“Effort? Ito ang bagay na makakakuha ng puso ng taong mahal natin basta’t siguraduhin lang na gawin mo na ito habang maaga, bago pa mahuli ang lahat. “
Nakatunganga sa may bintana at pinagmamasdan ko ang pagpatay-sindi ng mga munting ilaw sa may tapat ng aming bahay. Hay! Magpapasko nanaman pala. Wala nanaman akong maririnig niyan kundi SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko). Di bale, Masaya naman ako eh! Masayang Masaya!
“Paul! Patayin mo na ang ilaw sa kwarto mo at matulog ka na. Maaga pa tayong aalis bukas para sa unang araw ng simbang gabi!” Sabi ng Inay.
Isang marilag na ideya ang pumasok sa aking isipan. “Gusto kong makasamang magsimbang gabi ang aking pinakamatalik na kaibigan na si Laura! Gusto kong makumpleto ang siyam na umaga kasama siya!”
Ring! Ring! Ring! “Hello? Paul? Ikaw ba iyan?” mahinang sagot ni Laura sa telepono.
“Oo Bezz ako nga! Alas-kwatro ng umaga bukas magkita tayo sa harapang ng estatwa ni Cory ha? Magsisimbang gabi tayo. Aasahan kita! Sige paalam! Mahal kita Bezz!” Sabay baba ng telepono.
Labing-anim taon na kaming magbestfriends ni Laura. At simula pagkabata siya na talaga ang tinitibok ng puso ko.
Disyembre 16, 2012 (Unang Simbang Gabi)
Tulad ng aking inaasahan dumating nga si Laura sa aming tagpuan. Hanggang sa tumunog na ang kampana, hudyat ng pagsisimula ng unang misa. Pagkapasok, sabay naming pinakinggan at dinamdam ang salita ng Diyos.
Tila puyat ata si Laura, kanina pa kasi siya papikit-pikit habang nakikinig. Nakakatuwa talaga si Bezz!
“Oh Bezz! Bukas ulit ha? Tara hatid na kita!” sabi ko kay Laura.
Kinagabihan, maaga akong natulog sapagkat ako ay sabik na sa ikalawang araw ng simbang gabi.
Disyembre 17, 2012 (Ikalawang Simbang Gabi)
“Aba! Alas-tres medya palang nasa tagpuan na si Bezz Laura.”
“Bezz! Ang aga mo ha? Heto ang mainit na gatas at puto-bumbong! Kain muna tayo!” Ang alok ko kay Laura.
“Ikaw talaga bezz, kahit kalian pinaparamdam mo sa’kin kung gaano ako kahalaga sa iyo. Kaya mahal na mahal kita e! ” Sabi ni Laura.
Natapos ang misa ng punong-puno ng saya!
“Pula o puting rosas? Alin kaya ang magandang ibigay kay Bezz para bukas?” tanong ko sa aking sarili.
Disyembre 18, 2012 ( Ikatlong Simbang Gabi)
“Magandang Umaga Bezz! Kasing-ganda mo ag mga puting rosas na ito.” Bati ko kay Laura.
“Ihh. Bolero ka talaga! Salamat Bezz ah? Sabi nga ng Pari kahapon, pahalagahan ang bawat Gawain ng mga taong nakapaligid sa iyo.” Nakatutuwang pasasalamat ni Laura.
“Haay! Ika-apat na araw na bukas ng simbang gabi. Dapat maging espesyal nanaman ito.”
Disyembre 19, 2012 (Ika-apat na Simbang Gabi)
Nakasuot ng isang magandang putting blusa si Laura habang nakatayo sa tagpuan at tila sabik sa pagdating ko.
Aking tinakpan ang mga mata ni Bezz ng aking mga kamay at sabay bigay ng isang kahon ng chokolate.