Chapter 27: Spare Time Moments

32 25 0
                                    

Third Person's POV

Everyone is ready. They are ready to face a battle they aren't sure they could even win. It was the day when chosen students from different years would battle against each other. Some of them woke up early in the morning, and many of them couldn't even bear to sleep the night before.

All first-year, second-year, and third-year students are required to wear a dark green long-sleeved turtleneck, black battle pants for men, and a black skirt for women that goes down to their knees. Some students who don't summon their weapons let them hang on their shoulders with their sheaths and cases.

Today, these students are the only ones required to participate in the battle. But tomorrow, it will be another batch. They have divided the students by their year level and will start the battle at the given time.

Marami na ang nasa arena. Hindi rin mawawala ang ibang mga istudyante na sa ibang araw pa sasabak sa laban. Mukhang nais nilang mapanood ang mga pinakabata sa kanila. May ilan naman na mas pinili ang hindi na dumalo at manood. Ilan ay nagpa-iwan sa kanilang dormitoryo at ilan ang nasa ibang parte ng akademya na inaabala ang kanilang mga sarili.

“Good morning young Chantarians!” tumahimik ang lahat ng marinig ang pagbati na iyon ng Headmaster. Nasa unahan ito at ganun na rin ang ibang mga Archés. May hindi rin pamilyar na mga mukha duon ngunit tila ay nakikilala sila ng lahat bilang matataas na panauhin.

“Today we will be having our first quarterly battle and I know everyone is excited and nervous right now. But I just want to tell you all that. . . .”

❇〰〰〰〰〰〰❇

“Huh?” wika ng pagtataka mula sa kung saan.

Nahinto sa pag-uunat ng kaniyang braso si Norn habang naka indian sit sa sahig ng training room. Napatingin siya sa pinto at nakita duon ang kapapasok lamang na si Eos. Nakasuot lamang ito ng pang-ensayo na damit. Isang t-shirt at jogging pants kasama ang itim na jacket.

“What are you doing here, Miss Norn?” tanong nito sa kaniya at lumapit sa isang pinto. Ito ay ang lagayan ng ibang mga gamit sa training room.

“Training.” simpleng sagot lamang nito at saka naman lumabas si Eos dala ang isang kahoy na hugis katana.

“I-I see.” matapos nun ay namayani ang katahimikan sa kanila. Tumigil na din si Norn sa ginagawa at nakatingin lamang sa sahig.

Si Eos ay tila ba hindi komportable sa sitwasyon nila kaya ang mga daliri niya ay naglilikot sa hawakan ng espada. Ang mga pisngi niya ay namumula kaya nagpapasalamat siya na sila lamang dalawa ang naruon. Maging si Misha ay hindi rin kasama ni Norn.

U-Uhm....” panimula niya kaya napaangat ang tingin sa kaniya ng dalaga na hindi naman niya masuklian. “Y-Yung sa ano....” Nagdadalawang isip niya pang wika. Tahimik lamang naman si Norn at hinihintay ang sasabihin nito.

“Y-Yung nangyari noon s-sa cafeteria....” napakurap si Norn sa oras na marinig niya ang huling salita at napaawang ng bahagya ang mga labi. P-Pasensya na. H-Hindi ko sinasadya.” sa puntong yun ay napatingin na siya sa mga mata ni Norn kahit na ang mukha niya ay halos singpula na ng kamatis.

“H-Hindi ko yun ginusto, maniwala ka.” wika na niya at napakagat sa ibabang labi. Ramdam niya ang nagkukumawala niyang puso na tila ay nais nitong makawala mula sa kulungan.

“Oh? That's too bad....” rinig niyang bulong ni Norn ngunit tila nabingi siya duon.

“H-Huh?” pag-papaulit niya upang makasiguro sa kaniyang narinig.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon