Chapter I

97 0 0
                                    

Letter

Light rustling of leaves.
Gentle whisper of the winds.
Warm embrace of the sunlight.
Good riddance, Bright.

Makitid ang daan. Masakit sa paa ang mga naglalakihan at magagaspang na bato. Kasabay nito ang malakas na hangin at ulan na sumasampal sa aking katawan.

Fruitful golden and dustiest.
Dancing in melodies.
Oh, darling, please stay.
Mama's embrace is always golden ray.

Naramdaman kong humahapdi ang aking talampakan. Kahit pilitin ko mang huminto at magpahinga ay hindi ko maggawa. Tila hindi ko kontrolado ang aking katawan. Nakaramdam ako ng mainit na haplos sa aking pisngi at kasabay nito ang pagdaloy ng aking luha.

"Don't look back. Mama's okay. Seek the light that I gave you. Run free, my sunshine."

Mabilis akong napabangon. Namamawis din ako habang umiiyak. Dreams have kept hunting me these past few days, and they scare me. Palagi na lang ganito. Kung hindi naman maganda ang aking panaginip ay ang pinaginipan ko naman ay ang pagkamatay ko. I dreamed that I was killed by an arrow, and I fell on a cliff.

Tumayo ako at lumabas sa kwarto para uminom ng tubig. Pagkatingin ko sa orasan ay alas tres na pala ng madaling araw. Pagkatapos makainom ng tubig ay matutulog na sana ako ulit pero mukhang hindi na ako dinalaw ng antok.

Lumabas ako at pumunta sa balkonahe ng bahay. Buti nalang at nakasuot ako ng isang makapal na kardigan kong kaya nababawasan nito ang malamig na haplos sa akin ng hangin ng madaling araw.

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinaramdam ang paligid. Mapayapa ang paligid at ang tanging narinig ko lang ay ang mga ingay ng kuliglig.

"Can't get back to sleep too?" Napatingin ako sa aking likuran nang may nagsalita.

I lazily smiled. "Napanaginipan mo na naman ba si Lola?"

Tumabi sa akin si Lolo at tumingin sa malawak na kapatagan. This is his life. Ang tahanan nila ni Lola.

"I missed your grandmother. Siya palagi ang nandiyan sa atin." Mabigat itong napabuntong hininga at pumikit. "Your Lola is the bravest woman I know, and she's not a coward to face death."

I adjusted my cardigan when I felt the coldness seep through it. Tatlong araw bago ako mabigyan ng bagong tsansa na mabuhay ay binawian naman ng buhay ang aking Lola. Namatay ito dulot ng sakit at sa kaniyang pagkakatanda. Hindi ko man lang maramdaman ang kaniyang mainit na yakap nang magising ako.

It feels like her death is partly my fault. She used her remaining time taking care of me. Kung hindi lang sana ako naaksidente at hindi niya ako inaalagan ay nandito pa rin sana siya.

"Bumalik na tayo sa loob, apo.." Nauna ng pumasok si Lolo sa loob ng bahay.

At sa panghuling sandali ay napatingin ako sa madilim na tanawin. Naramdaman kong mas lalong tumindi ang lamig ng hangin. Mukhang may malakas na ulan na parating. A strike of lightning shook me when it flashed before my eyes. I felt horror. Horror to see again a scene where I fell from a cliff. Dark sky. Veins of light. Booming thunder shackled my soul.

Before I could even react, my limbs got numb. Tears escape from my eyes. This horror will never leave me. I will forever be chained to this rage of nightmares.

Golden Dust of Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon