin kita, kahit minsan di ko na kinakaya, ang sakit kasi------pwede bang kahit ngayon lang, maramdaman kita, maramdaman kong nandiyan ka pa rin, pleaseee---- kahit hindi na forever--kahit ngayon lang----kahit ngayon lang---...."
habang humahagulhol ako sa pag-iyak,naramdaman kong biglang uminit yung pakiramdam ko, kahit na basang basa ako ng ulan---,...
"nandiyan ka na ba?dito ka muna ahhh---saglit lang, please.....saglit lang talaga!!!!hayaan mo muna akong maramdaman ka ulit...."
sa maniwala kayo o sa hindi, naramdaman ko talaga siya...hindi dahil sa pinipilit kong maramdaman siya, hindi to, psychological,o kung -ano ano,,NARFAMDAMAN KO TALAGA SIYA...naramdaman ko ang MAHAL ko..kahit na mas lalong sumakit at bumigat yung pakiramdam ko...
"hihintayin kita----- , i will wait for you, even if it takes FOREVER,,"..
THE END...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------