Just Saying Hi!

11 0 0
                                    

SHE


I saw him. He's just ten feet away from me. Ten feet! Mantak mo? Konting hakbang lang, mahahagkan ko na siya. So close! Yet so damn far.

Ang dami ring gustong mahagkan siya. Libo-libong babae ang may gusto rin sakanya. Yung tipong kahit tingin niya lang ok na.

Pinagpipyestahan siya dun. Nagpapasalamat ako sa mga bodyguards. Dahil sakanila, walang nakakahawak sakanya. Wahahha.

Kasi dapat ako lang. Dapat ako lang ang may karapatang hawakan siya. Maliban sa family niya syempre.

Ang dami naman kasi talagang fans ng taong ito. Kainis. Bwisit.

Ang gwapo niya naman kasi. Ung tipong ngumiti lang siya sayo, buo na ang araw mo. Bonus na yung mapansin ka niya.
Ang swerte mo na kung maging kaibigan ka pa. Pakamatay ka na, kung girlfriend ka niya. Kasi excuse me, pero ako ang girlfriend niyang nakatadhana sakanya.

E-epal kakalbuhin ko.

Pero shutanginames. Ni Hi nga, wala e. Feeling ko tuloy nawawa na yung chance na mapansin niya pa ako. Ang dami kayang magagandang artista na nakakasalamuha niya. Lalo na yung bwisit na Alexa na yun? Bugbugin ko yun e! Epal!

Kahit yung Shar! Bwisit rin yun. Mga mang-aagaw!

Ang gwapo naman kasi ng nilalang na ito. Bagay na bagay sakanya ang laging nakashades. Kaso, paano ko naman malalaman kung tumingin siya saakin?

Bwisit na tao yan, kung sino man siya na nagimbento ng shades! Tsk! Para lang naman iyan sa mga bulag dapat eh. Bulag ba si Nash ha? BULAG BA SIYA?!

Tae! Bulag nga ata yung gwapong nilalang na yun!

Hindi niya kasi ako makita.

---

Lagi akong nakatambay sa twitter niya. Ako na ata ang pinaka sa pinaka number one fan niya.

Nung nag follow back siya, muntik na akong mamatay! Kasi naman eeee. Kumakain kaya ako ng shomai tapos makikita ko yun?! Anak ng!! HEAVEN PAREEE.

Alam niyo ba na katapat lang ng bahay namin ang bahay nila?

Ang totoo kasi niyan, lumipat sila sa subdivision namin nung hindi pa siya sikat. Tapos boom! After a year or so, ayan na siya. Laging laman ng TV, sinehan at kung anu ano pa.

At ang swerte ko nga, dahil magpapahinga muna siya sa showbiz ng isang buwan.

Shet, pagkakataon ko na! Wahahaha.
May ganyang feeling oh!

Pero ang epal ni tadhana. Huhuhu. Hindi siya magbabakasyon sa bahay niya.

Malamang diba?! Kung bakasyon lang rin naman, mas gugustuhin ko na sa ibang lugar na lang. Mabubulok lang ako at mauumay sa bahay.

Kaya eto ako. Araw-araw nasa tapat ng bahay nila. Kilala na nga ako ng mga care taker dito dahil lagi kong tinatanong kung dumating na ba ang kanilang mga amo. Naging close friends pa kami.

Isang araw, tinanong saakin nung care taker kung bakit ang tindi ko daw. Wala kasing mintis! Tuwing papatak kasi ang 11:11 AM bumibisita ako. Tapos tinanong niya rin kung bakit daw ba hinahanap ko si Nash mylabs so sweet sa bahay nila.

Sabi ko naman. "I just want to say, Hi." Yun lang. Then nagpapaalam na ako. Minsan pa, sa sobrang gusto ko siyang makita at hinihiling ko na dumating na siya, tumatambay ako sa malapit na tindahan. Kila Aling Nena, dun ako uupo mag hapon, aabutin pa ako ng gabi, para lang antayin kung may darating ba o wala.

Ang stalker ba tignan? Ang ganda ko namang stalker.

Asa. My conscience says. Bwiset.

Anyway...

Just Saying Hi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon