Hayss... May pasok nanaman, gumising ako ng maaga dahil may pasok at maaga pasok ko. Wala naman cgurong gagawin pag pasok ko since may event.
Mga 4:00am sakto ako bumangon kahit ang pasok ay mamayang 7:30am pa dahil mabagal ako kumilos kaya maaga ako gumigising. Nang matapos ako mag ayos ay umalis na ako sa bahay at nag simulang mag lakad dahil 'di naman ako sumasakay kasi malapit lng naman school ko sa bahay namin.
Nang makarating ako sa school ay nag sulat muna ako ng temperature dahil school policy iyon, tapos na ako mag sulat ng temperature ay umakyat na ako sa 3rd floor dahil doom room namin. Umakyat na ako at nag aayos ng sarili bago buksan ang pinto kasi sa unang pinto ay mga grade 11, takot akong makita ng mga tao na hindi maayos ang itsura. Tapos na ako mag ayos at binuksan na ang pinto at tumingin sila sa akin.... Kinakabahan ako dahil hindi ako sanay sa ganito nakasanayan na kasi namin na walang tao sa kabilang room dahil mamayang hapon pa ang mga grade 12 dadating. Sinimulan ko na mag lakad pag katapos ko buksan ang pinto at dumaan sa kurtina na nakalagay sa pagitan ng dalawang room at dumeretsyo sa upuan ko.
Fast forward......
Tinawag na kami ng mga teachers para bumaba dahil may parada na gaganapin hindi naman malayo sakto lng. Tapos na kami mag parada at bumalik na ulit sa paaralan bumalik na kami sa kanya-kanyang room, nag pahinga na ako sa room at umupo para mag cellphone. Hindi ako maboboring kasi naka connect naman ako sa wifi ng faculty HAHAHAHAHA!
Habang nag ccellphone ako ay lumapit sa akin ang kaibigan ko sa kabilang room na si Cyrus. Nakilala ko siya kasi kilala niya iyong nasa likod ng id ko, si crush iyon pina laminate ko kasi, kilala pala niya at close niya si crush tas doon na nag simula pagiging kaibigan namin.
Lumapit siya at nakipag usap sa akin, habang nag uusap kami ay naka barong ito dahil need ito sa parada namin kaganina, ang pogi niya tignan at ang cute niya mag smile at hindi ko maitatanggi iyon. Habang naka smile siya ay pinicturan ko ito at pati narin ang mga classmates ko pinicturan siya dahil ang cute daw niya, pag katapos non ay umupo ako sa teacher's desk kasi wala namang teacher at doon muna tumambay. Naka upo ako doon habang nag ccellphone lumapit sa akin cyrus at nag usap kami saglit, naisipan namin mag picture sa phone ko.
Cyrus: Nicole picture tayo? Remembrance HAHAHAHAHA!
Nicole: ah cge... Kaninong cellphone gagamitin?
Cyrus: saiyo nlng?
Nicole: cge kuya...
Kinuha ko ang cellphone ko at sinimulan pindutin ang button sa camera, naka 3 picture kami pinakita ko sakanya ang picture.
Cyrus: mukha tayong mag tatay HAHAHAHAHA...
Nicole: huh? Hindi naman eh HAHAHAHAHA...
Nahiya ako sa sinabi niya like hello sino hindi mahihiya pag sinabihan ka na mukhang mag tatay kayong dalawa?
Tapos na kami mag usap at bumalik sa kanya kanyang mga kaibigan, naiwan ako dito sa teacher's desk kasi hindi naman ako pala kausap kahit close ko mga tao dito sa room.May nakakuha nga attention ko dahil kaganina pa siya naka tapat sa aircon ng room. May kanya-kanyang aircon kami by room pero bakit siya nandoon sa aircon namin? Naiinitan na kaya kami hindi ko alam pangalan niya at nahihiya ako paalisin siya doon sa tapat ng aircon dahil mukhang masungit.
Habang naka upo ako sa teacher's desk ay pinag mamasdan ko siya hanggang sa umalis siya doon at nakipag usap sa classmate ko. Naka upo ako parin ako at tinititigan ang mga galaw nila, hanggang sa may nag aya ng "Truth or Dare". Niyaya ako ng mga classmate ko.
Jane: nicole lika sama ka mag laro?
Lyn: oo nga nicole.. kaganina kapa tahimik dyaan eh?
Nicole: ah cge... Tatanggi paba ako?
Sinimulan nanamin ang laro kasama ang mga grade 11 sa room, sila jake, ako, lyn, jane, rain, hindi ko alam anong pangalan nong laging naka tapat sa aircon namin kaganina. Habang nag sisimula ang laro ay nag tanungan na sila.
Jake: Oh simulan na natin? Sino mauuna...
Lyn: ikaw na, ikaw nag simula ng laro eh?
Jake: cge na nga..
Lyn: ako mag tatanong saiyo, Uhmmm...
Jake: kinakabahan ako sa uhmm mo ah? HAHAHAHHAAH...
Lyn: sino crush mo?
Jake: uhmm... Ah... Pwede iba nlng?
Lyn: madaya bawal!
Jake: cge na nga! Si ano... Uhmm.. si ma- mae?
Jrle: kaya pala lagi mo siyang
kinekwento sa akin ah... Akala ko kaibigan lng?Jake: shempre nag ddeveloped?
Jrle: iba ka talaga HAHAHAHHA!
Tapos na mag tanungan ang lahat at natitira nlng ako at si kuyang kaganina pa naka tapat sa aircon.
Jake: oy Johrelle ikaw na!
Ah so Johrelle pala ang pangalan nito ah, tss.. sinasakop niya aircon namin ah!
Jace: ah cge, si nicole tatanungin ko..
Jake: oy.. ikaw ah..
Jace: ang issue mo talaga!
Jake: Joke lng eh! cge na tanungin muna.
Jace: nicole truth or dare?
Nicole: ah truth?
Kinakabahan ako sa pinili ko dahil baka ano naman itanong nito at kong mag dare ako nakakahiya naman sa ipapagawa niya noh!?
Jace: ah.. saan ka nakatira?
Bakit niya ba tinatanong? Crush ba ako nito? Sa daming itatanong saan pa nakatira jusko!
Nicole:ah sa pnai?
Jace:weh?
Jake: Oo malapit lng iyan sainyo!
Jane: Ay Oo!
Jace: ganun ba? Ah thank you sa pag sagot kahit mga classmate mo sumagot.
Nicole: Ah cge lng hehe..
Nakakahiya! Ayoko kasi sumagot alam naman kasing introvert akong tao noh!. Tapos na kami mag laro at bumalik ulit sa kanya kanyang mga ginagawa.
Habang naka upo ako sa teacher's desk ay nakita ko si cyrus papalapit sa akin at ang eskpresyon niya ay parang may nalaman? Lumapit ito at umupo sa tabi ko.
Nicole: oh anong nangyari saiyo?
Kasama ko sa teacher's desk ang classmate kong si lyn dahil parehas kaming introvert at nahihiya makipag usap. Umupo na siya at tumungo sa lamesa.
Nicole: oy! Malungkot ka ata?
Cyrus: Kasi ano...
Nicole: ano?
Cyrus: iyong crush ko kasi may jowa na...
Kaya pala malungkot may jowa na crush niya at classmate pa nila, umiiyak ng paunti unti si Cyrus sa lamesa habang naka tungo sa lamesa ko. Pinatugtog nita ang yellow by Coldplay habang nag eemote.