XARHELLE AVYNNA POV:
"Bes!" Bungad sa akin ng best friend ko. Daniela sa umaga, Daniel sa gabi.
"Meron na namang bulaklak do'n sa table mo" Naiinis na talaga ako! Hindi na ako kinikilig sa nagpapadala ng bulaklak sa'kin. Duwag yata eh, hindi magpakilala.
"Tapon mo na lang. Aanuhin ko 'yan? Hindi naman makakain" Pataray ko'ng sabi. Umupo na ako sa pwesto ko tsaka naglabas ng lecture.
"Ilang buwan na may nagiiwan ng bulaklak sa desk mo, bes. Hindi pa rin ba nagpapakilala?" Tanong nito tsaka nangalumbaba at naghintay ng sagot sa'kin.
"Hindi. Wala naman nagpapakilala sa'kin, puro ganyan lang. Tsaka wala akong panahon sa ganyan, kailangan ko'ng magtapos ng pag-aaral" Pinagpatuloy ko lang ang aking binabasa para sa quiz mamaya.
"Ang boring mo talaga, bes! Walang kakilig-kilig 'yang buhay mo. Buti pa ako, napansin ng crush ko" Hindi ko na lang siya pinansin.
....
"Hi, lixana"
Napatingin ako sa lalaking tumawag sa'kin. Pauwi na ako at naglalakad lang. Hindi na ako nagpasundo sa driver namin dahil malapit lang naman.
Hindi ko pinansin ang tumawag sa akin, at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Sungit mo naman. May sasabihin sana ako." Patuloy lang ako sa paglalakad at binilisan ko pa ito.
Napahinto naman ako ng may humawak sa braso ko. "Aray ko! Ano ba, bitawan mo nga ako!" Ang higpit ng hawak niya, at feel ko magkakapasa ako.
"Aba ang arte mo naman! Natatanggap mo ba yung mga bulaklak na pinapadala ko? Nagustuhan mo ba?" Gamit ang isang kamay ko ay sinapak ko ito.
"Ikaw pala 'yon ha? Tigilan mo na ako sa pagpapadala ng bulaklak at hindi ko nagugustuhan!" Aalis na sana ako ng hatakin ako nito papunta sa madilim na eskinita.
"Ano ba–" Tinakpan nito ang bibig ko, argh! ang baho! "Bakit hindi mo nagustuhan? Hindi mo ba na-appreciate ha?" Para itong adik! O sabihin na nating adik talaga.
"Tu-tulong!" Pilit akong kumakawala sa kanya. Palapit ito ng palapit sa muka ko.
"Manahimik ka nga!"
Sisipain ko sana ito kaso nakaiwas siya. "You can't, babe" Gamit ang isang kamay niya, hinawakan nito ang isa ko'ng hita.
Pilit akong sumisigaw ng tulong at kumawala sa kaniya.
"Bitawan mo siya."
Sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita. Matangkad siya kumpara sa lalaking adik na 'to. Matipuno rin ang katawan. Naaaninag ko din ang kagwapuhan niya dahil sa ilaw na nagmumula sa Street lights.
"At sino ka naman?!" Galit ang tingin nitong lalaking adik. Ha! Siya yung na-drop out last week. Kaya pala familiar to'ng adik na 'to.
"Bitawan mo siya, I repeat." Cold lang ang tingin nu'ng lalaki. Matalas ang tingin nila sa isa't-isa. Ginamit ko naman ang pagkakataon na 'yon upang kagatin ang kamay niya at makalayo. Nagtago ako sa likod no'ng lalaking tagapagligtas ko.
"Bullshit! Halika dito!" Lalapit sana siya sa'kin ngunit nasuntok na ito ng lalaki. Hindi pa ito nakuntento at sinapak ulit. Inawat ko naman ito ng makita ko'ng wala na siyang malay. Baka mapatay niya pa!
"T-thankyou" Tinignan niya lang ako, cold pa rin. Umalis na siya at sasakay na sa kotse nito.
Ang sungit naman! "Teka..." Huminto siya at tumingin sa akin.
"What?"
Ngumiti ako dito "Ano nga pala name mo? Ahmm, I want to thank you for saving me from him."
"You don't need to thank me." Sabi nito tsaka sumakay sa kotse niya at pinaharurot ito.
Hindi manlang sinabi name niya. Tumingin muna ako sa paligid at walang katao-tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi sa bahay.
———
YOU ARE READING
We can't
Romance"Hindi tayo pwede, xaviour!" Sigaw ko sa kanya habang lumuluha "I don't care, jaeya."