Chapter Three

1.2K 20 14
                                    

I was just silent. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hindi ko siya nililingon. Para akong batang nagtatampo dahil hindi nabilhan ng gusto kung titingnan. Salubong ang kilay ko na akala mo may hindi maintindihan.

Hindi rin naman siya umiimik. Malayo pa ang bahay ko. Well, bahay ni mommy na gusto ring kuhanin ng walanghiya kong ama.

I’m so done with this life. Lahat na lang yata ng pangit na pwedeng mangyari sa ‘kin ay nangyayari na. Saan na lang ako pupulutin pagkatapos? Gusto ring ipaglaban ni daddy ang ipinamana sa akin ni mommy.

Last time, my attorney informed me that my evil dad contacted the City Mayor, which is also an attorney, about it. He’s also Therene’s father. Gladly, he took it down even though they’re friends. Mas marami pa raw siyang kailangang pagkaabalahan kaysa sa kasakiman ng tatay ko.

Coming from a man who’s also evil.

Magnanakaw.

“Wala ka na bang ibang gagawin ngayon?” tanong niya bigla sa akin.

I glanced at him and shook my head. Inayos ko na rin ang upo ko at tumingin na lang sa harap. Para akong batang nagmumukmok sa ayos ko kanina.

Ever since I was a child, my father trained me to be prim and proper. Mommy agreed about it too, because she believed that girls should always act perfect. Na wari mo’y hindi makabasag pinggan. Laging perpekto ang galaw. Mahinhin at dahan-dahan.

“You’re living alone?” he asked.

“Why do you keep asking questions you already know the answers? Alam kong alam mong mag-isa na lang ako sa bahay,” iritado kong sabi.

He raised an eyebrow at me.

Take my attitude. You deserve that.

“Gusto mo bang sa bahay ka na lang?” tanong niya pa, hindi na pinansin ang pagsusungit ko.

“No.”

“Then, do you want me to move into your house?”

“No. Kaya ko mag-isa.”

Napangisi siya. Hindi man lang kakikitaan ng pagkainis kahit na sinusungitan ko siya. Nasaan na ba ‘yong Zairus na walang pakealam sa paligid niya? Tila nawawala yata siya sa character niya.

“Why are you taking me down easily, Rai?”

Umismid ako. “Nagsisimula ka pa lang, mukhang nagrereklamo ka na. We have six months, remember? Paghirapan mo ako.”

“Ah, so it’s like courting you?”

I just nodded.

“Damn, I don’t even know how to court a woman.” He chuckled. “But it’s you, I’m gonna try my best.”

Ang dami niyang sinasabi. Hindi na ako sumagot hanggang sa ihinto niya ang kotse dahil pumula ang stop light nang kami na sana ang dadaan. Mainit kaya wala gaanong taong makikita.

Nang magberde ang ilaw, bigla niyang pinaandar nang mabilis ang sasakyan kaya nabuhay ang takot sa dibdib ko.

“Zairus, slow down!” sigaw ko.

He threw a short glance at me. “What? Wala naman gaanong sasakyan.”

“Kahit na! Drive carefully!”

“Nag-iingat naman ako sa pagmamaneho, lalo na at sakay kita . . .” aniya.

My face turned into a grimace. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan habang siya naman ay may ngiti sa labi na para bang iyon na ang pinakamagandang sinabi niya ngayong araw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Villaverde Brothers Series 3: Marrying the HeartlessWhere stories live. Discover now