LIXANA JAEYA POV:
Masakit kapag nawalan ka na ng mommy, nawalan ka pa ng daddy. Hindi ko na alam ang gagawin sa nangyari sa'kin.
Five years ago nang mawala ang mommy ko. Fifteen ako ng mag-asawa ulit ang aking daddy. Mabait ang napangasawa ng daddy ko, noong una ay hindi ko matanggap na magkakaroon ulit ng asawa ang daddy ko, hindi naman nagtagal ay natanggap ko ito.
Sa kasamaang palad, seventeen na ako noong iwan naman kami ni daddy. Car accident ang ikinamatay niya. Dahil doon ay naiwan kami ni mami Jackelyn. Nakayanan namin kahit kaming dalawa lang. Hindi kami magkadugo pero tinuring niya ako bilang isang tunay na anak. Pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal ng isang magulang.
After two years...
"Xana" Napahinto ako sa aking ginagawa ng tawagin niya ako "Mami. May kailangan ka po?" Tinabi ko muna ang ginagawa ko tsaka ako lumapit sa kaniya.
"May sasabihin ako saiyo." Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako tinignan sa mata. "Ano iyon 'mi? Nakakakaba ka naman eh"
Ngumiti lang siya sa'kin. "It's been a years nang mawala ang daddy mo."
Napakunot naman ako sa kaniya, sa kalooban ko ay para akong kinakabahan na ewan! "Yes 'mi, what about that?"
"I think this is the right time... Nakapag-move on na ako. I'm not saying na tuluyan ko ng nakalimutan ang daddy mo, pero there's a man na nakakuha ng atensyon ko.."
"I understand 'mi. You say there's a man that caught your attention? hmmm, iiwan mo ba ako 'mi kapag nagsama na kayo?" Hindi ko alam kung saan ako pupunta! Hindi ko kilala mga relatives ko.
Umiling naman agad si mami. "No, baby. Para na kitang tunay na anak, and I can't leave you alone." Napasimangot naman siya. "And don't be oa 'nak! Nangliligaw pa nga lang siya sa'kin eh!" Napatakip naman siya sa bibig niya tsaka nanglaki ang mata.
Shoot! "Aha! Nangliligaw pala ah, ikaw ah" I teased her.
"Stop it, xana. Hindi ko rin naman mapigilan, ang pogi kasi" Kinikilig niyang sabi. "Iw mami, ang pangit mo'ng kiligin." Biro ko.
"Tse! Bakit ikaw, wala ka sigurong manliligaw 'no?"
"Ah 'mi, tatapusin ko lang yung ginagawa ko. Bye!" Nagmadali akong tumakbo pataas sa kwarto ko, naririnig ko naman siyang tumatawa.
———
YOU ARE READING
We can't
Romance"Hindi tayo pwede, xaviour!" Sigaw ko sa kanya habang lumuluha "I don't care, jaeya."