Maayos na ang schedule namin nakakainis dahil mayroon kaming Saturday class. Bachelor of Elementary Education o BEED pala ang kinuha ko na kurso, ito ang second option ko una talaga ang HM ngunit may humila sa akin para magenroll dito.Masaya ang bawat pagpasok hanggang sa paguwi ibang-iba sa nakasanayan hindi naman kami agad pinahirapan ng aming mga instructors. Masasabi mo talaga na matagal na silang nagtuturo may mga edad na rin kasi.
Mabibilang mo sa mga daliri ang mga lalaki sa room na ito. Puro babae ang nagenroll at kumuha ng kurso na ito at syempre sila lang naman talaga ang may kakayahan na magpasensya aa mga bata.
Orientation ang naganap sa bawat klase at introduction sa mga subject namin.
Magkasama kami palagi ni Bryle.
Pagkatapos nito ay deritsyo kami sa fastfood chain na pinapasukan namin. Working student kasi kami hindi pa kami halos nakakapagsimula pero dama ko na ang matinding pagod sa katawan ko.
May mga instructor na rin ang nagbigay ng mga report. Iisa lang yata ang Instructor na hindi magpapareport sa amin, ayaw nya raw na ipamahala ang pagtuturo sa kanyang estyudante.
Maaga kami natapos sa orientation. Kinausap kami ng aming Dean para siguro tignan kung marami kami na First Year. Masasabi ko nga na masyadong marami dahil umabot na kami sa 40 plus isama mo pa ang mga irregular student.
Diretsyo agad kami ni Bryle sa fast food chain na pinapasukan namin. Ang oras namin doon ay 5pm to 10pm kapag may pasok, malapit naman ito sa aming boarding house kaya maganda na ito at maayos na sa amin.
Pumunta muna kami sa aming locker para kuhain ang mga uniform namin.
Pagkatapos magpalit ay tumungo ako sa kitchen para maglinis ng mga plato sa may washing area. Tambak ang hugasin dahil siguro marami ang mga customer. Samantalang si Bryle naman ay siyang kumukuha ng pinagkainan at naglilinis ng mga lamesa.
Tatlumpong minuto nga ang lumipas ay natapos na ako sa paghuhugas. Kumain muna kami bago ay nag-mop wala na nga halos kumakain puro take out na lang sila.
Pasado 9:34 pm ay pinauwi na rin kami ng aming supervisor.
Naglalakad kami ni Bryle pauwi at napagpasyahan namin na dumaan muna sa isang store para bumili ng mga materials para sa reporting. Gusto kasi ng ibang instructor na gumamit na lamg kami ng mga pinopost na materials sa board kaysa ang maggawa ng power point presentation.
Nang makauwi ay nagpalit na agad ako ng damit at nakatulog na agad.
Lumipas na lang ang isang linggo na ito na ganoon ang sitwasyon namin ni Bryle. Pag-aaral, trabaho at magpahinga panadalian panigurado sa ganito na iikot ang buong taon ko.
Maaga akong nagising marahil ay linggo ngayon araw ng mahabang pahinga. Tambak na rin pala ang labada ko kaya yun ang inuna kung gawin.
Responsable ba. Siguro ay tama lang dahil kasipagan ang sagot sa bawat paghihirap.
Lumabas ako para magsampay habang pinapagpag ko yung mga damit bago ilagay sa hanger ay napansin ko na may kausap ang nagpapaupa. Bagong boarder mukhang estyudante rin.
Tumalikod na lamang ako wala naman na akong dahilan para pakatitigan at usisain pa nang mabuti ang tao na yun. Mukhang pamilyar lang ito baka nakasalubong o nakita ko sa isang lugar.
Upang may pagkaabalahan ay nagbabasa at nagdradrawing na lang ako. Doon ako sumasaya sa bawat nababasa ko ang mga istorya na yun ay tumatatak at kasabay non ay natuto ako.
Habang gumuguhit ako mayroon sumagi sa isip ko. Ang unang araw nang pasukan sa school hindi ko alam, nakita ko kasi sa study table yung nahulog nung lalaki. Bracelet pala ito may pendant na pusa.
Sino kaya yun. Anong department niya para maibalik ko na ito sa kanya.
Wala si Bryle ngayon hindi ko alam kung saan lupalop siya pumunta. Ang natatandaan ko lang ay makikipagkita siya sa mga highschool friends niya.
Lunes na naman araw ng pag-aaral. Kabado ako dahil nauna ako maglista ng pangalan ko sa attendance, yun naman talaga ang dapat na gawin kasi "attendance is a must" nga raw. Handa naman na ang aking erereport halos matagal na rin kasi nung magsalita ako sa harap kaya ang kaba ko ay naguumapaw.
Nasa harapan na ako mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na rin maramdaman ang mga tenga ko marahil dala na ito ng sobrang takot at hiya.
YOU ARE READING
Buko : Buhay Kolehiyo
RandomIt's about my college life. Maraming salamat sa babasa sana ay may mapulot kayong aral.