So eto na nga, simula ng nangyari yun. I keep overthinking na.
Oa kasi si ateng eh.
Kaya kapag nasa iisang classroom kami, eh palihim akong nakatingin sa kanya tapos makikita ko din siyang nakatingin sakin. Tas sabay kaming umiwas ng tingin.
Oh diba, galawang hokage lang na alam na alam na delulu lang talaga ako.
Napapangitan na siguro yun sakin kaya palaging tingin ng tingin.
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na " Nubayan girl, off limits na yan" kaso di pa din nakikinig puso ko.
Monday nun nung sumabay ako kumain sa mga kaibigan ko. Nakadamit na sila na P.E uniform habang naka school uniform naman ako. Irregular student kasi ako kasi syempre nag transfer.
Tas bigla na open up yung topic about dun sa guy. Let's all call him Ajax.
Eh kasi yung dalawa kong kaibigan, eh nag uusap sila about sa mga jowa jowa.
Kaya tinanong ko yung gusto ko ng itanong.
" Eh yung si Ajax ba tsaka si Jelly? Magjowa sila no?"-
Tumawa ako pagkatapos para di halata na atat na atat ako sa sagot kahit alam kong masasaktan lang ako.
Yung Jelly pala is yung babaeng palagi niyang kasama, yung naka braid.
"Sus, akala nga din namin nung una eh magjowa din sila no"- Kate.
Ehhhh!!
So hindi?
I feel my heart races at the answer. Pero syempre natauhan din ako kasi sino ba naman ako.
Di na nga maganda, tas nag aasume pa. Gwapo nun girl, hoy.
"So di pala? Eh sobrang close nga nila eh" - usisa ko.
"Di ah. Magpinsan sila no, para nga yang bata si Ajax kasi pa baby kung magsalita"- Kate.
"Oo nga no, sabi niya pa nga dun kay Jelly "Ate Jell"- panggagaya ni Brian.
Tumawa naman kaming tatlo tas umupo na sa may upuan.
Nakarating na kasi kami sa gym kung saan kami kakain.
" Anong schedule mo pala mamaya, Che?" - tanong ni Marie.
" Ano eh, Living in The It Era"- sagot ko tas kinuha na yung baunan ko sa bag.
"Sayang yung P.E no, may vacant ka pa naman sa Lunes"- Emily.
"Kaya nga eh, ewan ko ba dun sa registrar at di pa ako ipinasok. Gusto ko na talaga matapos yung p.e. Katamad na kaya mag p.e pag fourth year na." reklamo ko.
Sumang ayon naman sila tas nag uusap ng mga maliliit na bagay lang habang nag fofocus naman ako sa pagkain ko.
Nasa kalagitnaan na kami ng dumating yung si Ajax, Jelly tsaka yung kaibigan din nila na si Dury which is gay.
Nag eye contact na naman kaming dalawa tas nag iwasan din.
"Oh kumain na kayo, Dury, lapit na time oh"- Marie.
"Kaya nga eh, makikiupo kami ha"- Dury.
Kumuha sila ng upuan tas sumali sa circle namin.
So ayun nga ako naman nahiya yung ante niyo. Imbis na nagugutom pa eh, wala na nawalan ng gana.
Ikaw ba naman kasi nag iiwas ng tingin tas habang si Ajax naman titig na titig habang kumakain.
O baka guni-guni ko lang talaga to.
Huhu.
Ewan ko parang kinakabahan ako na di na makakalunok sa kinakain ko.
Kaya ang ending kahit marami pa akong kanin at ulam sa baunan ko ih, tumigil na ako sa pag kain.
Conscious na conscious talaga ako sa time na yun.
Ewan ko kung bakit. Kasi pinagpawisan talaga ako.
Kaya ang ginawa ko is nanghingi ako ng tubig kay Ate Cath tas umalis sa harap nila at pumuntang cr.
Para akong ewan na naglalakad.
Pagkarating ko dun, tumingin ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko.
Baka kasi may dumi sa mukha ko kaya lagi niya kong tinitingnan.
Yung titig niya kasi parang ang init. Wahhh..
I look at the mirror again and found myself smiling.
Wala ka na talaga girl. Hulog na hulog na.
No, hindi infatuation lang yan. Nagagwapuhan ka lang sa kanya at yun lang.
Pagbalik ko ay tapos na siyang kumain. Matagal kasi ako bumalik kasi nag aaway pa kami ng sarili ko.
Di na ako tumitingin sa kanya habang binibigay kay ate yung bottle.
Bala ka dyan. Grabe din naman kasi talaga siya makatitig, kaya I excuse myself tas umalis na.
Hehe.
