"FAMILY CHIEF"
Genre: horror,murder
by:hyuji writer#1
nakatayo ako sa harap ng malaking pulang gate kung saan na kalagay ang apilidong gutierrez. Inimbitahan ako ng pamilyang gutierrez sa mansyon nila dahil nalaman daw nilang kilala akong chief sa bayan namin. Di ko pa sila nakikita, ngunit sabi sakin ng mga tao dito ay mababait daw sila at mga matulungin.di ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Nasa harap kasi ako ng malaking mansyon nila, inilibot ko ang tingin kabuoan ng mansyon. manliliit ka sa laki at matatakot ka sa kulay itim na kulay nito. Para siyang haunted house na napapanood ko sa tv di ko alam na may ganto pala sa totoong buhay at nasa tapat ko ito ngayon
lumabas ang isang maliit na batang lalaki na sa tingin ko ay nasa limang taong gulang palang, pupulutin sana nito ang laruang kutsilyo ngunit napunta sa akin ang tingin niya. nmay gumuhit na ngiti sa mukha niya ng makita ako, ang tingin niya ay parang nakakita ng isang pagkain na gusto niyang kainin, nakita ko pa ang paglunok niya na nakapag taas ng balahibonko. Natatakot ako sa kinikilos niya, gusto ko man baliwalain ay hindi ko kaya. lumabas ang magandang babae na medyo may edad na sa tingin ko ay si mrs. Gutierrez
"Nandyan na pala siya red, ba't di mo manlang ako tinawag." sabi niya sa anak ngunit sa akin ito na katingin mabagal ang pananalita niya, ngumiti ito sa akin ng kakaiba.
Lumabas ang anak nitong lalaki na sa tingin ko ay panganay na anak nila
"Siya na ba ang pagkain natin—siya na ba ang magluluto ng pagkain natin?" sabi nito kasunod ng lalaking may edad na katulad ni mrs. Gutierrez sa tingin ito ko ay ito ang asawa niya si mr. Gutierrez
Ngayon ko lang napansin na magkakapareho silang nakaitim apat. Si mrs. Gutierrez lang ang tanging naka suot ng dress sa kanila.
pinapasok nila ako sa bahay nila, sobrang kaba ko ngayon di ko alam kung natatakot o na e-excite ako o ano.
Nilibot ko ang tingin sa loob at masasabi kong malinis at malawak ito, pagpasok mo palang dito ay bubungad na sayo ang parang ulo ng kalabaw sa taas ng wall nila. Pinapunta nila akong kusina dahil ako daw ang maghahanda ng pagkain nila ngayon. pati sa loob ng kusina ay nakakatakot, meron kasing mga garapon na nakahilera sa gilid ko at puro lamang loob ang nakikita ko. di ko magawang mag suka dahil sanay na akong makakita nito, ngunit sobrang takot parin ang nararamdaman ko hanggang ngayon
Inilatag ko na ang mga putaheng niluto ko sa lamesa, pati narin ang pinagawa ni mrs. Gutierrez na cake, kulay itim ito at pabilog lang.
"Upo ka, Rellika sumama ka na sa pag sasalo namin. Minsan lang kasi kami na ka imbita ng tao sa mismong kaarawan ng bunso namin." sabi ni mrs. Gutierrez
"B-birthday po ng anak niyo?." tumango ito at ngumiti
"Pasensiya ka na ijah sa kinikilos namin kanina, ang bunsong anak kasi namin ang nakaisip nun. Siguro ay natatakot ka na sa kinikilos namin kanina."
Napatawa naman sila isa-isa
"Ang team kasi ng birthday ng anak ko ay vampire, because our son like vampire so much, kaya ginawa namin ang gusto niya."
"Thanks dad."
Una ay naguguluhan ako ngunit na pag tanto ko na totoo ngang nag sasabi sila ng totoo. kaya pala ay may nakita akong mga bituka ng garapon na akala ko ay parte ng tao ay isa lang naman palang lamang loob ng hayop. kaya daw itim ang mansyon nila dahil daw ito daw ang gustong kulay ng pamilya nila. Totoo ngang mababait sila, pati salo-salo nila ay sinali nila ako.