Day 7306

3 0 0
                                    


"Hindi ba sinabi ko na i-check mo muna bago mo bayaran?" Lintanya ni Mariel, katrabaho ko. We're in the same position sa trabaho pero childhood best friend niya ang boss namin. At malaki rin ang agwat niya saakin, while i am in my 20's she is in her late 30's.

"Tinanong ko naman po 'yan kay boss at siya naman po ang nagconfirm mismo" I said in monotone habang magkatapat na nakaupo kami sa hindi gaanong kahaba na glass table for the meeting room.

"Kahit pa, bagong branch 'yon, minsan lang pumunta si boss doon, tingin mo makakabisado niya yung account number?" Umukit sa mukha niya ang pagkairita.

Hindi ako nagsalita, kinakalma ang sarili, pinipilit na hindi isumbat sakaniya na hindi ko naman talaga kasalanan.

First of all she didn't say na i-make sure ko na tama yung account na pagbabayaran nung bills sa clinic all she said to me nung nagtanong ako sakaniya is sa boss kami mag tanong dahil si boss ang kausap nung mayari ng account ng mga bills. Second, what the hell did she mean na hindi makakabisado? alangan ako ang may kabisado hindi naman ako ang kausap nung mayari ng mga accounts!

"Hindi naman po mali ng tenants, mali po ng engineer, kaya nga po pupunta sa friday yung engineer para po ayusin." Hindi ko na maitago at lumabas na ng kaunti ang gigil at diin sa boses ko

Hindi na siya nakapagsalita, umiling iling siya at ngumisi na parang isa akong malaking disappoinment sa harapan niya. I remained calm, wala naman akong paki kong hindi niya ako gusto, she had to deal with me in the meantime habang hindi pa ako nakakahanap ng bagong trabaho.

5 months since i got this job. Nung unang month they were all nice to me pero after that obviously hindi na. Especially Mariel, she always has to find a mistake in everything i do, kahit pa kabilang branch ang hawak niya, both we are a receptionist in a small beauty clinics.

Mas nauuna pa siyang magalit saakin kaysa sa boss kahit wala namang kagalit galit, kung minsan simple questions pinapalaki niya and she's turning it into arguments, of course i have the right to speak up for myself pero sa nakalipas na buwan i figured she will always be favored by the boss kasi magkaibigan sila, yung mga reklamo saakin ang laging napapansin pero hindi ang ugali niya.

15 minutes 'rin kaming nagusap or more like ginisa lang niya ako sa meeting room. Tumayo na siya and left the room, i sigh. Wala na nga akong makausap, kung mayroon man puro stress sa trabaho ang paguusapan.

I book a grab pabalik sa manila kung saan naroon ang clinic na pinagtratrabahuhan ko, bagong branch ito ng company ng boss namin, ang main branch niya ay sa timog quezon city, kung saan naroon rin ang office namin.

Sinalpak ko ang earphone sa tainga ko at nagpatugtog ng random songs, sawa na ako sa playlist ko kaya hindi na ako nagabalang mamili pa, sa tuwing magisa ako lagi akong nagpapatugtog para umingay man lang ang paligid kahit papaano, kaya ganon na lang kabilis ang pagkasawa ko sa playlist ko, gamit na gamit ko kasi lagi.

Tinanaw ko ang bintana ng kotse, tirik pa ang araw ngayong hapon. Patay ang oras kaya naman hindi kami na i-stuck sa traffic ng driver. Sa labas tanaw ko ang mga iba't ibang klaseng gusali, restaurants, mga naglalakihang bahay. Sa lahat ata ng mga nakita ko doon pa ko nainggit sa hindi kagandahang maliit na bahay.

Huminto si kuya sa isang stop light, katapat ng lumang maliit na bahay, wala itong gate at nakabukas ang pinto at mga bintana. Pinanood kong mag luto ang nanay sa kusina katabi ng maliit nilang sala, nakadaster siya at may katadaan na ang itsura, may mga binata sa sala na nanonood ng t.v habang naguusap at may pababang lalaki sa hagdanan nila mula sa second floor.

Normal iyon sa bahay nila pero nakaramdam ako ng inggit sa ganoong kaliit na bagay. Gusto kong tawanan at batukan ang sarili sa mga naiisip ko pero ito ang totoo, naiinggit ako na may nanay na nagaasikaso sa mga anak niya, may magkapatid na masayang nagkwe-kwentuhan, may tatay na kasabay kumain. Wala ako 'nun lahat.

Buhay pa ang mga magulang ko pero hiwalay sila at may kaniya kaniya ng pamilya bata pa lamang ako. Maaga akong nagpaka matured para maka survive, kailangan kong pakisamahan ang step mom ko kapag na sa side ako ni papa, kailangan ko naman pakisamahan ang step dad ko kapag na sa side ako ni mama. Both of them have their own new families. I have this peculiar feeling kapag kasama ko sila... i feel like I'm trying to fit myself from somewhere i clearly had no room for.

Pero huli na para magdamdam, hindi na ako bata para sumbatan pa sila. Hindi na ako pang-alo sa edad kong ito; tinanggap ko na ang mga pinagdaanan ko noon. Nawala sa paningin ko ang bahay ng umandar na ang sasakyan.








"After this month, mag reresign na ako, kukumpletuhin ko lang yung sahod ko" Desididong sabi ni Nurse Laila. She's in her late 40's, she always tells me na malapit na siyang mag menopause, she has blonde pixie cut and blue eyes underneath her eye glasses.

"Bakit, ubos na ba pasensya mo?" Nakangiti kong sagot sakaniya, habang nagsasagot ng inquiries online sa front desk.

Tumawa siya at umiling, "Paupos na yung natitira kong pasensya, nung una kaya ko pa. Kalma ako ng kalma pero sa ginagawa nila at pang sasabotage nila dito saatin, nakakatamad na! Kaya ko naman mag negosyo" Humahaba ang nguso at lumalaki ang mata ni Nurse Laila sa pagsasalita.

Gusto kong tumawa pero napatulala ako bigla... Mamimiss ko siya. Masipag si Nurse Laila, magaling mag sales talk ng pasiyente at bukod sa lahat hindi maramot, kadalasan kapag nagtitipid ako at may sobra siyang pera nanglilibre siya.

"Paano ako? Baka i-hold ako kapag umalis ka syempre wala kang kapalit?" I quietly asked.

"Makakahanap naman 'yan sila, dami daming nag a-apply eh" She dismissed.

We grew silent, binuksan niya ang phone niya at nag scroll habang wala pang pumapasok na clients at naiwan na naman ako sa mga naiisip ko. I don't want her to go, ayoko siyang mapalitan pero it's her choice. Sino ba ako para mag demand sa mga desisyon niya sa buhay? I'm just a co-worker.

"Paano kung... hindi siya magaling sumagot ng inquiries kapag may client na nagtatanong?" I asked.

"Nurse 'rin naman 'yon, dapat alam niya wag nga lang siya mag bida-bida kahit bawal gagawin niya." She dismissed again.

"Paano kung months lang 'din umalis na? Kung hindi 'rin niya kayanin dito? Paano kung wala talagang mag tagal?" I asked again pero this time pag ngisi lang ang sagot niya, umiling siya at hindi na sumagot. I can feel the sarcasm towards her response na if mangyari man iyon kasalanan na ng management ang sagot.





"Sige mauna na ako, may check up nanay ko eh" Paalam ni Nurse Laila bago siya tumawid sa kabilang kalsada.

"Sige ingat!" Biglaan kong sagot habang tinatanaw ang nakatalikod niyang katawan saakin. Pinanood ko siyang maglakad palayo at pumara ng masasakyang taxi. Hindi ko alam kung maglalakad na ba ko pauwi o panonoorin ko pa siyang makasakay.

Bago pa siya makasakay pinuwersa ko ang mga paa na tumalikod at maglakad na pauwi. Part of me was dying to tell her not to quit kahit sa huling segundo ng gabi na kasama ko siya but i couldn't bring myself to, i have no right and she clearly have better options so why would she listen to me?

Hindi pa ngayon ang resignation niya pero pakiramdam ko bukas wala na siya agad. I felt more alone, maybe i wanted to stop her kasi i was miserable on my own and I want someone to share that feeling with. Ang selfish.

I dragged my feet on the sidewalk pavement, may mga nakakasalubong akong mga tao na tinitignan ako. I can be seen pero i felt like i didn't exist at the same time.

Normal ba ito sa pagiging adult? kasama ba ito talaga?
Maybe i should get myself a boyfriend but that's not easy too. Saan naman ako hahagilap ng boyfriend sa panahong ito? It's not like buying stuff, relationship is a process and a work itself, i couldn't even keep a friend tapos boyfriend pa. Tsk.

I don't have any actual friends, I can't say that Nurse Laila is my friend, we're just co-workers. It just happens that I'm attached to her kasi we have memories for a short time. We're good to each other but we're not friends. I have different ideas of what a friend is.

And maybe the reason why wala akong friends because it's a me problem. Personality ko ang problema. I don't know why but i kind of feel that I'm not build for any kind of relationship. I can have one but it doesn't last like the one with others.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon