Prologue

74 1 0
                                    

Ang sariwang hangin ay napakasarap sa pakiramdam. Nakatayo ako ngayon sa tuktok ng bundok kung saan nakikita ko ang mga naggagandahang mga tanawin at lugar na palagi kong pinupuntahan.

Nilanghap ko muli ang sariwang hangin at saka inalis ang suot na sapatos para makiisa sa kalikasan. Pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata at dinarama ang mainit na haplos ng haring araw.

"Yera! Halika na at hinahanap na tayo ni Nanay!" Sigaw ng kapatid ko sa akin.

Ngunit hindi ko ito pinakinggan kahit mukhang naiinis na ito sa akin.

"Sonya," tawag ko nang maramdaman ang kaniyang paglapit. Tumabi ito sa akin at saka ginulo ang magulo ko ng buhok dahil sa malakas na hangin.

Nginisian niya ako at saka na rin tumingin sa malawak na tanawin. "Tara na at hinahanap na tayo ni Nanay." Ulit niya.

Bumuntong hininga ako at saka isinuot ang sapatos. Naguunahan kami pababa ng bundok kaya malaki ang ngisi ni Sonya ng maunahan niya ako.

"Ikaw ang bibili sa bayan mamaya!" Mas lalong lumaki ang ngisi sa kaniyang labi.

"Ako naman palagi," nakangusong sagot ko sa kaniya. Sa totoo lang ay gusto ko talagang pumunta sa bayan para makapagpasyal. 

Pagkarating namin sa maliit na bahay ay naaamoy ko na ang masarap na luto ni Nanay. Mabilis kaming pumasok sa loob at inilagay ang mga dalang gamit sa maliit na lamesa.

Nakita namin si Nanay sa kusina at abala sa pagluluto. Nang maramdam niya kami ay saka lang siya bumaling at isa-isang pinagkukurot ang aming pisngi.

Lumabas din sa kwarto si Amel, ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Kinusot-kusot nito ang kaniyang mata at mukhang bagong gising pa lamang.

Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Malaki ang agwat ng edad namin ni Amel at ni Sonya pero hindi ito hadlang para hindi kami magkalapit. Palagi nga nila akong kinukulit dahil ako raw ang pinakabata at ang bunso sa bahay.

Mas lalong nainis si Nanay ng makita si Amel na puyat na naman. "Diba ang sabi ko sayo'y tigilan mo na ang pag-eensayo kina Punong Ponse," galit na wika ni Nanay. Nanahimik naman kaming tatlo at saka parehas na napatingin sa isa't-isa.

Malayo kasi ang tirahan ni Punong Ponse sa amin at ilang oras pa ang dapat lakbayin papunta sa kanila.

"Ayaw mo nun, Nay? May malakas at tagapagtanggol kang anak." At saka ibinalandara niya sa aming harap ang makisig niyang katawan. Parehos naman kaming natawa ni Sonya at tinukso itong takot na pumunta ng bayan.

Sa aming magkakapatid ay ako lang ata ang mahilig na pumunta at makihalubilo ng maraming tao.

Alas singko pa lang sa hapon ay sabay na naming kinain ang luto ni Nanay. Nakasanayan na kasi namin ang kumain ng umaga habang may sinag pa ng haring araw.

"Ito, Sonya, bumili ka ng mga kasangkapan para sa kaarawan ni Yera bukas." Nakangiting inilahad ni Nanay ang bugkos ng pilak kay Sonya at saka tumingin sa akin.

"Kailangan po ba talagang maghanda, Nay?" tanong ko. Para sa akin ay wala namang espesyal ang aking kaarawan. Mas maganda nga'ng igastos ang pera na iyan para sa pang araw-araw naming kailangan.

"Maglalabing-walong taong gulang ka na bukas, kailangan talagang maghanda dahil sabi-sabi iyon ng mga nakakatanda." Natahimik ako sa kaniyang sinabi.

Kinuha ko kay Sonya ang pilak at saka tumingin ulit kay Nanay. "Ako nalang po ang pupunta sa bayan."

Nanlaki naman ang mga mata ni Nanay at saka sinubukang bawiin ang hawak kong pilak. "Bawal kang lumabas, Yera. Kailangan mong magpahinga rito da--"

Hindi na natapos ni Nanay ang kaniyang sasabihin dahil tumayo na ako. "Sasabay naman po ako kay Aling Esther na pumunta sa bayan."

Golden Dust of Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon