Chapter 1

84 1 0
                                    

Responsibility

Maluha-luha akong naglakad sa telepono kong nagkalat ang mga parte. Habang pinupulot ko iyon isa-isa ay nanggigigil ako sa inis, bigla ko tuloy naalala ’yung kalandian ko habang nagk-kwento ay Kuya. Hays, kahihiyan.

“Hoy!” Nilingon ko ang pamilyar na boses ni Zerina na tumatakbo habang nag-zi-zipper ng kaniyang palda. Sumimangot ako at niyakap siya nang mahigpit. “Gaga! Bakit kalas-kalas na cellphone mo?” natatawa pa nitong sabi.

“’Wag kang tumawa, ipalunok ko sa’yo ’to, e.” Turo ko sa kalat.

“Tanga, ano nga kasing nangyari? Bakit ganiyan?”

Humalukipkip ako habang sinasamaan ng tingin ang lalaking bumasag ng telepono ko. Nakikipag-usap siya mukhang mayayaman din na estudyanteng kagaya ko at lumingon sa akin. Nanlaki pa ang aking mata nang pakitaan niya ako ng ngisi.

“Ohh myy good! Don’t tell me---”

“Yes! Yes!”

Umawang nang malaki ang kaniyang bibig at nagtatalon sa harapan ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay at ngumuso dahil mukhang tuwang-tuwa pa ang reaksyon niya. Hindi ba niya nakikita ’yung telepono kong ginahasa ng sahig?

“Siraulo ka, sa dami-raming pwedeng pagtripan si Lanforde pa talaga. Tibay mo teh!” pumapalakpak niyang sabi.

“Sinabi ko lang naman na ako ’yung in-add niya sa Facebook.” Ngumuso ako.

“Ha!? Nangangarap ka ’ata teh! Ang isang Alizen? Mag-a-add sa’yo? Sanay nag-isip ka muna nang matino.” Humagalpak siya.

“Sino ba s’ya? Akala ko lang naman is normal na tao lang tapos gwapo.”

Muli kong tinignan ang kawawa kong cellphone sa sahig at kinuyom ang aking kamay. Dapat pala pinatikim ko siya ng mapagmahal kong sampal. Ang kapal ng mukha niyang sirain ang gamit ko! Hindi pa nga ’to fully paid. Magbabayad pa ako e sira na ’to, bwiset.

“Normal lang naman si Alizen, Riyela. Ano bang nangyayari sa’yo?” nagtataka niyang tanong. Binalingan ko siya.

“Nagmukha siyang hayop sa paningin ko no’ng sinira niya cellphone ko.”

Napanganga na lang siya sa narinig at sinimulan ko nang imisin ang mga parte ng telepono kong nagkalat. Hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa niya kaya naman nang matapos ang klase namin sa painting ay tinanong ko kay Zerina ang building nila at nang malaman kong same course lang kami ay malamang dito ko lang siya mahahanap.

“Riyela, hindi maganda ang binabalak mo.” Panay ang buntot ni Zerina sa aking gilid at hindi ko naman siya iniimikan. Abalang-abala kasi ako sa mamasid sa paligid, baka sakaling makita ko siya.

“Pagbabayarin ko naman siya sa sinira niya, e. Ibibigay ko ’yung full price at papatawan ko para hindi na ako magbayad,” ngiting tagumpay kong sabi.

“Hay nako! Kahit nga maging isang milyon pa ang utang niya sa’yo e baka sampalin ka lang ng kayamanan n’yan.” Umirap siya sa kawalan.

“Edi maganda,” sagot ko. “Ibibigay ko kina Mama. Kahit araw-araw pa niya akong sampalin ng pera, my face are wide open for it,” dugtong ko habang dinadama ang sinasabi.

Umiling-iling siya habang may ngisi sa kaniyang labi. “Mautak ka talaga.”

Tumigil na siya sa pagsasalita at tinulungan na lang akong maghanap. Hindi naman siguro matatakot singilin ’yon. Habang palinga-linga ako sa paligid ay nakilala ko ang mukha no’ng lalaking pinagtawanan ako kanina. Muling nag-init ang aking ulo dahil naalala ko ang panglalait niya kanina. Gusto ko sana sungalngalin ng sapatos kanina kaso baka matanggal ang scholarship ko.

Fall For Me Unconditionally (Lanforde Series #2)Where stories live. Discover now