part 2💙

102 17 1
                                    

"kinabukasan araw ng linggo ay mag sisimba ang pamilya nila roni kaya maaga silang ginising ng mommy nila"

Mommy- ronii, yuan gising naaa mag sisimba tayo

Roni- sigee pooo

Yuan- yess mom sunod ako

(Agad naligo at nag bihis si roni at yuan at bumaba na rin agad para kumain)

Roni- good morning mom, dad  (walang emosyon nyang pag bati )

Yuan- goodmorning mommy dadyy

Daddy- good morning mga anak, teka roni bakit parang may problema ka?

Mommy- good morning mga babies koo, roni anak oo nga mukhang matamlay ka?

Roni- mommy, daddy masama po bang umasa?

Daddy- umasa saan anak?

Yuan- yan nanaman sya, roni imposible nga yung gusto mong mangyare isang panaginip lang yun at dapat mo ng kalimutan

Daddy- huh? Anong panaginip?

Roni- ahm daddy kasi gusto kong makita at makilala yung batang lalaking nasa panaginip ko hindi naman po masamang umasa dba

Daddy- anak malabo ngang mangyare yung gusto mo kasi ang panaginip ay hindi totoo

Roni- pero daddy hindi sya mawala sa isip ko

Mommy- kalimutan mo na sya anak panaginip lang yun okay

Roni- opo (malungkot nyang sabi)

"Mga ilang minuto lang ay natapos na rin sila sa pag kain at umalis na rin sila para mag simba"

-pag karating nila sa simbahan ay mag sisimula palang ang misa

- taimtim na nagdasal si roni

Roni- lord hindi ko po alam ang dahilan kung bakit hindi mawala sa isip ko yung batang lalaki sa panaginip ko pero lord sana kung may pagkakataon ay makita ko sya ulit at makilala pero sana hindi na po sa panaginip

- kahit sa sarili ni roni ay hindi nya rin maintindihan kung bakit ba hindi mawala wala sa isip nya ang batang lalaki gayung panaginip lamang ang lahat umaasa sya na makikita nya ito ulit pero paano? ni hindi nya alam ang pangalan nito at kung saan nga ba ito matatagpuan, tama rin naman ang mga magulang at barkada nya napakalabong mangyare ng gusto nya dahil sa panaginip nya lamang ito nakita at nakilala, pero umaasa sya na makikita nya ang lalaki sa totoong buhay....

"Maya maya lang ay tapos na ang misa at habang nag titirik ang mommy at daddy nya ay lumabas muna si roni para bumili ng tubig dahil nauuhaw na sya"

-pag kabili ng tubig ay agad syang uminom, mga ilang minuto lang ay lumingon lingon sya sa paligid at nakita nya ang sasakyang itim at may batang nakatayo doon tinitigan nya iyon ng maigi at nanlaki ang mga mata nya iyon ang batang nasa panaginip nyaaa, ngunit pinapasok na ito sa loob ng kotse at umandar na ito hinabol pa ni roni ang sasakyan ngunit hindi nya ito inabutan...

"Hihingal hingal sya ng makabalik sa simbahan"

Mommy- oh anak bakit ang tagal mo at hinihingal ka ano bang ginawa mo?

Roni- mommy, mommy yungg batang lalaki sa panaginip kooo nakitaa ko naa mommy, kuya ,daddy totoo syaaaa (masaya nyang sabi habang hinihingal pa rin)

Yuan- huh? Nasaan???

Roni- e wala na agad umalis yung sasakyan nila e hinabol ko pa nga pero hindi ko inabutan (malungkot nyang sabi)

mommy- huh? Anak naman bka hindi sya yun at namamalik mata ka lang hay naku ka talagang bata ka hihingal hingal ka tuloy oh

Daddy- oo nga naman anak

Yuan- sister pwede ba kalimutan mo na yun haynako

Roni- pero mommy, daddy, kuyaaa sya  talagaaa yunnn hindi akoo maaring mag kamali kitang kita ng dalawang mata kooo bakit ba ayaw nyong maniwala (may pag kairita ang boses nya)

Mommy - anak naman maaaring ibang bata ang nakita mo, haynaku halika na nga mag mall na lang tayo

Roni- sya yunn ayaw nyo lang maniwala sakin makikita ko ulit sya naniniwala akoo (malungkot nyang sabi)

Daddy- okay anak tara na sa mall wag ka ng sumimangot dyan

"nag punta na nga sila ng mall kumain lang sila at namili ng ibang gamit sa school nila roni at yuan dahil kinabukasan ay lunes na at pasukan nanaman nila, mga ilang oras lang din ay nakauwi na rin sila roni nakakain nanaman sila kaya agad silang nagpahinga at dumiretso sa kwarto nila"

-habang si roni naman ay iniisip pa rin ang batang nakita kanina

Roni's mind-  sabi ko na nga ba e makikita ulit kita pero hindi na sa panaginip nakakalungkot lang dahil panandalian lang pala pero thankyou na rin at pinaringgan ni lord ang dasal ko, pero bakit ganun hindi sila naniniwala sakin sana makita ulit kita  at maka usap alam ko ang weird pero bakit kasi sa panaginip pa kita nakilala eto ako ngayon parang mababaliw kakaisip sayo hayss....

- walang ibang inisip buong gabi si roni kundi ang batang lalaki umaasa ulit ito na makikita at makakausap ulit ito iniisip nya ang maamong mukha, malambing na boses, matangos na ilong, ang mga dimples nito at ang magandang pilik mata, ang mga matang naniningkit kapag tumatawa gustong gusto na ulit itong makita ni roni, hanggang sa inantok at makatulog na lang si roni sa kanyang kama dahil sa pag iisip....

THE BOY IN MY DREAM💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon