ikaapat na pasalubong.
"gusto ko lang naman ng high school love, e! ibigay mo na sa 'kin 'yon, lord, pleaseee" - eba, 2k19
•••
an epistolary.
ynamoreata, 2024
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“West, grabe, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin. Biruin mo nanalo tayo?! Sobrang unexpected — sa part ko unexpected talaga pero sa ‘yo expected ko na kasi ang galing mo since preliminary. Magaling ka sumagot, magaling ka lumakad, malakas hatak mo sa tao — basta lahat na. Grabe, congrats talaga. Sobrang deserve mo,” dire-diretso niyang sabi habang naglalakad kami.
Hindi na kami nag-abala magbihis kaya ito kami ngayon, naglalakad pauwi — suot-suot niya ‘yong long gown niya habang ako ay ‘yong suit na suot ko kanina.
I am holding both of our trophies and her heels. Mabuti nagbaon ako ng tsinelas kasi alam kong masakit na ‘yong paa niya kasi buong araw siya nakasuot ng heels. Nagdala rin ako ng band-aid kasi alam kong magsusugat ‘yong paa niya. At hindi nga ako nagkamali.
She was titled as Miss Morriah and she also got four minor awards. ‘Yong ngiti niya kanina, sobrang lawak. Mas masaya pa nga ako no’ng natatawag ang pangalan niya kaysa sa pangalan ko. Deserve niya talaga kasi ‘yong awards. Walang duda roon. Pinagpaguran niya talaga ‘to. Nag-effort siya simula una kaya sobrang nakaka-proud.
“Congrats, Eba. You did well. Sobrang galing mo kanina.” I sincerely said.
She smiled at me and ruffled my hair out of nowhere. Nakakapanibago lang kasi ayokong ginagalaw ang buhok ko pero kapag siya, okay lang.
“After nitong pageant, magpapansinan pa rin tayo sa room, ah! Promise mo ‘yan. Pinky promise,” she said, extending her pinky finger.
I intertwined my pinky finger with hers. “Magpapansinan pa rin tayo kasi gusto kong manligaw.”
“Ulol,”
“I’m serious, Eba. Gusto kita.”
Her lips slowly formed into a smile. Hindi siya nag-abalang sumagot sa akin at nauna na lang maglakad.
“Eba.” I called her. Tumigil siya sa paglalakad, tila hinihintay ‘yong susunod kong sasabihin. “Can I court you? I really like you, Eba. I want to pursue you.”
Humarap siya sa akin nang nakangiti. “Okay,” she said, softly.