part 1❤️

215 19 1
                                    

"May isang batang lalaki ang nakakita sa batang babae na umiiyak sa ilalim ng puno at nilapitan nya ito"

boy- h-hi ito panyo oh

Roni- s-salamat ah

Boy- welcome, bakit ka ba naiyak?

Roni- ahm kasi nadapa ako e

"Hawak hawak nito ang tuhod na dumudugo"

Boy- naku dumudugo ang tuhod mo akina na yung towel itapal natin

Roni- arayyy ang sakittt e

Boy- hindi yan ako bahala, sa susunod mag iingat ka ha

Roni- salamat ha ang bait bait mo naman

"Nang bigla namang may tumawag sa batang lalaki, mukhang mommy ito ng bata"

Mommy- iho let's goo uuwi na tayo

Boy- paano ba yan tinatawag na ko ng mommy ko, mag iingat ka sa susunod ah

"Bago pa makapag salita si roni ay tumakbo na ang bata"

Roni- teka teka anong panga-lan mo

"Hindi na iyon narinig ng bata dahil nakaalis na ito"

"Napabalikwas ng bangon si Roni sa kanyang kama panaginip lang pala ang lahat"

Roni- OMG panaginip lang yun???

Mommy- roni anakk baba na kakain naa

Roni- yes mommy bababa na po ako

"Nag hilamos at nag toothbrush na muna si roni bago bumaba"

mommy- good morning roni anak

Yuan- good morning sa dragonita kong sister

Roni- goodmorning mom, kuya where's daddy?

Mommy- maagang umalis anak maraming costumer ngayon sabado e

Roni- ah ganon po ba

Mommy- upo na

"Hindi makapag focus si roni sa kinakain dahil iniisip nya ang batang lalaki sa panaginip nya akala nya kasi ay totoo ang lahat"

"Habang kumakain ay napapansin ng mommy nya na napapatulala sya"

Mommy- anak may problema ba?

Yuan- oo nga naman sister bat parang wala ka sa wisyo

Roni- e kasi mommy nanaginip ako

Mommy- ha tungkol saan naman anak at parang problemado ka

Yuan- oo nga parang pasan mo ang problema ng buong Mundo sister e

Roni- kuya naman e

Mommy- yuan ayan ka nanaman

Yuan- sorry na e ano nga ba talaga ang napanaginipan mo roni?

Roni- nanaginip ako na may nakilala akong batang lalaki nakita nya ako umiiyak at nilapitan nya ako inabutan nya ako ng panyo at nakita nya rin na may sugat yung tuhod ko tas ayun tatanong ko sana yung pangalan kaso bigla syang tinawag ng mommy nya, kuyaa mommyyy parang totoo yung panaginip kooo

Mommy- anak panaginip lang yun malayo sa katotohanan

Yuan- sister pati ba naman sa panaginip mo iyakin ka (pang aasar nya kay roni)

Roni- kuyaaaa nakakainis kaaa (inirapan nya ang kuya nya)

Yuan- alam mo kasi sister wag mong pakaisipin yung panaginip mo okay kaya nga panaginip e

Roni- oo naa

Yuan- ahm mommyyy pwede po ba kong pumunta sa clubhouse andun kasi sila junjun e 

Mommy- okay basta wag papagabi

Yuan- ikaw roni sama ka ba andun rin si jelai e?

Roni- osige

"Nasa clubhouse na ang lahat ang barkada ni roni na sila tonsy, junjun , jelai, missy at pati na rin ang kuya yuan nya ay nagtatawanan samantalang sya ay nakatulala nanaman hindi mawala sa isip nya ang batang nakilala nya sa panaginip"

Jelai- sissss huyy tulala ka na dyan (pagtapik ni jelai kay roni sa balikat)

Yuan- nako jelai kanina pa yan ganyan

Tonsy- huh bakit roni may problema ba?

Roni- wala okay lang ako

Yuan- kwento mo rin kaya sa kanila sis

Jelai- ang alin ba yun?

Missy- oo nga naman roni sige na kwento mo na

Roni- e kasii

Junjun- tagal pabitin

Roni- manahimik ka nga muna junjun

Junjun- okay okay sorry hahhaa

Roni- e kasi nanaginip ako kagabi may nakilala akong isang lalaki nakita nya ko na umiiyak sa ilalim ng puno at inabutan nya ko ng panyo tapos tinanong nya ko kung bakit ako umiiyak ang sabi ko nadapa ako tapos kinuha nya sakin yung panyo itinapal nya yun sa sugat ko pagkatapos non umalis na sya kasi tinawag na sya ng mommy nya hindi ko natanong ang pangalan nya, tas bigla akong nagising akala ko nga totoo panaginip lang pala

Jelai- panaginip lang naman pala sis e

Roni- jelai ewan ko pero gusto ko syang makita ulit  at makilala pero hindi na sa panaginip

Yuan- huh? Baliw ka ba sister panaginip lang yon hindi mo nga kilala e

Tonsy- oo nga naman roni malabong mangyare ang gusto mo

Missy- malabong mangyare sa totoong buhay ang panaginip sis

Roni- di ko alam pero hindi sya mawala sa isip koo

Junjun- e naaalala mo pa ba ang mukha nya?

Roni- oo he's c-cute

Yuan- cute, anong cute ka dyan ako lang ang cute noh

Jelai- loko ka yuan hahaha

Roni- kuyaaa bastaaa hindi sya mawala sa isip ko yung maganda nyang pilik mata, yung mata nyang naniningkit pag ngumingiti at yung dimples nya yung matangos nyang ilong

Junjun- e sa panaginip mo lang naman yun roni e

Roni- arghhhhh basta gusto ko syang makitaaa

Yuan- imposibleng mangyare yon sister

Jelai- kaya nga sis kasi ano e panaginip mo lang naman yun lahat ng tao nananaginip ng ganun

Tonsy- kaya nga

Roni- e iba kasi yung panaginip ko parang totoo gusto ko ulit sya makita (malungkot nyang sabi)

Yuan- sis malay mo managinip ka ulit at makita mo ulit sya (pang aasar nito sa kapatid)

Roni- ewan ko sayo bahala kayo diyan  ( mataray nyang sabi at naglakad na palayo)

Jelai- sira ka talaga yuan inasar mo nanaman si roni

"Dumiretso si roni sa bahay nila at umakyat sa kwarto nya ng inis na inis"

Roni- arghhhhhh nakakainis talaga si kuyaaa
at tsaka tama sila bakit ba ko umaasang makikita ko ulit yung lalaki e sa panaginip ko lang naman sya nakitaaa nakakainisss talagaa bakit ba hindi sya mawala sa isip kooo!! (Inis nyang sabi)

THE BOY IN MY DREAM💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon