Prologue

10 0 0
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, places, events, and anything under this story are only a product of the author's imagination. Anything or anyone mentioned in this story which is the same to what happened in actual or real life including the names of the characters, are purely coincidental.

WARNING

Please be advised that this story contains strong language and mature themes that are not suitable for very young readers. Read at your own risk.

NOTES

➤ The picture that was used on the book cover isn't mine. Credits to the rightful owner.
➤ It might have grammatical/ typographical errors. I'm so sorry in advance. Please bear with me. Thank you!

"Tangina, bagsak na naman!"

"Same, girl. Same," sabi ko habang nagreretouch ako ng makeup.

Umalis na 'yung prof namin after niya magpa-exam. Kaya heto ako at nagreretouch para sa next class. Ayaw ko kasing ma-absorb ang school air. Fresh dapat lagi.

"Nagreview naman ako pero wala sa ni-review ko 'yung pina-exam ni prof!" inis na sabi ng blockmate ko.

"Eh, ano pa 'ko? 'Di ako nakapagreview."

"Paano ka makakapagreview, e, puro pagti-thirst trap ang inuuna mo?" sabat naman ni Gab sa sinabi ko.

"Alam mo basher ka talaga! Pasalamat ka, Gabriella, kaibigan kita!" Inirapan ko siya.

"Edi, thank you!" sarkastiko niyang sabi. "Gaga ka talaga! Imbis na nag-aadvance reading ka sa klase ni Prof. Dela Cruz, puro retouch ang pinaggagagawa mo!"

"Syempre! Fresh dapat lagi, 'te!"

"Bakit kaya si Ethan almost perfect ang score?" Isa ko pang blockmate na nakisali sa usapan namin.

"Nagtanong ka pa? Eh, nagmula 'yun sa angkan ni Albert Einstein!"

"Sana all kalahi si Albert Einstein!"

'Di na 'ko nakinig sa usapan nila at tinapos na ang pagre-retouch na ginagawa ko. Nang natapos ay nag-open notes ako pero saglit lang dahil dumating na si Prof. Dela Cruz.

"We'll have recitation for today." bungad ni Prof. Dela Cruz sa amin at inilabas ang mga index cards namin.

"Shet! 'Di ako nakapagbasa!"

"Sana 'wag mabunot for today's video!"

"Tangina, 'di ako prepared!"

Narinig kong mga comments nila pagkasabi ni prof no'n sa amin. Kahit ako, 'di prepared pero kalmado lang. Madalang lang ako mabunot sa mga ganito—

Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pangalan ko kay prof. Agad naman akong tumayo kahit na kabado na ako. Shit!

"Y-Yes, Sir?"

Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Ibig sabihin nakapagtanong na siya pero hindi ko lang narinig.

I gulped. "Can you repeat the question, Sir?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon