Sa tahimik na mga koridors ng kumbento, madalas na mapapangiti si Zephyra Ophelia habang nagmumuni-muni, ang kanyang isipan ay pabalik-balik sa mga alaala ng pag-ibig na minsang kanyang nadama. Ang mga taon ay lumipas, at bagaman ang kanyang puso ay nananatiling tapat sa kanyang debosyon sa Diyos, may bahagi pa rin siya na nangungulila sa mga sandaling pakikipag-ugnayan niya kay Leander Emrys, ang unang lalaking nagpasigla sa kanyang puso na nakilala niya sa simbahan noong kaniyang kabataan.
Samantala, sa malawak na karagatan, si Leander Emrys ay naglalayag, ang kanyang mga pag-iisip ay madalas na bumabalik kay Zephyra Ophelia na minsang nakuha ang kanyang puso maraming taon na ang nakalilipas. Bagamat layo na ang distansiya at ang pagdaan ng panahon, ang kanyang pag-ibig para sa kanya ay nanatiling patuloy na nagniningning sa kanyang kaluluwa.
Isang araw, sa paraan ng tadhana, nagtagpo ang kanilang landas muli. Tinanggap ni Zephyra Ophelia ang isang liham, mabusising sinulat ni Leander Emrys, nagpapahayag ng kanyang walang hanggang pagmamahal at pagsisisi para sa mga pagkakataong hindi nila nasilayan noong sila ay kabataan pa lamang. Ngunit sa pagtanggap ni Zephyra Ophelia sa mensahe, batid niya na kahit anong damdamin ay hindi na maaaring maging sila. Sa kabila nito, natagpuan niya ang kanyang sarili sa pagitan ng mga panata na kanyang tinanggap at ang pag-ibig na patuloy na naglalaho sa kanyang puso.
Iniisip na lamang ng dalaga na parti lamang ng kaniyang nakaraan ang pagkakakilala niya sa binata.
Hi di sa lahat ng pagkakataon ay ma isasakatuparan ng kagustuhan ang itinakdang kaganapan.
Habang nasa kalagitnaan ng pananampalataya si Zephyra Ophelia napansin niyang may isang pegura ng lalaki ang tumabi sa kaniya sa upuan. Hindi niya ito pinansin noong una, dahil sa taim-tim siyang nagdarasal. Napukaw lamang ang kaniyang attention ng mag salita ito.
"Kay tagal na panahon na rin simula noong tayo'y nagkita" saad ng boses
"Kamusta ka na?"
"O---okay lang naman" tugon niya at hindi na pina haba pa ang usapan.
Nabigla rin siya sa mga kaganapan sa mga araw na ito, dahil ilan sa mga dating mukha na kaniyang nakikilala noon ay nag simula na ulit bumabalik.
Pagkatapos ng mesa at ng ma pansin niyang mag si alisan na ang halos lahat ng tao ay naisipan ni Zephyra na lumabas muna para lumanghap ng sariwang hangin.
Sa kaniyang pag ninilay-nilay may isang lalaki na lumapit sa kaniya.
"Pasensya kana kanina kung bigla-bigla akong nag salita at na estorbo kita sa iyong pagdadarasal" saad ng lalaki
Batid niya ito uli yong lalaki kanina sa loob ng simbahan. Hindi nga siya nag kamali sa inakala dahil pag harap niya ito nga.
Tumango siya bilang tugon
"Okay lang, kamusta?"
"Okay lang naman"
Kung maari sanang maka usap ka saglit may mahalaga lang sana akong ibibigay sa iyo? Saad ng lalakiKinabahan naman siya sa turan nito
"Oo, walang problema"
"Alam kung huli na ang lahat para dito, noon ko pa sana gutong ibigay ito sayo ngunit noong mga panahong yon hindi na kita makita dito sa simbahan. Nagtanong rin ako sa ibang mga sakristan at mga kawani dito sa simbahan ang pa tungkol sayo ngunit hindi rin nila alam kung saan ka matatagpuan."
May dinukot siyang papel mula sa kaniyang bag na dala-dala at inilahad sa dalaga.
"Sulat yan galing kay Leander."
"Pagka dinig niya pa lamang sa pangalan na isinatinig ng binata bumalik na naman sa nakaraan ang lahat"
Tinanggap niya ang envelop na papel na may lamang liham at mapait na ngumiti.
Pagka tanggap niya ng liham ay nagpa alam ang binata na aalis na ito dahil may pupuntahan pa.
It's been a long time ago, since she saw Leander.
Sa pagkakataong ito na buhay na naman ang mga katanungan na kilan hindi na bigyan ng kasagutan."Kamusta na kaya ito?"
" Magka parehong propesyon rin kaya ang tinahak nilang daan?
"Saang lugar rin kaya ito na distino?"Napapa iling na lamang siya sa sariling mga katanungan. Kung tutuusin na isip ng dalaga kung bakit niya pa aalalahin ang mga iyon? Bakit babalikan pa ang mga nakalipas na pangyayari na alam niya sa sarili niyang kung may pagkakataong papabusan ng panahon na mag tagpong muli ang kanilang landas ay hindi na maari pang ipilit ang kanilang nais.
Maling- mali na ipilit, malaking kasalanan at kasiraan sa imahi ng organisasyon na aking kinabibilangan."If i could have a chance to turn back the time, i wouldn't choose this." She whispered on the air.
Bit-bit ang mga liham, nag tungo siya sa kaniyang silid at isa-isang inilapag ang mga sulat mula sa ibabaw ng lamesa.
Sa dami hindi niya alam kung alin doon ang uunahing basahin.
Bago pa man niya ito basahin ay taim-tin siyang nag darasal. Nawa'y sa gagawin niyang ito ay hindi maka aapekto sa kaniyang emosyon at makakapag-bago ng kaniyang desisyon.
March 28, 2007
Dear Zephyra Ophelia
BINABASA MO ANG
Echoes of Silent Hearts
FanfictionThis is the story of two individuals, initially brought together by their shared faith, who develop unspoken emotions. As they journey through fulfilling their respective professions in life, their love remains a silent voice, echoing through the ye...