Transferring school is not new to me.
Since elementary pa lang ako, palipat lipat na ako ng school. Kung di ako mag aaral sa Cebu then sa probinsya naman namin ako mag - aaral.
Nung first year college na ako, I was studying in Cebu. I was a working student, nag aalaga ako ng bata sa classmate ni mama. It was fun naman but tiring lalo na at IT pa yung course na kinuha ko, tas napakakulit pa yung mga bata na inaalagaan ko.
But nung second year na ako, my mom decided to let me transfer back dito sa province namin. That's because I keep complaining about my situations. I mean like alam kong ang hirap mag woworking student, I tried naman to fight it pero yung mga kasama ko sa bahay di din nakakatulong. I mean I get it na, I'm just a working student tas dapat I should give my two times energy, but I always feel drained. Kasi yung usapan nila mama and her classmate is that magbabantay lang dapat ako ng tindahan. May business kasi sila tas ako daw magbabantay, eh ang ending naging all around ako kaya madali lang ako ma drain, idagdag mo pa yung course ko na di mawala wala yung mga error.
Tehee.
But enough of that, so ayun na nga I transferred here tas ayos naman.
I meet some friends, at first I was shy. I won't talk to anyone unless they talk to me first.
But gradually, I meet three girl friends. Let's name them Marie, Emily and Cath. So ayun na nga. My studies become fun again.
So here comes that guy.
Nung first semester pa, I did not notice him. Like mas inuna ko pa siguro yung studies ko more than making friends.
Syempre parang cold sila sakin kasi baguhan pa lang ako, and ganun din ako sa kanila.
But back to him. Nung unang pasok ko pa lang sa 2nd semester, I notice him wearing a foot sock and I was like " ah gwapo" .
Nasa hulihan kasi ako nakaupo malapit sa may door kasi parang natatakot ako kapag nasa harapan ako nakaupo.
But then as I follow my gaze at him, nakita ko siyang lumapit at umupo dun sa girl na naka braids.
So I was like "Sayang."
May girlfriend na pala siya. So I ignored him, and focus on scrolling in my cellphone.
Nung pumasok na yung sir namin tsaka lang ako umayos ng upo at ibinaling yung mata ko dun sa guy.
Medyo nagulat ako kasi nasa harapan ko na siya nakaupo instead of the second row. Pero siyempre kasama niya pa din yung girl na naka braid.
So instead of listening to the lessons, I was busy admiring him.
Syempre palihim lang, baka eh sabihan pa ako na creepy.
" Gwapo niya talaga tas mysterious pa. " Inisip ko sa sarili ko.
Syempre makapal kilay niya tas ang cute niya pa pag nag smile. Makapal din yung buhok niya which is parted at the center. Tas maganda pa yung mata niya lalo na kapag naarawan kase nag kukulay brown. Kaso tahimik lang siya tas sa babae na nakabraid lang siya lage nag tatalk.
Sad.
Anyway, ayun na nga nung nalaman kong nakatulala lang ako ay tumingin ako dun sa harap kung saan si sir nakaupo. Tas sumilip ako dun sa guy at nakita ko siyang nakatingin din sa kin while opening up his water bottle.
Wahhhh kahiya. Did he notice me staring at him?
Kaya ako bilang ako. I smiled awkwardly at him.
Tas to my surprise, he actually smiled back. Like aaaaaahhhh..
I really can't explain what I'm feeling that day. Ganito ba mag ka crush. Charing. Oa lang.
Tas yun umiwas ako ng tingin sa kanya at nakinig na lang kay sir.
But I know my heart was racing.
Sa lahat lahat kasi bat ka pa ngumiti.
So after the class, gutom na gutom na kami.
12:30 ba end ng klase namin tas sinagad pa talaga yung time at pinalabas na kami ng 12:45.
Okay lang sana kung wala na kaming klase sa afternoon kaso meron tas sa 1pm pa.
Anyway pag labas namin, nakita ko yung guy na nasa unahan namin.
Tas nung naglakad na kami sa harapan nila tas nakalayo-layo na narinig ko yung usapan nila ng mga barkada niya which consist 5 girls. Kasama na din yung girlfriend niya.
"Bat ka ngumingiti dyan oh".
" Tumahimik kayo." Siya.
Alam kong siya yun kasi siya lang naman yung malalim yung boses.
Tas bigla silang naghiyawan.
Syempre ako bilang chismosa, lumingon ako sa kanila. Tas nakita kong nakatingin sila lahat sa kin tas yung guy eh nakangiti.
So I was like embarrassed. Syempre chismosa na nga assumera pa.
Baka kasi ako yung pinag usapan nila.
I mean yung intuition ko kasi eh parang ako talaga yung pinag usapan nila.
Sabi nga nila trust your intuition more.
Oh diba.
Anyway, nag overthink na ako syempre. Pero nawala lang din yun nung bumalik na din kami sa klase.
Yan na muna. Katamad.😶