Sakripisyo ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ako, desisyon na dapat panindigan hanggang dulo. Mabigat at mahirap man ay nararapat na pangatawanan ko 'yun. College Student na ako at tila natatakot akong pangatawanan ang kursong napili ko. Simula pa lamang ay ayaw ko na ang kursong ito malayo sa gusto kong tahakin.Isang tao ang na biglang pumasok sa buhay ko. Napupuno na nga ako ng problema at bigat na nadarama, alam ko naman na panandalian lahat nang to. Ayaw kung maiwan muli hindi ako aasa natatakot rin akong umasa.
Sa pagitan ng buhay eskwela at buhay pag-ibig may puwang pa ba ang nararamdaman ko.
Sino ang dapat unahin ko.
Sarili? Pangarap? O Siya na bago sa buhay ko.
May mga gusto tayo na hindi talaga para sa atin. Minsan pangarap, at kung minsan yung pinapangarap mahirap magsakripisyo. Kaya pala dapat aralin muna bawat hakbang sa buhay. Kasalanan ko ba. Ang minsan pahalagahan ko muna ang sarili at mithiin ko sa buhay.
Iba ang dulot niya sa akin. Kabog ng dibdib at kasiyahan na pinapadama niya sa akin.
Panigurado maguguluhan rin kayo. Ako din naman ay naguguluhan mula sa pagkatao ko at marami pang bagay. Tulad mo ako ngunit, hindi ako naghahabol sa mga dapat habulin hinahayaan ko na lang ito na lumipas.
Kolehiyo. Sobrang iba sa mundong nakasanyan ko noong nasa high school ako.
"Nero- Nero. Bumangon ka diyan at simula na ang unang araw natin." Paggising sa akin ni Bryle.
Kasama ko pala siya sa boarding house at sa work. Working student's din kasi kami. Masipag ba siguro dala lang ng matinding ambisyon.
Bumangon na ako at nagpunas ng muta umunat-unat muna. Nasa ibaba pala ako ng higaan double deck kasi ang higaan namin.
Pumunta na ako ng banyo at umuhi pagtapos ay nagtooth brush na. Hindi na ako nag-agahan na kasanayan ko na yun. Pero si bryle ayun nasa cr palagi na lang tinatawag ng kalikasan bago kami umalis.
Pasado ala sais y media na kaya nagmamadali na kami. Ni-locked na ni bryle yung kwarto namin.
Nilalakad lang namin ang school na pinapasukan namin semi private lang ito. College students na pala kami.
Mukhang maaga kami dahil wala pa halos dumarating na estyudante.
Naglalakad ako sa hallway.
Biglang may bumongo sa akin. Nagmamadali ito, napansin kung may nahulog siya. Pinulot ko naman ito pero nang aamba na akong sabihin at ibalik sa kanya ay wala na siya sa paligid.
YOU ARE READING
Buko : Buhay Kolehiyo
RandomIt's about my college life. Maraming salamat sa babasa sana ay may mapulot kayong aral.